Entry #15

45 1 0
                                    

U N T I T L E D
~•~

Masaya tayo noon.
Sobrang saya.
Mahal natin ang isa't-isa.
To the point na ayaw na nating magkahiwalay.
Kasa-kasama kita kahit saan man ako magpunta.
Hawak-hawak mo kamay ko everytime na nagbebreakdown ako.
You were with me through ups and downs and so I am to you.
But... Sa isang pikit lang
Lahat nagbago
Nagbago ang lahat.
Nawala yung saya
Pati yung pagmamahal nawala
Yung kasama ko kahit saan ako magpunta nawala
Yung humahawak ng kamay ko nawala
Yung kasama ko through ups and downs nawala
Yung taong yun nawala.

Napaiyak ako habang nakatingin sa lalaking masayang nakikipagtawanan sa isang babae habang hawak ang kamay niyang naglalakad sa dalampasigan.

That was supposed to be me. Ako dapat yun.

Nangako ka, sabi mo ako na hanggang dulo. Hindi ako sumuko kahit sobrang sakit na kasi ikaw na yung taong para sa akin hanggang dulo. Nanatili ako sa tabi mo.

Kaya ang sakit, ang sakit sa mata at puso na makita kang masaya habang ako, durog na durog.

"Nag-enjoy ako. Thank you sa time mahal." sabi niya habang papalapit kayo sa pwesto ko. Pero di moko makikita diba? Kasi nasa kanya atensyon mo.

"Syempre naman mahal, lahat gagawin ko mapasaya ka lang." sabi mo. Sa akin ba ginawa mo yan? Lahat ba ginawa mo mapasaya lang ako?

Pinunasan ko ang luha ko kaya di ko napansin na magkakabangaan pala kaming tatlo.

"Ano ba yan!" sigaw niya. Dahil sa wala akong lakas ay natumba ako sa lupa.

"Mj?" tawag niya sa akin. Nilingon ko siya kaya nakita ko siyang binitawan agad agad yung kamay nung babae.

"Huli na. Kanina ko pa nakitang hawak mo kamay niya." sabi ko habang nakaupo parin sa lupa. Wala na akong lakas para tumayo.

"Akala ko ako na talaga. Mali pala ako." sabi ko, "Kahit gaano mo pa talaga iparamdam sa tao na mahal mo siya, iiwan at iiwan ka parin talaga sa huli."

"Sana maging masaya ka. Ngayon nakita mo akong naulol sa mga salita mo at tuluyang nadurog sana maging masaya kana." sabi ko at tumayo.

Hindi siya worth makita luha ko.

Pag ang tao nangako, tinutupad nila. Siya hindi niya natupad, hindi siya tao.

~•~

SADNESS: A Compilation of short sad storiesWhere stories live. Discover now