Last entry

47 1 0
                                    

TILL DEATH DO US PART
~•~


WARNING!!!: SPG AHEAD! THIS MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUR STOMACH OR CLOSE MINDED BRAIN SO PLEASE DON'T READ IT. I DON'T WANT TO SEE ANY OFFENSIVE COMMENTS BELOW. I GAVE YOU A WARNING. DON'T MAKE ME LOOK LIKE THE ONE AT FAULT HERE.

~•~

Nagising ako dahil sa isang malakas na ingay, parang may nabasag. Kahit naninibago pa yung mata ko sa silaw ay pinilit kong bumangon at lumabas ng kwarto.

Pinikit-pikit ko ang mata ko para mas luminaw ang paningin ko pero bago ko pa makita ang nangyayare ay isang malakas na sampal ang natanggap ko.

“Tangina mong babae ka! Di ba't sinabihan na kita na kailangan mong gumising ng maaga para magluto ng makakain ko?! Pero anong ginawa mo ha?! Nagpakasarap ka sa pagtulog! Ano bang ginawa ko kagabi ha?! Nakipaglandian kana naman ba dyan sa kapitbahay natin at ginabi ka ng uwi?! Sumagot ka!” Sigaw niya at sinampal ulit ako.

Sobrang sakit ng sampal niya na nagising ako ng tuluyan. Naramdaman kong dumudugo na ang labi ko kaya napaiyak ako.

“Wag mo'kong ma-iyak-iyakang depota ka! Hindi ako mabubusog dyan!” sigaw niya ulit at hinila ang buhok ko kaya napasigaw ako sa sakit, “Anong ginawa mo kagabi?!”

“M-may trabaho a-ako k-kagabi kaya a-ako ginabi ng uwi.” sagot ko habang nakahawak sa kamay niya, “B-bitawan mo a-ako... N-nasasaktan na ako." Pagmamakaawa ko.

Pabagsak niya naman akong binitawan. Dali dali naman akong umatras dahil sa takot.

“Trabaho? Saang trabaho naman yan? Sa bar? Nagpapagamit kana pala ngayon HAHAHA” malakas niyang tawa.

Totoong sa bar ako nagtatrabaho pero hindi ako nagpapagamit. Waitress lang naman ako dun at yun lang ang trabaho ko.

Nakita ko siyang napaupo sa sofa at nagsindi ng sigarilyo.

“Nagugutom na ako, magluto kana.” sabi niya at binuksan ang TV.

Dali-dali naman akong tumayo at nagtungo sa kusina.

Binuksan ko ang ref at kinuha ang karne ng manok na binili ko kagabi.

Habang naghahanda ay nararamdaman ko yung titig niya. I don't feel good about this.

Napahinto ako sa paglilinis ng manok ng maramdaman ko ang yakap niya.

“Tutal nagpapagamit ka naman, pwede na siguro kitang tikman." Bulong niya sa tenga ko. Napahigpit naman ang hawak ko sa manok at nagpatuloy sa paglilinis.

Nabitawan ko bigla ang manok ng hawakan niya ang ibabang parte ko. Inamoy niya din ang leeg ko kaya nagsitindigan ang balahibo ko.

“W-wag p-please..." Naiiyak kong sabi.

Ayoko, ayokong makuha niya ang pagkabirhen ko sa ganitong paraan. Sa paraang wala man lang akong pagmamahal na mararamdaman.

“Anong sabi mo?” tanong niya at hinila ulit ang buhok ko, “Nagpapagamit ka sa ibang tao pero sa akin na sarili mong asawa hindi ka magpapagamit?”

“H-hindi ako n-nagpapagamit.” nanginginig kong sagot.

Nakita ko namang nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin kaya mas lalo akong napaiyak.

“Sumasagot kana ah.” sabi niya at hinila ang buhok ko.

Iyak ako ng iyak at nagmamakaawa sa kanya pero hindi niya ako naririnig.

SADNESS: A Compilation of short sad storiesWhere stories live. Discover now