Entry #8

55 1 0
                                    

I LOVE HIM BECAUSE HE LOVES ME~•~

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I LOVE HIM BECAUSE HE LOVES ME
~•~

"Elise!" Rinig kong sigaw sa pangalan ko. Napalingon at nakitang papalapit sa akin si Zero. Ano na namang kasalanan ko dito't nakakunot na naman noo niya?

"Nagawa ko na naman at nakaganyan mukha mo?" Tanong ko. Pagkalapit na pagkalapit niya ay pinitik niya noo ko. Aray ko ah? Atraso ko dito?

"Di mo na naman kinain lunch mo." Sabi niya at tinaas ang lunchbox na naiwan ko sa room. Kaya pala ang gaan ng bag ko, "Alam mo bang ilang oras kong niluto 'to kasi di tama yung timpla? Di ako marunong magluto at nagpuyat pa ako para lang matutunang magluto ng adobo kasi paborito mo. Ang dami kong nagastong karne para dito tapos di mo kakainin?"

Halaaa! Nagpuyat talaga siya para lang diyan? Di ko alam kung matutuwa, malulungkot o kikiligin ako sa sinabi niya basta ang gulo.

"S-sorry, nakalimutan kong buksan bag ko eh. Di bale di pa naman panis yan kakainin ko nalang pag uwi ko." Sabi ko at inabot ang lunchbox.

"Minsan talaga naiisip ko na binabalewala mo lang mga efforts ko para sayo. Nung nakaraang monthsary natin, iniwasan mo lang ako kahit nakita mo na ako na paparating na may dalang chocolates. Homemade mga yun pero iniwasan mo." Sabi pa niy kaya napayuko ako. Nahihiya kasi ako that time, di ko alam kung anong gagawin ko kaya nag iba ako ng daan pauwi, "Yung totoo, na-a-appreciate mo ba talaga mga efforts ko? O pinapakita mo lang sakin na nagugustuhan mo yung ginagawa ko kasi yun yung gusto kong makita sayo?"

Napatingin naman ako sa kanya at nakitang may tumutulong luha sa mata niya. Nataranta naman ako at agad na pinunasan ang luha niya. Napapikit naman siya at hinawakan ang kaliwang kamay ko.

"Mahal mo ba talaga ako? O mahal mo lang ako kasi mahal kita? Sabihin mo sa akin Elise please." Humihikbi niyang sabi. Kahit ako hindi ko rin masasagot yan.

Minahal ko nga lang ba siya kasi mahal niya ako? Kasi napaparamdam niya sa akin na importante din ako? Na kamahal-mahal din ako?

Ewan ang gulo. Napalunok ako at hinalikan siya sa noo. Naramdaman ko naman siyang niyapos ang bewang ko.

"I'm sorry." I whispered to his ears after finding my right answer. I love him... because he loves me, "Minahal lang kita kasi mahal moko."

Naramdaman kong mas humigpit ang yapos niya sa bewang ko, sabay sa tunog ng pagkalaglag ng lunchbox ay siyang paglakas ng iyak niya.

On that day, on our special day. Our first anniversary, nasira ko ang puso ng lalaking walang ibang ginawa kundi mahalin ako ng buong-buo.

SADNESS: A Compilation of short sad storiesWhere stories live. Discover now