Entry #11

45 1 0
                                    

OVERTHINKER~•~

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

OVERTHINKER
~•~

"Sam". Rinig kong tawag sa akin. Napalingon naman ako at nakita si Jack.

"Bakit?" Tanong ko at binaba ang cellphone.

"Hindi na muna kita masasamahan sa movie marathon natin ngayon ah?" Malambing niyang sabi at niyakap ako mula sa likod. Hindi niya ako masasamahan? Bakit?

"May emergency kasi. Okay lang ba sayo?" Sabi niya at hinalikan ako sa pisnge. Emergency? Sa trabaho ba?

"Sa trabaho?" Tanong ko habang nakatitig sa kanya.

Ilang minuto siyang hindi nakasagot at nakatitig lang din sa akin. Ba't ang tagal niyang sumagot?

"Uh, yes. Ofcourse, nagka emergency kami sa trabaho. Natatakot lang akong sabihin sayo kasi baka mag-alala ka. Alis na ako baby ah, sorry talaga." Sagot niya sabay halik sa noo at lumabas ng apartment.

Napabuntong hininga ako at niyakap ang tuhod ko.

Totoo bang may emergency sa trabaho niya? O may iba siya? Ba't ang tagal niyang nakasagot? Niloloko niya ba ako?

Napasabunot ako sa sarili ko at sumandal sa sofa. Napalingon ako sa balkonahe at pinanood ang langit na nagiging kahel dahil sa papalubong na araw.

Yes, I'm an overthinker...

...and I hate it.

SADNESS: A Compilation of short sad storiesWhere stories live. Discover now