Entry #10

46 1 0
                                    

BRUISES ON HIS HANDS
~•~

"Jack, pwede patulong?" Tanong ko kay Jack na nakatulala lang dito sa classroom. Jack's my long time bestfriend, magkasama na kami since kindergarten.

"Sure ano yun?" Sagot niya at tumitig sa akin.

"Paki-abot naman neto kay Drake hehe close kayo eh." Sabi ko at inabot yung niluto ko para kay Drake, my crush since 7th grade. Malay niyo diba mapansin niya ako dahil dito.

"Coreen, ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala kang chance kay Drake?" Naiinis niyang sabi niya. Napayuko naman ako sa sinabi niya, alam ko naman yun eh kaso ayokong tumigil. Mahal ko na yung tao eh.

"Ba't di nalang kasi ako? Andito naman ako palagi para sayo. Di pa kita sasaktan." Sabi niya. Napabuntong hininga naman ako at sasagot na sana ng naunahan niya ako, "Wag ka ng sumagot, I know na friendship lang kaya mong ibigay and I respect that pero masakit parin lalo na't ginagawa mokong tulay para magustuhan ka ni Drake. Sana man lang naisip mo na masasaktan ako dito sa pinapagawa mo, pero ginagawa ko parin kasi mahal kita."

Gusto ko ng umiyak dahil sa mga narinig ko. Akala ko okay lang sa kanya lahat, akala ko mapasaya siya para sa akin. Kaso hindi pala, sinasaktan ko lang pala siya dito sa ginagawa ko. Aaminin ko, ginagawa ko nga siyang tulay para magustuhan ako ni Drake pero hindi ko alam na ganito pala mararamdaman niya.

"Nagpapakatanga ako para sayo kasi mahal kita." Sabi niya at kinuha yung lunch box, "Ibibigay ko na 'to kay Drake pero huli na'to. You just broke our friendship Coreen, for real."

Napatitig nalang ako sa table niya pagkaalis niya. I can clearly see my name engraved on his wooden table with a heart on it.

I never thought he loves me that much. Akala ko mahal niya lang ako kasi bestfriend niya lang ako, akala ko mahal niya ako kasi ako nagpapasaya sa kanya sa mga panahong malungkot siya. But I was wrong, he loves me because I was the girl who made him feel that he can be happy even if the world is cruel to him.

"Jack." Sambit ko at tumakbo palabas. If the man I love can't love me back, then I'd rather choose the man who loves me as much as the amount of love I've wasted to that person.

Nakasalubong ko si Drake na nakangiting dala ang lunchbox. Binigay niya nga.

"Hey you're Coreen right?" Salubong niya sa akin. Masaya ako kasi napansin niya but I need to see Jack and I won't waste any minute flirting with Drake right now.

"I'm sorry but I'm in a hurry." Sagot ko at tuluyang umalis ng school.

Tinakbo ko ang layo ng ng school papunta sa apartment na pinagtutuluyan niya, nang makarating ako dun ay halos mahimatay ako sa hilo. Nauubusan ako ng hangin.

Pumasok ako sa apartment at nakitang nakatingala ang landlady sa taas ng hagdan.

"Hija andito kana pala. Ano bang nangyare dyan kay Jack? Bigla nalang nagwala pag-uwi niya. Natatakot na rin yung ibang tenant sa posibleng.mangyare sa kanya." Sabi niya. Tumango lang ako sa sinabi niya at humakbang pataas.

"Ako na pong bahala." Sabi ko.

"Sige hija baka ano pang mangyare sakanya." Sagot niya at umalis na.

Nagtatakbo naman ako pataas at patungo sa kwarto niya kaso nakalock yung pinto. Tss, mukhang ilalock pick ko pa 'to.

Ilang sandali pa ay nabuksan ko na yung pinto kaya dahan-dahan ko 'tong binuksan.

And there I saw him. Sa dami ng mga kalat na andito sa loob, nasa gitna siya habang nakayuko. Ang daming basag na vase at salamin. Pati yung tv sira.

Napatakip ako ng bibig ng makitang nagdudugo ang kamay niya. Agad agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Why are you here?" Malamig niyang tanong.

"Kasi nag-aalala ako sayo. Jack I know I've hurt you for so long but please give me another chance, not just the chance to forgive me but a chance to love you." Sabi ko habang hawak hawak ang kamay niya.

"It's too late Coreen. I don't want to love you anymore." Sabi niya.

Napatitig ako sa malamig niyang mata.

That moment I knew, I've lost the man who I really love the most. Nasa huli nga talaga ang pagsisisi.

Napatitig ako sa kamay niyang nagdudugo at madaming pasa.

All of this because of me. I've hurt him so much for the sake of my own happiness not knowing how much it will hurt him.

All of this bruises for a person like me. A person who can't even love a man who loves her very much.

The bruises on his hands are all for a useless person like me.

SADNESS: A Compilation of short sad storiesWhere stories live. Discover now