Curse 1~

23 1 0
                                    

Curse 1~

Aria's POV

"Mom, papasok na po ako." Sabi ko kay Mommy.

"Sige. Umalis ka na." Sabi ni Mommy.

Napasimangot ako, di na naman nya ko ikikiss. Ugh. I know I'm already 17 pero gusto ko lang naman maramdaman yung pagmamahal ni Mommy sakin. Puro si Kuya na lang yung pinapansin nya eh.

"Alis na, Aria." Sabi pa ni Mommy kaya lumabas na ko ng bahay.

Naglakad na ko papunta sa school namin.

"Hey, weirdo!" Napatingin ako sa nagsalita. Si Charie and her friends sa sasakyan nya.

Di ko na lang sila pinansin at dumiretso na maglakad. It's okay, Aria. Konting tiis na lang.

Pagkadating ko sa school ay dumiretso na ko agad sa room namin.

'Don't come in'

May narinig akong boses sa utak ko. Hays. Namamaligno na naman ako.

Binuksan ko na yung pinto at saka pumasok.

"Burn!" I heard them saka pinagtawanan ako.

Ugh. Great. Harina plus Eggs, Wow. Just wow. Pwede na kong gawing tinapay. Kelan ka ba masasanay, Aria?

"Ano ba yung naaamoy kong mabaho?" Sabi ni Miss Alonzo, teacher namin.

"Si Aria po! Ang baho nya! Eeww!" Maarteng sabi ni Kelly.

"Ano na naman ba ang ginawa nyo kay Aria?" Tanong ni Miss Alonzo.

"She deserves that, Miss. Look, she posted this post yesterday." Sabi ni Chandra sabay may pinakita sya sa cellphone nya kay Miss.

Tiningnan ako ni Miss ng masama kaya nagtaka ako.

"Aria Mariano! Detention, now!" Galit na sabi ni Miss Alonzo sakin.

"Miss! Wala po akong ginawang masama!" Sabi ko.

"Sinungaling! Akala ko pa naman isa kang mabuting bata, isa ka din palang pasaway at walang magawa sa buhay kundi mantrip! Detention, now!" Sabi ni Miss kaya wala na kong nagawa kundi sumunod.

Naglakad na ko papalabas ng room, pero bago yun may narinig pa kong nakakainis.

"You did great, Sis! Masyado kasi syang sipsip at paawa." Narinig kong sabi ni Charie.

Hays. Hindi naman ako nerd, pero ako yung mas madalas nilang ibully. Normal naman yung itsura ko pero bakit ganun? Hindi naman ako panget pero lagi akong inaasar at pinapahiya. It's okay, Aria. Just a few days, aalis ka na sa paaralang ito.

"Aria. Ano na naman bang ginawa nila sayo?"

Napabalik ako sa katinuan ko nang makita ko ang kaisa-isang kaibigan ko dito sa paaralan na ito. Sya si Heather Zanders.

"Wala 'to. Sige, pupunta pa kong detention room." Sabi ko sa kanya.

Naglakad na ko ulit papasok sa detention room. Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sakin ang mga lalakeng nagsusuntukan na tumigil nung nakita ako.

"The target's already here." Sabi ni Tyler, isa sa mga basagulero sa school na ito.

"Turuan na natin sya ng leksyon." Sabi naman ni Dew na nakatingin sakin.

Anong gagawin nila sakin?

"Aray!" Sabi ko nung may humila ng buhok ko.

"Ang arte mo, freak!" Sabi ni Gio, sya pala yung humila ng buhok ko.

CXG: The Cursed PrincessWhere stories live. Discover now