Curse 17~

17 1 0
                                    

Curse 17~

Jasper's POV

Hanggang sa pagtalon namin nila Aria, hindi ko binitawan yung kamay nya kaso pagkapunta namin sa tubig biglang nagliwanag ang mga paa ni Aria at naging buntot ito. Buntot ng isang sirena. Ang ganda ng buntot nya at nagkaroon din sya ng shell na tumatakip sa dibdib nya. Nagkaroon rin sya ng kwintas na gawa sa pearl at hikaw na pearl. Napakaganda. Naging kulay asul ang buhok nya at may maliit syang korona sa ulo nya. Pamilyar. Pamilyar ang ganyang itsura. Nakita ko na noon yan...

Nakita ko na yan noon kay Casper.


*Flashback*

"Ina, ina! Ano pong ginagawa nyo kay Casper?" Tanong ko kay ina dahil ibinababa nya ito sa isang malaking shell na may tubig. Tatlong taon na kami noon.


"Tingnan mo anak, sabi ng Dyosang si Wynona na kapag inilagay si Casper sa tubig dagat ay magiging sirena sya." Sabi ni ina at tinitigan ko si Casper na nilagay ni ina sa loob ng shell na may tubig dagat.


"Wow. Ang ganda po, Ina." Sabi ko nang makita ko ang buntot ni Casper. Napakagandang buntot.


"Kaya kapag nabasa ng tubig dagat si Casper ay magkakaroon sya ng ganyang buntot. Yan ang isa sa palatandaan nya, anak." Sabi ni ina at nginitian ako.

"Tatandaan ko po iyan, ina." Sabi ko at hinawakan ang buntot ni Casper.

*End of flashback*

Imposible. Tiningnan ko si Casper at nakita ko na may paa sya katulad namin. Pero si Aria, sya lang ang may buntot. Hindi... hindi pwede.

"B-Bakit ganyan kayo makatingin sakin?" Tanong ni Aria saka isa-isa kaming tiningnan.


"May buntot ka, Aria." Sabi ni Alyanna at tinuro yung buntot ni Aria. Binitawan ko si Aria. Hindi pwede.

"Teka, A-Aria?" Tiningnan nya si Lily. Hindi pwede.







Lily's POV

Sya nga, sya nga si Casper. Tiningnan ko si Jasper na nanlalaki yung mata. Alam namin nila Cross kung ano ang magiging itsura ni Casper kapag nabasa sya ng tubig dagat. Pero etong pekeng Casper na ito, walang nangyari sa kanya.


"T-Tara na sa Boronia." Sabi nung kulay dilaw yung buntot na sirena.



Sumunod na lang kami at saka lumangoy. Bakit ganon ang tingin ni Jasper kay Aria? Hindi nya ba narinig ang sinabi ni Aria na sya si Casper kanina?


"Casper!" May narinig kaming boses, maliit na boses. Hinanap namin yun at nakita naming may papalapit na dolphin samin.



"M-Momo?" Narinig kong sabi ni Aria.


"Casper!" Sabi nung dolphin at lumapit kay Aria. Niyakap sya ni Aria.



"Mga kaibigan! Nandito si Casper!" Sigaw nung dolphin at maraming isdang lumapit samin.




"Casper!" Sabi nung mga isda at sumiksik kay Aria.



"Tsk." Narinig kong sabi ng pekeng Casper.


Nagpatuloy na lang kaming lumangoy hanggang makarating kami sa gitna ng karagatan. Napalunok ako. Dito naninirahan ang mga mababangis na pating.

Takot ako sa pating eh.


May naramdaman akong papalapit na enerhiya samin at mukhang naramdaman din nila iyon pati yung mga sirena kaya agad kaming huminto. May nakita kaming malaking anino na papalapit sa unahan namin. Napakapit ako kay Cross at nakita kong parang hugis pating iyon.

CXG: The Cursed PrincessWhere stories live. Discover now