Curse 5~

17 1 0
                                    

Curse 5~

Cross' POV

Bullshit! Naaalala ko na naman yung ginawa ko kaya nawala si Casper. Bakit ba kasi lagi kong inaasar si Casper? Lagi ko syang sinusungitan tapos nasasaktan naman ako pag malungkot sya. Namimiss ko na si Casper.

Alam kong mas bata sya, sila samin. Apat na taon sila ni Jasper noon at anim na taon naman kami nila Kyron. Mas matanda kami sa kanila pero di nya kami tinuring na mga ate o kuya. Pantay-pantay kami. Yun ang sabi nya.

Nung gusto ko syang mahanap, pumunta ako sa Mortal World pero may nakilala akong isang babae. Sa tuwing titingnan ko sya, parang nakikita ko yung sarili ko sa kanya nung nawala si Casper. Mahina man sya pag nagpapaapi sya sa mga tao, hindi iyon naging hadlang para sa pag-aaral nya. Mas lalo syang naging matatag at sya pa rin ang nangunguna sa eskwelahan nila.

Nagpanggap ako na di ko pa alam ang pangalan nya kaya sinadya kong bungguin sya. Tapos umamin ako na gusto ko sya, pero nung tinakbuhan nya ko ay nakita ko si Hiro. Ang panganay na anak ni Ariana. Nakipaglaban sya sakin at sinabing wag na akong pupunta doon dahil nananahimik na sila doon. Nasira namin ang paaralan kaya umalis ako. Umalis ako na binigyan lahat ng tao doon ng isang Forgetting Potion. Yung hindi nila ako nakita at nakilala.

Yung una kong minahal nawala dahil sa ginawa ko at yung pangalawa naman na si Aria ay naiwanan ko. Teka.

Aria? Aria Shienne Mariano ang pangalan nung pangalawang minahal ko tapos Aria din ang pangalan nung babaeng kaibigan ni Heather diba?

Iisa lang ba sila? O magkaibang tao? Pero anong nangyari sa Aria na minahal ko at sa Aria na napakawarfreak ngayon?

"Fuck!" Napasabunot na lang ako sa inis.

"Nababaliw ka na ba Cross?"

Napatingin ako sa nagsalita. Great. It's Aria the Warfreak.

"Sinusundan mo ba ako?!" Galit na sabi ko sa kanya.

"Nagpapakain ako sa mga dragon. Duh." Sabi nya at nakita kong may mga baby na dragon sa tabi nya.

Teka. Dragon?!

"Paano mo napalabas yan? 14 years na silang nagtatago dahil wala pa si Casper." Sabi ko.

Nginitian nya muna ako bago sumagot.

"Sabi nga kahapon, nandito na si Casper. So basically, mapapalabas na sila." Sabi ni Aria.

Napabuntong-hininga ako.

"Sana nga nandito na si Casper. Pero bakit kaya hindi sya nagpapakita sa amin? Galit pa ba sya sakin? Hindi ko naman sinasadyang sungitan sya noon, sadyang gusto ko lang syang asarin." Sabi ko sa kanya at tumulo na naman yung luha ko.

Kasalanan ko kung bakit sya nawala. Kung bakit sya nakuha ni Ariana. Kung hindi ko sya sinungitan, hindi sana sya tatakbo at hindi sana sya mawawala.

"Nangyayari lahat dahil may dahilan, Cross. Kung wala man sya ngayon, balang araw makikita nyo din sya. Malay mo, binabantayan nya lang kayo. Magpapakita din yun. Umiiyak ka pa dyan." Sabi ni Aria na nakangiti at pinunasan yung luha ko.

Shit. Magmumukha akong bakla nito eh.

"Hindi ako umiiyak." Sabi ko kaya tinabig ko yung kamay nya.

"Sabi ni Baymax, it is alright to cry. Crying is a natural response of pain. Whenever you're sad, just think of happy moments and think positive." Sabi ni Aria.

CXG: The Cursed PrincessWhere stories live. Discover now