Curse 12~

14 1 0
                                    

Curse 12~

Aria's POV

"FINALLY! KYAAAAH!" Narinig kong sabi ng isang boses habang yakap yakap nya ko.

Kulay blue yung buhok nya so I guess sya si Wynona, ang Goddess of Water.

"W-Wynona." Sabi ko at humarap sya sakin.

Ang ganda ng kulay ng mata nya, kulay asul katulad ng buhok nya. Parang dagat yung buhok nya, umaalon alon. Ang ganda.

Nakita kong tumutulo yung luha nya habang nakatingin sakin. Bakit sya umiiyak?

Mas maliit pala sya sakin. O matangkad lang ako?

Pinat ko yung ulo nya saka sya niyakap ng mahigpit. Para bang miss na miss nya ko.

"C-Casper..." sabi nya habang humihikbi. At kumalas din sya sa yakap at pinunasan nya yung mga luha nya.

"Hi?" Sabi ko na lang dahil tinititigan nya na naman ako.


"Napakaganda mo talaga, Casper. Pasensya na sa inasal ko. Natutuwa lang talaga ako na nakita na kita ulit. Mahigit labing-apat na taon din ang nakalipas." Sabi nya kaya ngumiti ako ng pilit.


"Ano palang gagawin ko?" Tanong ko.


"Oh! Oo nga pala. Water is my power so you need to heal those animals." Sabi ni Wynona na tinuturo yung mga hayop na puro sugat.

"P-Paano ko gagawin yun?" Tanong ko. I don't know how to heal except kung gamit ang kapangyarihan ko.


"Oopss. Not that. Not light. But water. Use your tears, Aria. Tears can be healers, especially to us." Sabi ni Wynona kaya nagtaka ako.


"Tears? Luha? Nakakapagpagaling yun?" Tanong ko sa kanya. Ngayon ko lang nalaman yun ah?


"Yes." Sabi ni Wynona.


"Pero paano naman ako iiyak? Eh hindi naman ako naiiyak." Sabi ko.


"Hindi ka naiiyak o pinipigilan mo lang ilabas ang luha mo? You know Casper, hindi dahil umiiyak ka ay mahina ka na. Kahit sinong nilalang ay may karapatang umiyak. Now, I want you to cry. Cry as long as you want. Just cry. And after that, I want you to be free. Free from pain again. Goodluck, Casper." Sabi ni Wynona kaya lumapit ako sa mga hayop.


"P-Prinsesa.. tulungan mo kami." Sabi nung usa na sugatan.

Inalala ko lahat. Simula ng masasakit na nararamdaman ko hanggang sa isa isa nang tumulo yung luha ko. Hindi ko na mapigilan yung pag-iyak ko. Simula sa pagtatrato nila mama at kuya sakin, sa pambubully at pananakit ng mga kaklase ko at sa ginawa ni Cross sakin. It hurts. Ang sakit sa dibdib. Umiiyak lang ako ng umiiyak ni hindi na nga ako makaalis sa pwesto ko dahil nanghihina yung paa ko. Para bang nawalan ako ng lakas habang umiiyak.

Simula pagkabata, lahat iyon tiniis ko. Lahat iyon hinayaan ko. Lahat iyon pinigilan ko. Parang ngayon lang ako umiyak ng ganito. Para bang kailangan kong ilabas lahat ng sakit.

Mama Ariana, bakit? Bakit nyo ko gustong patayin ni Kuya? Ni kahit kelan ba di nyo ko tinuring na anak? Kuya, di ba pinagtatanggol mo ko lagi? Eh bakit mo ko gustong patayin noon?

Bakit ni kahit kelan walang nagtangka na kaibiganin ako? Bakit nila ko tinuturing na basura? Ginawa ko naman ang lahat ah. Nag-aral ako ng mabuti para kahit papano, mapansin nila ako. Pero ano? Walang nangyari. Inapi lang nila ako ng inapi.

Cross.. Bakit kahit sinaktan mo ko ng sobra, di ko pa rin kayang magalit sayo? Pero bakit ang cold ng pakikitungo mo sakin noong mga bata pa tayo? Paulit ulit na ko nagpapapansin sayo pero ano? Binalewala mo lang din ako. Bakit? Ang sakit sakit Cross!

CXG: The Cursed PrincessWhere stories live. Discover now