Curse 7~

21 1 0
                                    

Curse 7~

Cross' POV

Bullshit! Bakit ba galit na galit sakin si Aria?! Big deal ba yung ginawa ko sa kanya?!

"Stop it, bro. Baka magkalindol na naman dahil sa galit mo." Sabi ni Kyron kaya kumalma ako.

"I don't get it! Bakit ba sya galit sakin? To the point na halos mapatay nya na ko! At saan nanggaling yung sobrang lakas ng kapangyarihan nya?!" Sabi ko.


"You left her, Cross." Sabi naman ni Lily.


"Yun na nga eh! Hindi naman naging kami tapos okay lang na iwan ko sya! Fuck!" Sabi ko ulit.

"Stupid! Ginawa mo syang tanga dahil binura mo yung alaala mo sa lahat ng mga tao dun tapos yung sa kanya ay hindi!" Sigaw sakin ni Lily.

"So ano na Lily? Sa kanya ka na kampi?" Sarcastic kong tanong sa kanya.

"You're good at that, Cross. Nung bata pa tayo, sabi mo you like Casper. Pero anong ginawa mo? Pinaasa mo din sya. Gaya ng ginawa mo kay Aria. Sabi mo sa kanya na gusto mo sya tapos bigla ka na lang nawala. Ironic, isn't it? Stop being like that, Cross." Sabi ni Lily saka pumasok ng kwarto nila.

"She's right, Cross." Sabi naman ni Alyanna.

"Isang beses pa lang naman kami nagkakilala so bakit ganun sya makareact?" Sabi ko.


"I don't know. Ask Aria. They're here." Sabi ni Alyanna kaya napatingin kami sa pinto.

Maya maya din ay bumukas din ang pinto. Si Aria kasama si Jasper at si Heather.

"Welcome to Alpha, Aria!" Masayang sigaw ni Kyron kaya napatingin sya kay Kyron at ngumiti.

Napahawak ako sa dibdib ko. Shit. I am feeling this feeling again.

"Thank you, Ky!" Sabi nya kay Kyron.

Tiningnan ko ng masama si Kyron. Fuck.

"Aria. No matter what happens, don't leave us. Gaya ng nangyari kay Casper. Okay?" Sabi ni Lily.

"I won't, Lilianna. I promise." Sabi ni Aria at napatingin kaming lahat sa kanya.

"You know her name? Lily lang ang pakilala nya but how come na alam mo yung first name nya?" Takang tanong ni Alyanna.

She's right. Sa tuwing nagpapakilala si Lily, Lily lang ang sinasabi nya na pangalan nya. At Lily lang din ang tawag sa kanya.

"Ha? Ah ano kasi.. hmm.. nakwento ni Heather. Diba Heath?" Sabi ni Aria at tumingin kay Heather kaya napatingin din kami kay Heather.


"Ah, oo. Hahaha. Pasensya na ha? Nasabi ko kasi kay Ca-I mean Aria yung mga pangalan nyo. Hehe." Sabi ni Heather.


'Heather is lying. We need to find out who is that Aria. Alam kong may tinatago yang babaeng yan.' Narinig kong sabi ni Alyanna while using her ability, the telepathy.

Just who the hell are you Aria? Isa ka bang kakampi o isa kang kalaban?


Aria's POV

I can read their minds, you know. Nagdududa sila sakin. But as if I care.

Dumiretso na ko sa kwarto namin ng mga girls at dumiretso sa kama ko. Kanina may nakita akong isang pangyayari. Pangyayari nga ba o nangyari na?

Nasa isang kwarto ako, may mga posas ang kamay at may kadena na nakakabit sa mga paa ko. Nagmamakaawa ako na pakawalan nila ako, pero hindi nila ginawa.

Ano kayang ibig sabihin nun?

"Aria?"

Si Kuya Jasper lang pala. Umayos ako ng pagkakaupo at humarap sa kanya.

"Hmm?" Sabi ko sa kanya.

"Is it okay if I'll be your trainor for the one week training to find my sister?" Sabi nya.

Nahanap mo na sya Kuya. I'm right here.

"Sure." Sabi ko.

"Thanks. Si Cross sana yung magtetrain sayo kaso baka mapatay mo pa sya kapag naglaban kayo eh." Sabi ni Kuya Jasper.

"Sorry pala sa nangyari kanina. Nagalit lang talaga ako." Sabi ko.

"It's okay. I know he did something bad to you kaya ganun ka magreact sa kanya. And tama nga kami, nasaktan ka nya." Sabi ni Kuya.

Napapikit ako. Naaalala ko na naman kung paano ako tinawag ng kung anu-ano dahil pinagpipilitan ko na may isang lalakeng nagmahal sakin na nagngangalang Cross Blake Deathbell.

Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Kuya.

"Sshh.. Iiyak mo lang yan. I know masakit maiwanan ng taong mahal mo." Sabi ni Kuya kaya niyakap ko din sya ng mahigpit.

"Sorry kung iniwanan kita, Kuya Jasper." Sabi ko at nandilim na yung paningin ko.



Jasper's POV

"Sorry kung iniwanan kita, Kuya Jasper." Biglang sabi ni Aria kaya nagulat ako.

"What do you mean?" Sabi ko at tiningnan sya at nakita ko na nakatulog na pala sya kakaiyak.

Hiniga ko na lang sya sa kama nya at kinumutan.

Hindi ko maintindihan kung ano itong nararamdaman ko sayo, Aria. Pero ang gusto ko lang sabihin sayo ay ang gaan gaan ng loob ko sayo. Para bang ikaw yung babaeng kukumpleto sa buhay ko. Mahal na ata kita, Aria.

***

CXG: The Cursed PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon