Curse 14~

16 1 0
                                    

Curse 14~

Icelyn's POV

"Magaganap na! Anong gagawin natin? Hindi pwedeng maganap ang nakita ko!" Sigaw ni Fraisie, Ang Goddess of Future.

Nakatingin kami sa isang usok na gawa ni Crest. Nakikita namin kung ano ang nangyayari kina Casper. Ang tunay na Casper.

"Gumawa tayo ng paraan! K-Kailangan nating gumawa ng p-paraan.. A-Ayokong mangyari sa kanya ang nangyari kay Ate Arisa noon.. Maawa kayo.." sabi ni Aera..

Tiningnan nila kong lahat. Tama sila. Kailangan naming iligtas si Casper. Pero paano?

"We need to break the curse." Sabi ni Alice, ang Goddess of Death.


"But how?" Tanong ni Wynona.


"We need to let them kiss." Sabi naman ni Era.

"No!/Hindi pwede!" Nagkasabay na sabi namin ni Leon.


Tiningnan nila kami na para bang may kahulugan. Bakit ba kasi sumabay pa 'tong liwanag na to?!

"Bakit naman ayaw nyo?" Sabi naman ni Crest na tumatawa pa. Aish.



"Oh My! Icelyn! Type mo si Jasper?" Sabi naman ni Fraisie kaya sinamaan ko sya ng tingin.


"No. Ayoko lang na may humahalik sa Casper ko." Sabi ko saka umiwas ng tingin.


"The ever possessive Icelyn." Sabi naman ni Alice at saka sila nagtawanan.


"Then how can we break the curse?" Iritang tanong ko sa kanila.


"Napakasungit mo talaga." Sabi ni Leon at saka ko sya binato ng ice spikes pero nakaiwas naman sya. Tsk.


"May alam akong paraan." Biglang sabi ni Fiero kaya napatingin kami sa kanya.

"How?" Halos sabay sabay na naming tanong.


"The Mermaid's Pearl! Tama ako diba?" Sabi ni Wynona.


"Tama." Sabi ni Fiero.


"Pero paano natin makukuha yun?" Tanong naman ni Era.


"Hindi NATIN. Sila ang kukuha nun pero nga lang, may twist." Sabi ni Alice saka ngumisi.


I get it.

"Right. Fiero, we need your help." Sabi naman ni Wynona saka nginitian si Fiero.


"What? Para kay Casper, gagawin ko lahat." Sabi ni Fiero kaya mas lalong lumapad yung ngiti ni Wynona.


"Alam kong gusto mong tulungan si Casper kaya para mawala ang sumpa nya ay kailangang pagkarating nila sa Eden ay maipadala agad sila sa Mermaid's Castle. Pero ang gagawin mo ay kakausapin si Freya para sa misyon nila." Sabi ni Alice saka ngumisi.


"What?! Bakit kailangan ko pang kausapin si Freya?!" Sigaw ni Fiero.


Tiningnan ko sila Era na nagpipigil ng tawa. Sinadya talaga nilang si Fiero ang pakausapin kay Freya dahil nga alam naming lahat na mahal pa rin nila ang isa't isa. Actually, wala namang hadlang sa kanilang dalawa eh. Mga naduduwag lang sila. Mga baliw. Kaya ayan, bitter sila sa isa't isa.

"Icelyn oh! Ayaw gawin ni Fiero!" Sabi ni Wynona sabay kapit sa braso ko.


Tiningnan nila kong lahat. Aish. Para kay Casper.


CXG: The Cursed PrincessWhere stories live. Discover now