Curse 18~

17 1 0
                                    

Curse 18~

Aria's POV

Nandito na kami sa labas ng kaharian namin. Papasok na nga kami eh. Naramdaman kong nasa tabi ko si Chandra.


"S-Salamat, Aria." Sabi nya at nginitian ko sya.


"Tulungan mo ko, Aria. S-Sabi ni Akihiro, papatayin nya daw si Charie." Sabi ni Chandra.


"Ililigtas natin sya, okay?" Sabi ko at nginitian sya.


"Salamat." Sabi nya.



"Ina, Ama!" Narinig kong sabi ni Kuya Jasper. Kinakabahan ako.


Nakita kong lumapit si Kuya Jasper kina Mommy. Tumulo yung luha ko. Namiss ko sila.


"Napadalaw kayo, anak." Sabi ni Mommy at ngumiti.


Napatingin ako sa kanya. Mommy..


"Mga kawal! Dakpin nyo ang babaeng iyan!" Sabi ni Daddy at may humawak saking mga kawal.


"Ama! Anong ginagawa nyo?!" Sabi ni Kuya Jasper.



"Yang babaeng yan! Pinagtangkaan nyang patayin ang iyong ina nung nakaraan!" Sabi ni Daddy.


"Hindi nya magagawa iyon! Mga kawal, pakawalan nyo sya!" Sabi ni Kuya Jasper.



Umiling ako saka lumuhod.


"P-Patawarin nyo po ako." Sabi ko at nakita kong lumapit si Daddy sakin at may hawak syang espada.


Tinutok nya yung espada sa leeg ko at akmang sasaksakin na kaya pumikit ako.


"Anak." Narinig kong sabi ni Daddy at saka ako niyakap. Idinilat ko yung mga mata ko at yumakap din kay Daddy.


"Casper, anak." Sabi ni Daddy at saka ako umiyak.


"P-Patawarin nyo po ako, Daddy." Sabi ko sa kanya.


Tinayo nya ko at nakita ko si Mommy sa harap namin.


"Casper ko." Sabi ni Mommy at niyakap nya rin ako. Masaya ako. Sobrang saya ko dahil nakasama ko na sila mommy at daddy.


"Mga kawal, ipabalita sa lahat ang pagbabalik ng aking bunsong anak! Ihanda para sa piging mamaya." Sabi ni ama at tumawa ako.


"Casper anak, ba't ka tumatawa?" Sabi ni Mommy.


"Nakakatawa po kasi magsalita si Daddy. Akala mo nasa makalumang panahon eh." Sabi ko at saka ulit tumawa.


"Maligayang pagbabalik, Casper." Sabi nila Cross at nginitian ko sila.


"Teka, kamusta ka na pala Francheska ?" Tanong ni Mommy.


Napatingin ako kina Alyanna na tumungo.


"M-Matagal na pong patay si Francheska." Sabi ni Lily.


"Huh?" Sabi namin ni Tifa.


"Anong patay na si Francheska?" Tanong ko. Hindi ba nila sya nakilala?


"S-Simula po noong mawala si Casper nung mga bata kami, nagkasakit po si Francheska at yun po ang kinamatay nya." Sabi ni Alyanna. Huh?

Napatingin kami nila Mommy kay Tifa. Anong sinasabi ni Alyanna?

"Ako na lang po ang magpapaliwanag, mahal na hari." Sabi ni Tifa at tumango sila Mommy.

CXG: The Cursed PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon