Curse 15~

15 1 0
                                    

Curse 15~


Headmistress Freya's POV


Naiirita na naman ako. Ano bang ginagawa ng apoy na 'to dito?!

Umayos ako ng pagkakaupo at tiningnan ng masama ang nakaupo sa sofa ko na si Fiero.


"Now, what? May kailangan ka ba?" Masungit na tanong ko sa kanya. Naiirita talaga ako sa presensya ng Dyos na ito.


"Look, hindi para sayo ang sinadya ko sayo dito. Para kay Casper. Mamaya lang ay uuwi na sila dito, kaya imbes na idiretso kina Xandra ang kambal, gusto ko sanang ipadala mo sila sa Aquania." Sabi ni Fiero. Aquania?


"Para saan?" Tanong ko.


"Kailangan nang makuha ni Casper ang Mermaid's Pearl. Dahil kakailanganin iyon sa darating na digmaan." Sabi ni Fiero.

Alam ko ang pag-aalala nila kay Casper. Pero lagi kong tinatanong yun ay kung bakit mas espesyal ang trato nila kay Casper kesa kay Jasper. Eh pareho lang naman sila ah? Atsaka si Jasper ang mas makapangyarihan kesa kay Casper.

"Sige. Para kay Casper." Sabi ko na lang.


Alam ko ang lahat. Alam ko ang mangyayari. At alam kong alam din ni Icelyn kung ano ako. Hindi ako mortal gaya nila Jasper pero kailangan kong isikreto.

"Mom! Wait, what are you doing here?!" Nabalik ako sa realidad ko nang marinig ko ang boses ng anak ko. Ng anak namin ni Fiero pero hindi alam ni Fiero.

"Aalis na ko. Ge. Salamat, Freya." Sabi ni Fiero at biglang naglaho.


Tiningnan ko naman ngayon si Heather.

"Sayang. Di ko sya agad nayakap." Sabi ni Heather. Yes, alam ni Heather na tatay nya si Fiero. Why? Dahil sa kanya namana ang fire power nito.


Tumayo ako at lumapit kay Heather saka sya niyakap.

"After the war, baby. We can be the happy family na. So wait a little longer, okay?" Sabi ko sa kanya at niyakap nya ko pabalik.


"Okay, mom. And ginawa ko na po kung ano yung sinabi nyo. By any minute, the royalties and the impostor will be here na po. I can't wait for you to see who's the impostor. Dahil isang normal na tao ang nakaya lang ng kapangyarihan ni Hiro." Sabi ni Heather.


Tiningnan ko ang bolang crystal na nasa lamesa ko. They're here.


We heard a knock. Mukhang dito na sila dumiretso ah? Kumalas ako sa yakap sa anak ko at umupo at tumayo naman sya sa tabi ko. We need to act.

"Come in." Sabi ko at bumukas ang pinto at pumasok sila Jasper. Oh, wala akong nararamdamang kabaitan sa babaeng ito kaya siguro ito ang ginamit ni Akihiro. Ah-uh, she's weak. Lahat ng nasa kanya ngayon ay pure illusion lamang. Napangiti ako. Kung akala mo ay maloloko mo kami Akihiro, pwes nagkakamali ka.


"Tita Freya?" Narinig kong sabi nung impostor. Pfft. Tita? Hahahaha.



Halatang halata naman na peke ka, girl. Never in my life that Casper called me Tita. Why? Dahil alam nya kung anong klaseng nilalang ako.


"Freya." Narinig kong bulong ni Aria o ang totoong Casper. Freya lang ang tinatawag nya sakin. At naiinis ako dahil doon. Duh! Hindi nya ko ginagalang. And that's the Casper that I used to know. Not this trying hard impostor.


"Aria! Anong tawag mo sa kanya?! Freya?! Napakasama talaga ng ugali mo!" Sabi ni impostor.


"Blah blah. Whatever, Chandra." Sabi ni Aria saka inirapan sya. So Chandra pala ang tunay mong pangalan? Interesting.



"You bitch!" Sabi nya at agad na sinambunutan si Aria dahil nasa likod nya lang naman ito.


Not here, Chandra. Not in my office.


I quickly snap my finger and it stopped. The time has been stopped.

Nilayo ko si Chandra at tinapat ko sya sa punching machine ko at sinuntok ko yung machine para gumanti ito at masapak si Chandra. At saka ko binalik ang takbo ng oras.


"Ouch! P-Paano nangyari ito?!" Sabi ni Chandra ng sapakin sya nung punching machine na sinuntok ko. Nakakatawa.

Nakita kong nagpipigil ng tawa sila Cross, Kyron, Lily at Casper. Pati na rin si Heather. This punching machine really helps me a lot. Buti na lang at dinala ito ng anak ko dito sa mundo namin. Nakakatawa talaga yung mukha ni Chandra. Meron na syang blackeye. Mas okay sana kung meron din sa isa para naman magmukha syang panda. Hahahaha. Time really helps me a lot.


Oh, Before I forgot to tell you guys. I am Freya Lockwell, the Goddess of Time.





Aria's POV

Infairness, napatawa ako ni Freya. Alam ko namang ginamit nya yung kapangyarihan nya eh. Nagpanggap lang ako na huminto din para hindi nya mahalata na hindi ako naaapektuhan ng kapangyarihan nya.

Kanina ko pa napapansin na tahimik si Kuya Jasper at Alyanna. Bakit kaya? Hindi ko naman mabasa yung mga isip nila dahil nakasarado ito.

"Oh, oo nga pala. Kailangan nyo nang makuha ang Mermaid's Pearl dahil kakailanganin iyon ni Casper para sa darating na laban. Pero sa Warexia kayo dadaan." Sabi ni Freya.

"What?! Bakit ngayon pa?! How about my parents?! Kailangan nila ako!" Reklamo ni Chandra.


"Alam na nila. Now, go to the Warexia and get the mermaid's pearl." Sabi ulit ni Freya at pinalabas kami sa office.

Nauna na silang lumabas at nakita ko pa si Heather na humalik sa pisngi ni Freya bago lumabas. Sinadya ko talagang paunahin silang lumabas saka ko tiningnan si Freya.

"Now, what Casper?" Narinig kong sabi ni Freya kaya humarap ako sa kanya.


"Nothing. I just missed you, Freya." Sabi ko at nakita kong nagtutubig yung mata nya.



"N-Naalala mo na ko?" She asked.


"Of course. You're Freya, my aunt." Sabi ko at nakita ko ang pagkagulat sa mata nya.


Sorry, Freya. Hindi ko pa pwedeng sabihin na alam ko kung sino ka. Kunwari wala pa rin akong naalala tungkol dun.


"P-Pwede ka ng lumabas, Aria." Sabi nya at agad akong lumabas.


'Aria.' Sino yun?


Hinanap ko sa paligid kung sino ang tumawag sakin at may nakita akong anino sa di kalayuan samin.

Sino sya?






Cross' POV

Pagkalabas ni Aria, parang may hinahanap sya. Tiningnan ko kung saan sya nakatingin at may nakita akong pamilyar na anino sa di kalayuan samin. Nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino iyon.


Anong ginagawa nya dito at anong kailangan nya kay Aria?



***

CXG: The Cursed PrincessKde žijí příběhy. Začni objevovat