Curse 13~

14 1 0
                                    

Curse 13~

Jasper's POV

Mahigit apat na oras na kong naghihintay dito sa Helios. Napano na kaya si Aria? Sabi ni Lola Irina, hintayin ko daw si Aria bago ako lumabas. Siguro pinahirapan nila si Aria. Nag-aalala na ko sa kanya.

"Kuya?"

Napatingin ako sa nagsalita. Nandito na pala si Aria. Nilapitan ko sya at niyakap. Agad din naman nya kong niyakap.

"H-Hindi ko sinasadya. Patawad." Narinig kong sabi nya at hinarap ko sya.

"Wala kang kasalanan. Tara na? Kailangan nating magpahinga para mahanap si Casper bukas." Sabi ko sa kanya.

Nginitian nya ko at hinawakan yung kamay ko. Aria, mas lalo akong nahuhulog sayo eh.

"Tara na Kuya!" Sabi nya at sabay na kaming lumabas sa Helios.






Cross' POV

Mahigit isang linggo na pero wala pa rin sila Aria at Jasper. Kung hindi lang sinabi ni Headmistress Freya na nasa Helios lang sila ay baka kung san san pa kami naghanap. Nandito kami sa room namin kasama ang isang lalake na nagngangalang West Myer. Hinahanap nya raw yung prinsesa nya. Tapos eto namang si Heather, kanina pa nakatitig sa West na 'to. Type nya ata eh.

Nakarinig kami ng pagclick ng pintuan at bumukas ito. Napatingin kami doon. Ang ganda ni Aria kaso nga lang magkahawak kamay sila ni Jasper. Naiinis na naman ako.

Napatingin sila samin at nakita ko ang paglalaki ng mga mata ni Aria habang nakatingin sakin at bigla syang ngumiti. Saka sya naglakad palapit sakin. Napatawad na ba nya ko? Nginitian ko sya at hinanda ang mga kamay ko na yayakap sa kanya.

Ang kaso nga lang....



"West! I missed you!" Sabi nya nung nilagpasan ako at niyakap yung lalakeng nasa likod ko.


"Princess.. namiss din kita ng sobra." Sabi nung West.


Fuck. Una si Jasper, tapos si Kyron tapos ngayon etong West na 'to?!


"West, kamusta ka?" Sabi ni Aria dun sa West. Di na ko nag-abala pang tingnan sila dahil alam kong masasaktan lang ako lalo. Lumabas na lang ako ng room namin at saka tumakbo papalayo. Bullshit!

Mahal na mahal pa rin kita, Aria. Bakit ba ko nasasaktan ng ganito?!






Aria's POV

Alam kong lumabas si Cross. Bakit sya lumabas? May sasabihin pa naman sana ako sa kanya. Maybe next time, Casper.

Si West muna ang ieentertain ko sa ngayon. Namiss ko 'tong lalakeng ito. Sya yung nagturo sakin ng lahat lahat ng dapat kong malaman. Utang ko sa kanya ang buhay ko. Kung hindi nya ko tinulungan noon at ginamot, baka namatay na ko. Masaya ako at nagkita ulit kami.


Oo nga pala, kailangan kong mahanap si Tifa. May importante rin akong sasabihin sa kanya.

"Kakagaling nyo lang sa pagsasanay diba? Kailangan mong magpahinga, prinsesa. May gagawin pa tayong mahalaga bukas." Sabi ni West at naramdaman ko na lang na binuhat nya ko. Lagi na lang akong binebaby ng lalakeng 'to. Kaya love na love ko 'to eh!


"Sasamahan mo ba ko West?" Tanong ko sa kanya habang dinadala nya ko sa kwarto naming mga babae.


"Hanggang sa makatulog ka, prinsesa. Hindi kita iiwan." Sabi nya sakin at naramdaman kong nasa kama na ko. Nakaramdam na rin ako ng pagod. Gusto kong matulog.

CXG: The Cursed PrincessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang