Curse 4~

16 1 0
                                    

Curse 4~


Aria's POV

"This is our dorm, I mean room. Tayong apat na babae ay dito sa isang kwarto and sa tapat ng room natin ay ang kwarto ng boys. So for now, dito ka muna sa higaan ni Casper. Pero pag nandito na si Casper, we'll add another bed na lang for you. Okay?" Sabi ni Alyanna at tinuro yung higaan ko.

Tumango na lang ako bilang sagot. Umupo ako sa higaan ko habang hawak yung binigay ni Kuya Xavier na bulaklak na gawa sa yelo kanina.

"It seems like Jasper already likes you. You're lucky." Biglang sabi ni Lily na nasa tabi ko na pala.

"I like him too." Sabi ko at nakita ko yung gulat sa mga mukha nila.

I like him too because he's my Kuya.

"Agad agad? Paano naman yung first love mo, Aria?" Sabi ni Heather.


"My first love? Si Blake? Eh iniwan na nga nya ko diba? Yung pagtapos umamin sakin na gusto nya ko tapos kinabukasan bigla na lang nawala? Ayoko na dun. Ayoko sa lalakeng pafall!" Sabi ko at nakita ko sa kanila na parang nagpipigil sila ng tawa.

"Wait, Blake you said? When and where did you meet?" Tanong ni Alyanna or Yanna na lang.

"Aish. I'll tell you a story." Sabi ko at nagsimulang magkwento sa Almost Perfect And Epic Love Story ko with My First Love.

*Flashback*

Naglalakad ako sa isang corridor at may dala dala akong maraming libro dahil ako na naman ang napagdiskitahan ng mga tamad kong mga kaklase.


"Kyaaaaa! Ang gwapo nya naman!" Narinig kong sabi ng mga babae pero dahil hindi ko makita yung dinadaanan ko, nagdiretso lang ako sa paglalakad.

*Booooggggsssh*

"Ouch." Sabi ko nang mapaupo ako sa sahig at nagbagsakan na din yung mga librong dala ko.


"Sorry, Miss." Sabi ng isang boses at tinulungan akong kunin yung mga libro.

Nung nakuha na yung mga libro ay tumayo na kami at saka ko lang nakita yung mukha nya.

Sinamahan nya kong dalhin yung mga libro sa library at sabay din naming binalik yun.

"I'm Blake Deathbell. And you are?" Sabi nya.

"I'm Aria Mariano." Sabi ko sa kanya.

"From now on, you're mine." Sabi nya at tinawanan ko sya.


"I'm yours? Dream on, Blake." Sabi ko at patuloy na tumatawa.

And then he pouted.

"I like you since the day that I saw you in the playground. And now that I finally know your name, you are mine now." Sabi ni Blake at hinalikan yung labi ko ng isang mabilis na halik.

Agad na nag-init yung mukha ko at tinakbuhan sya.

*End of Flashback*


"And kinabukasan, he's gone. Tapos tinanong ko sa mga kaklase ko kung nasaan sya, ang sabi lang nila ay wala daw silang kilala na Blake Deathbell. And that's the day that I fell in love but that's also the day that I got hurt." Sabi ko sa kanila.


"OMG! You mean, you're the Aria that he was talking about?!" Sabi ni Yanna.

"He? Who?" Tanong ko.


CXG: The Cursed PrincessKde žijí příběhy. Začni objevovat