Curse 11~

14 1 0
                                    

Curse 11~

Aria's POV

Maaga kaming ginising ni Kuya dahil kailangan daw naming mamaster yung mga kapangyarihan namin. Kailangan kong mamaster ang yelo dahil iyon ang pangunahing kapangyarihan ko dahil hindi nila alam na ako si Casper, well except kay Heather.

"Aria, ano ba ang elementong na sayo?" Tanong ni Kuya Jasper kaya napatingin ako sa kanya.

"Yelo, Kuya." Sabi ko at napatingin ako kay Goddess Irina na nakatingin sakin na para bang may mali akong nasabi.

"Yelo?" Tanong ni Kuya.

"Y-Yelo, kasi diba yun yung sumpa ko? Hahaha." Sabi ko. Sheez. Sana hindi nya mahalata na nagsisinungaling ako.


"Oo nga pala. Might as well na gamitin mo yung yelo para hindi lang ito negative sayo." Sabi ni Kuya.


"But for now, Leon, Crest, Fiero, Wynona, Aera, Era, Icelyn and Me. Magkakahiwalay kayo ni Jasper ulit at dadaan kayo sa pagsubok na ibibigay ng mga Diyos at Dyosa na yan. Now, I want you to pick a portal and go inside. Goodluck, guys!" Sabi ni Goddess Irina kaya napatingin ako kay Kuya.


"You can do it, Aria. Tuturuan ka lang naman nila kung paano makipaglaban eh." Sabi ni Kuya Jasper kaya tumango na lang ako saka pumasok sa maliwanag na portal.

Gaya ng unang pasok ko ng portal, nakakahilo at parang gusto kong masuka.

"Hindi ko akalaing dito ka didiretso, Casper." Narinig kong sabi ng isang boses at nung tiningnan ko ay yun yung lalakeng pumunta sa birthday ni Kuya Jasper noon.


Gaya ng ginawa nila Kuya noon ay agad akong yumuko para magbigay-galang.

"Nung huli tayong nagkita ay tiningnan mo lang ako tapos ngayon ay yumuyuko ka na? Unbelievable!" Sabi nya kaya umayos na lang ako ng tayo.


"Kung ayaw mo, edi wag. Ikaw na nga itong ginagalang eh." Sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ganun ako makapagsalita sa kanya. Para bang ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kanya.


"Kamangha-mangha, Casper. Ikaw nga ang reincarnation ni Arisa." Sabi nung lalake.


"Reincarnation? Naniniwala pala kayo sa ganon?" Tanong ko. Kasi naman diba, para sa mga mundo lang ng mga tao ang reincarnations and stuff.


"Oo naman. Lahat ng kakaiba, naniniwala ako. Gaya ng kagandahan mo, Casper." Sabi nya kaya napataas ako ng kilay.


"Sino ka ba talaga? Flirting isn't allowed here." Sabi ko at inirapan sya.


"Sa tingin mo, sino ba ako? At bakit ka ba pumasok sa portal na papunta sa kaharian ko?" Sabi nya kaya napatingin ako sa paligid.

"Kaharian mo 'to? Eh puro liwanag lang ang nandito eh." Sabi ko habang tinitingnan yung paligid.

"Tch. Dito ka magsasanay, Casper. Ako si Leon, ang God of Light." Sabi nya at may naalala akong isang memorya.


*Flashback*

Grade 6 na ko sa elementary at napagpasyahan kong icelebrate yung birthday ko sa isang park malayo samin. Yung park na iyon ay napakadilim pero gusto ko paring dun icelebrate yung birthday ko. Dala dala ang hinanda kong pagkain ay naglatag ako ng sapin sa gilid ng malaking seesaw at nilabas yung mga niluto at binake kong cake sa dala kong basket.

Pagkalagay ko ng mga pagkain ay nagsimula na kong tumingin sa langit. Madilim na at ako lang ang mag-isa dito sa lumang park pero okay lang, basta kahit ako lang mag-isa ay magagawa ko paring icelebrate ang ika-sampung taong gulang ko.

CXG: The Cursed PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon