Curse 16~

17 1 0
                                    

Curse 16~

Cross' POV

Dali dali akong tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Ama. Buti na lang at hindi nya iyon napansin kaya hindi agad sya nakatakbo.

"Ama!" Sabi ko nang makalapit ako sa kanya.

Napansin ko rin ang pagsunod nila sakin at yumuko din sila Jasper maliban sa pekeng Casper at kay Aria.

Lumapit si Aria kay ama at niyakap nya ito.

Nakita kong umiiyak si ama habang niyayakap pabalik si Aria. Anong nangyayari?

"Sabi ko na nga ba eh!" Sabi ni Kyron kaya napatingin kami sa kanya maliban kina ama at Aria.


"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Lily.


"Kamukha ni Aria si Reyna Arisa." Sabi ni Kyron kaya napatingin ulit ako kay Aria na nakaharap na samin.


Tinitigan ko si Aria. Kamukha nya nga si Ina. Imposible. Matagal nang patay si ina. Namatay si ina nung huling laban na naganap sa Eden. Isa syang guardian at para magkaroon ng kapayapaan ay kailangan nyang isakripisyo ang kanyang sarili para matigil ito. Yun ang nakatakda sa kanya.


Aria's POV

"B-Bakit ganyan ang tingin nyo sakin?" Tanong ko sa kanila kasi tinititigan nila ko.


"Kunin nyo na ng Mermaid's Pearl bago pa makuha ng kalaban." Sabi ni Haring Clay.

Niyakap ko sya dahil sya ang tatay ni Cross at close kami noon. Namiss ko kasi sya.


"Dumaan na kayo ngayon sa Warexia." Sabi ni Haring Clay ulit at tinuro ang Nebulla Falls.

Tumango kami at naglakad na papalayo. Mermaid's pearl, kailangan kitang makuha.




Jasper's POV

"Ano?! Dadaan tayo sa falls na yan?" Sabi ni Casper at napansin kong inirapan sya ni Lily.


"Oo. Kailangan nating dumaan sa talon para makapunta sa Warexia." Sabi ni Cross at walang anu-ano'y tumawid sa mga tubig sa talon.


Sumunod na din sila Lily at saka tumawid.

"K-Kuya Jasper, pwedeng sabay tayo?" Sabi ni Casper at hahawakan ko na sana yung kamay nya nang hawakan ni Aria yung kamay ko at tinulak papasok si Casper doon kaya kami na lang natira nila Aria.

Nagseselos ba si Aria? Kung ganon, may nararamdaman na din ba sya sakin? Napangiti ako.

"Tara na Kuya." Sabi ni Aria at sabay kaming tumawid sa mga tubig.


Pagkatawid namin ay bumungad ang lagusan na Warexia. Ang Warexia ay ang isang malaking karagatan na pinamumunuan ni Goddess Wynona. Sya ang Goddess of Water.

Sa ilalim ng Warexia, sa pinakailalim ay matatagpuan ang Mermaid's pearl. Sa mismong kaharian ni Goddess Wynona. Pero may problema nga lang.

"Paano tayo makakakuha ng sealey para makahinga sa ilalim ng tubig?" Sabi ni Alyanna.


"Ano yung Sealey?" Sabay na tanong ni Aria at Casper.


"Kinakain iyon para makahinga tayo sa loob ng tubig." Sagot ni Alyanna sa dalawa.


"So Sealey ba ang tawag dito?" Sabi ni Aria at napatingin kami sa kanya. Hawak nya ang sealey. Ang sealey ay hugis seaweed.


"Paano ka nakakuha nyan?" Tanong ni Alyanna kay Aria.


CXG: The Cursed PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon