Chapter 1

729 15 1
                                    

Diana's POV

Nagpunta kami ni Veah and Gazini sa isang kakabukas lang na Museum. Pinilit kasi nila ako imbes na magmukmok lang buong araw sa bahay dahil sa lungkot.

Naka move on na sana ako eh pero sa ginagawa nila, nahihirapan ako. Madalas kasi kami ni Sky pumunta sa mga museum.

Just because I wander 'round the places we would go
Hoping that I' d run into you one last time
Just because I never took your picture off my phone
Doesn't mean that you ' re still on my mind

At ngayon, para bang gusto ko na syang kalimutan pero parang niloloko ko rin ang sarili ko. Kasi umaasa parin akong babalik sya. Malamang nakahanap na yun ng iba ngayon.

Just because I accidentally slipped and said your name
Well, I heard your song , it makes me insecure
Just because I know I 'll never ever feel the same
Doesn't mean I love you anymore

"Ba't nyo pa kasi ako dinala pa dito?. Alam nyo namang marami kaming memories ni Sky sa ganitong mga lugar."

"Akala ko ba naka-move on ka na?. Tapos Sky na naman?. Alam mo Diana, kung lagi kang ganyan lalo kang malulugmok sa lungkot. At saka yung law school mo, dapat yun ang pinaghahandaan mo ngayon." Sermon ni Gazini sakin habang tumitingin kami ng artifacts.

"Ayoko ngang mag abogado. Si mommy lang naman may gusto nun eh--"

"At ano?. Itutuloy mo parin ang pangarap mong maging Chef?. Diana, alam mong imposible nang mangyari yan ngayon lalo na sa situwasyon mo."

Am I lying to myself again
When I say you 're not the best I 've ever had?
Am I lying to myself again
When I say that I 'm not missing you so bad?

"Girls girls, come with me. May nakita ako." Balik ni Veah na parang may gustong gusto syang ipakita samin.

Hinila nya lang kami.

"Ano ba kasi yun Veah?."

"Look." Turo nya dun sa isang painting.

"Holy cow. Diana ikaw ba yan?. Grabe, sobrang kamukha mo yung nasa painting." Sabi sakin ni Gaz.

Oo nga. Kamukang kamuka ko. Nakasuot nga lang sya ng lumang kasuotan.

"Oo nga Miss, kamukha mo. It's called The Peacemaker. Dinonate yan ng isang Amerikanong sundalo 20 years ago, na ngayon lang pinalabas. Actually yung unang layer nyan ay larawan lang ng baril but as time goes by, nag peel off ang top layer kaya nakita yang image ng babaeng yan. Her name is Diana Cariaga. She's a woman from the World war one. By the way I'm Hasna, an artifact collector."

"Asawa po ba yan ng painter?. Hala Diana rin pangalan." Tanong ni Veah dito.

"Hindi. Based on my research she was his first love. They got married sa magkaibang tao. It's so sad that their story had to end that way."

"Diana di kaya ikaw yan?. Diana rin pangalan tapos kamukang kamuka mo talaga.  Promise, maniniwala na talaga ako sa reincarnation." Sabi ni Veah.

"Di totoo yang reincarnation ek ek na yan maniwala ka. At saka, siguro nagkataon lang. Common lang talaga ang pangalan at pagmumukha ko."

"Sa bahay."

Pagkatapos nun ay kumakain lang ako ng ice cream sa park habang nakikipagkwentuhan sina Veah at Gazini dun sa babaeng may dalang cute na aso nang biglang parang nabulag ako saglit dahil sa flash. Nakita ko ang babae. Kaya nilapitan ko sa inis. Parang foreigner.

"Excuse me?. Did you just took a picture of me without my permission?."

"Uhm yes?."

"Delete it."

"Why?."

"Because it's not good to take pictures of people without their permission miss. That's so disrespectful."

"Sorry, but I'm paid to take pictures of everything I see beautiful. So you're not an exception dear." Wait, Diana don't blush. Patuloy parin sya sa pag kuha ng mga litrato sa paligid.

Did she just compliment me?.

"But-no. It's still wrong. Can you just delete it please?."

Pero iniinis talaga ako ng babae at pinicturan nya pa ko ngayon sabay tawa.

"Look, you're so maganda. I could take pictures of you everyday. Do you want to be my subject?."

"Alam mo, sumosobra ka nang babae ka. Why is it so hard for you to just delete that fcking picture of me?. That's all I want. After nyan, I'll go."

"Well, calm down miss. This is my camera and I, only I have the right to keep it or delete it. So my choice is to keep it. And you can't do anything about it."

"Diana!. Halika na, tumawag mommy mo!." Tawag ni Veah sakin. Pasakay na sila sa kotse.

"Oh I think you gotta go, bye Dianaaaa." Pang iinis pa ni Ms. Photographer.

"Hindi pa tayo tapos."

Sabi ko at umalis na.

Hinatid na nila ako sa bahay.

6pm.

"Bakit hindi ka pa nagrereview?!. Malapit na ang entrance exam mo for law school Diana tapos lumalabas ka lang kasama ang mga kaibigan mo?!. Napaka iresponsable mo talaga!."

"Ma, ilang beses ko pa bang sasabihin sa inyo na ayoko ngang mag abogado?."

"Ano?. Susuwayin mo na naman ako?. Baka nakakalimutan mo Diana na huling beses na sinuway mo ko ay muntik kang mapahamak. Dahil pinairal mo yang katangahan mo sa lalaking hindi ka naman kayang ipaglaban!."

"Hanggang kailan nyo pa ba isisisi sakin yan ha?!. Alam ko okay, naging bobo ako!. Pinili ko yung lalaki kaysa career kaya miserable ang buhay ko ngayon!. Nalugi ang negosyo ni Daddy dahil sa katangahan ko!. Ano?!. Masaya na kayo?!." At sa pangalawang pagkakataon, nasampal ako ni mommy.

"Wala kang respeto!. Hindi kita pinalaki ng ganyan Diana!. Kailan ka pa natutong sigaw sigawan ako?!."

"Hindi mo naman talaga ako pinalaki eh. Pinakain mo lang ako't dinamitan pero di mo ko tinuruang maging mabuting tao!. Sana hindi nalang si Daddy ang nawala!." I said shutting the door behind me.

Ayoko na sa bahay na to.

KINABUKASAN

Bago pa magising si mommy, nag-impake nako ng gamit para lumayas.

I don't belong here anyway.

My mom manages a lot of our salon branches. While Kuya Bryan is a successful surgeon sa Thailand.

I'm always the black sheep of the family, pero after lang nung namatay si Daddy. Palaging busy si mommy kaya si Daddy ang madalas kong kasama. Dumidiretso ako sa pinapatakbo nyang restaurant after ng klase ko.

Sya ang nagturo saking magluto at irespeto ang pagkain. Kaya kapag pinapagalitan ako ni mommy noon sa harap ng hapag kainan, di nako sumasagot.

Pero nagkasakit si Daddy ng cancer of the blood or leukemia at di rin nagtagal ay iniwan nya ko. I enrolled myself in a culinary school kahit ayaw ni mommy kasi gusto nya noon pa na mag abogado nalang ako. Yun ang lagi nilang pinag-aawayan ni Daddy noon kasi sobrang liit ng tingin ni mommy sa pagluluto. Kung ikukumpara silang dalawa ni Daddy, mas masarap talaga ang luto ni Daddy.

After culinary school, ako na ang nagmanage sa restaurant namin. Okay ito nung una. At dun ko unang nakilala si Sky. Isa syang regular costumer na minsang nag feature ng dishes namin sa magazine na pinagtatrabahuhan niya.

The Death of Dreams (Frankiana)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang