Author's note

339 5 3
                                    

Sobrang hirap mag-update ng story na to kasi unang una, hindi naman talaga ako nagluluto. At kailangan talagang pag-aralan ko lahat. Before, nung nasa boarding house pako, ako lahat nag-aasikaso para sa sarili ko dahil malayo ang school namin sa bahay namin. Noong hindi pa nabura lahat ng alaala ko vegetarian ako, at ayaw na ayaw ko sa sweets maliban nalang sa chocolate. Kaya talaga healthy living ako and I exercise daily pa.

Ang reason pala talaga why I told my parents that I wanna live independently at the age of 15 is because hindi masarap magluto ang mama ko. As in kahit ngayon, pinipilit ko nalang kainin yung mga niluluto nya kahit yung itlog hilaw, kahit anong iprito sunog, kapag sabaw kung hindi sobrang alat sobrang asim naman, at ang rice sobrang tigas pa na talagang sasama ang tiyan mo. Okay lang sana kung sa akin lang, pero nakakahiya pag may bisita or birthdays. Sinabi ko na kay mama yun dahil prangka talaga akong tao, sabi niya maarte lang daw ako at hindi naman nagrereklamo yung mga kumakain, ako lang. Kaya naguguluhan ako kung ako ba yung may problema o nagsisinungaling lang sa kanya yung mga tao.

So nagbackground check ako about myself since I don't remember most about my own life, like the food I eat growing up. Kapag relatives ko ang tinatanong, sinasabi lang nila na kumakain naman ako ng kahit ano na nasa mesa. My mother is always busy before so we're not really close kaya siguro hindi ako nasanay sa taste niya. Nung junior high ako, pumupunta ako madalas sa mga bahay ng mga kaibigan ko because I love their mother's cooking. At gustong gusto nila yung ina-appreciate ang skill nila na yun. Tapos pag tinanong nila kung bakit hindi ako tumataba eh malakas naman akong kumain, I couldn't tell them that it's because my mom is a terrible cook.

The Death of Dreams (Frankiana)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang