Chapter 23

480 25 7
                                    

Diana's POV

Nakatulog na si Franki pero ako hindi parin, pano ba naman--nakaharap at nakadantay sya sakin pakiramdam ko nga hindi na ako humihingi.

Bakit ba ako naaapektuhan ng ganito sayo Franki? What did you do to me?

That dream. Yun yung puno't dulo nitong lahat. Hingang malalim, si Franki lang yan Diana. She's your friend. Remember: Girls are Friends, not Food.

Panghawakan mo yan.

Unti unti kong tinanggal ang braso at binti ni Franki sa katawan ko at bumaba muna para uminom ng tubig. Tinuyuan na ako sa bibig dahil sa kakalunok ko ng laway.

Bumalik narin ako agad sa kwarto at nagulat ako nang makitang nagising pala si Franki.

"Where did you go?." Sabi niya na parang batang iniwan ng nanay niya.

"U-uminom lang ako ng tubig. Why are you awake?." Tabi ko sa kanya.

"I felt an empty space beside me, and I think that's the scariest thing na pwedeng mangyari, Diana. I don't think I could imagine myself waking up without you." There goes that tight hug again. Ganito ba talaga sya ka clingy sakin? She buried her head into my chest pa.

"I'm not going anywhere Franki, don't worry." I said wrapping my arms around her body at humiga na kami. Nakadagan lang sa braso ko ang ulo niya while mahigpit lang syang nakayakap sakin. Bahala na nga. Magkaibigan naman kami. Friends do this right?

KINABUKASAN

Inikot ikot niya ako around the city, kumain and we took pictures together. Pero nung nasa isang park kami, nakita namin ang isang gay couple na naghoholding hands while walking. Naiirita akong makita sila. It's not because I'm homophobic or something, naiinis lang ako sa idea na what if--hindi. Hindi Diana. Babae ka, lalaki ang gusto mo! That is just a phase!

Siguro nga masyado lang kaming naging close ni Franki kaya medyo nagkaroon ako ng ganito kadeep na attachment for her. Walang ibig sabihin to. Yung panaginip ko, it's just dream! Hindi ako tibo, there's no way. It's just--pero pano nga kung--hindi! Don't you dare think of being gay Diana because you're not! You're gay because--

Nagulat ako nang may biglang kumalabit sakin at huli na ang lahat dahil automatic ko nalang nasabi na,

"It's just a dream nga lang!." Nagulat naman si Franki at natawa dahil wala ako sa sarili ko at kung ano ano pa tong sinasabi ko.

"Haha anong it's just a dream?."

"W-wala. Bakit ka ba kasi nanggugulat?."

"Ang daya, ayaw mag-share. Yan parin ba yung panaginip mo nung last na ayaw mong sabihin?."

"Alam mo, umuwi na tayo. Nilalamig na ako dito."

"UMUWI? hmm. Oo nga pala, dun ka na titira balang araw." Sabi niya na may pa wink pa. Wuy Diana, magpigil ka. Wag kang kiligin. Hingang malalim, tapos magstretching.

"Anong ginagawa mo? Haha." Tanong niya.

"Wala, tara na." Sabi ko at nauna nang maglakad to avoid any physical contact with her.

FLASHBACK

"Alam mo anak, ang pangarap ko talaga para sayo ay makahanap ka ng matinong lalaki na magmamahal sayo at mabigyan mo ako ng mga magagandang apo. Pwede ba yun?." Nung unang araw na isinugod si Daddy sa hospital.

"Pero dad, pano yung restaurant?."

"Hindi ko naman sinasabing pabayaan mo yun. Sinasabi ko lang na kung papipiliin ako,kayo o ang restaurant, kayo lagi ang pipiliin ko. Because if you choose love, you will get contentment but if you choose money, you'll die having regrets."

EOFB

Yun yung pinanghawakan ko when I chose Sky.

I wasn't wrong for choosing love, I was wrong for choosing the wrong person.

Hindi lahat ng nagsasabi sayo na ipaglalaban ka ay nagsasabi ng totoo. Ginagawa kasi yun, hindi lang sinasabi.

Nakarating kami sa kanila ng 1pm.

"Bakit sobrang tahimik dito? San na ang mga tao?."

"Si mommy, pumunta sa birthday ng friend niya. Hanggang mamayang gabi pa yun. Si Ate, nasa gym."

"Na naman? Araw araw ba talaga syang nagwowork out?."

"Malamang andun lagi yun, gymn instructor kasi sya haha."

"So, anong gagawin natin?."

"Alam mo, nasa mood ako ngayon. Tamang tama, tayo lang dalawa." Sabay hubad nya ng jacket niya.

"H-huh?." Malamig naman ang panahon pero bakit pinagpapawisan ako?

"Ikaw ba? Mahilig ka sa medyo wild?. Sound proof yung kwarto ko, kahit magsigawan tayo di maririnig ng kapitbahay. A-ano? Game?."

Sht. Seryoso ba sya?

"T-teka lang Franki, di ba parang ang bilis naman ata. Gusto ko lang sanang iklaro sayo na I don't swing that way. Maganda ka naman eh at sobrang mabait pa pero fcking you is way beyond the line--"

"What? Ano bang pinagsasabi mo? Haha. Diana, I'm not asking you to have sex with me. Are you sure you're okay?."

"Eh ano yung wild at sound proof?."

"Movie. We're gonna watch a movie. Wild, gusto kong panuorin yung Godzilla vs. Kong o di kaya The Call of the Wild."

"T-talaga?."

"Oo. Kung ano ano na yang iniisip mo dyan haha hindi pa nga tayo kinakasal eh honeymoon na agad gusto mo. Hintay lang Diana, darating tayo dyan."

"H-hindi ah. Ikaw kasi, di mo kinaklaro." Umakyat na sya sa hagdan, sumunod naman ako.

"Bakit? Kasalanan ko ba na pinag-iisipan mo ko ng ganun? Haha ikaw ah. Nakakahalata na ko sayo. Crush mo ko no?."

"What? No way!. Over my dead body."

"Patay talaga sakin yang katawan mo mamaya..."

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Syempre, joke lang mahal. Ginagalang kita ng buong puso at kaluluwa ko." Sabi pa niya. May pa mahal mahal pa tong gaga, kapag talaga natuluyan ako sasabunutan ko to pag hindi ako sinalo.

"We're heeeere. Sige na, isip ka na ng gusto mong position haha." And now she's smirking. I don't think this is the Franki I know.

"Did you just slapped my ass?." I said medyo nagulat. Kakasabi nya lang na ako'y kanyang gagalangin.

"Anong gusto mong gawin ko? Squeeze it?. I'm kidding, sorry na. Ang cute mo kasi pag naiinis." Tapos ngayon maglalambing na may payakap yakap pa.

"Makachansing lang eh no?." Sarkastiko kong sabi dito.

"Naglalambing lang. Ito naman affected much?."

Bakit ba kasi ganito nya ako kung tratuhin? Maybe she's just really nice and friendly. Binibigyan mo lang ng kulay D, ganyan lang talaga ang culture nila. Wag kang assuming.

The Death of Dreams (Frankiana)Where stories live. Discover now