Chapter 13

405 13 3
                                    

Diana's POV

"Alam mo, curious na talaga akong makita yang boss mo." Sabi ko, nakakaintriga kase.

"Good thing kasi makikilala mo na sya bukas."

"Talaga?."

"Yup. Actually, umuwi na sya from the mountains."

"Talagang adventurous sya no? Gusto ko sana ng ganung guy."

"Well, I'm adventurous."

"But you're not a guy."

Parang bigla namang nalungkot ang mukha nya.

"Uhm ah anyway, sobrang sarap siguro ng niluto mo dun kaya ka nanalo. Biruin mo, nang kainin nila yung sayo halos di na interesado ang judges na kainin yung kasunod kasi alam nila na may nanalo na." Change topic niya.

"Alam mo, may halong magic akong ginawa dun. I don't know if it's considered as cheating but it's a good strategy. And the secret for that is to feed those judges a dish na agad silang mabubusog."

"Busog? Eh konti lang naman yung kinain nila."

"Hindi yan sa dami ng kinain mo Franki. It's in the pace and component. You can eat two plates of food every meal without getting fat."

"Ineechos mo lang ata ako eh--"

"Hindi. Totoo nga, sabi ng daddy ko.."

FLASHBACK

10 year old me, habang kumakain kami ng lunch sa office niya.

"Eat as slow as possible para madigest agad ang mga kinain mo. That's why food have to be tasty enough and not nakakaumay, to experience the art of food and keeping yourself healthy at the same time."

"Talaga po daddy?."

"Oo. And alam mo ba? The best ingredients para mabusog agad? Veggies and anything spicy like chili pepper, ginger and onion. It's anti-cancer."

Later when I'm 18, daddy is in his deathbed. He just passed away 5 minutes ago. I cried and cried.

"Daddy, why didn't you ate enough onions?! Daddy, please--wake up!. Sabi mo tuturuan mo pako sa secret ingredient." I cried as if I'm blaming him.

Pinasara namin for the meantime ang restaurant,

Pinagpatuloy ko ang culinary school hanggang sa ako na mismo ang nagmanage ng restaurant namin. Dahil narin sa pangungulila ko kay Daddy, I've searched for a man's warmth and presence. Then I met Sky. Kaya lang, ilang buwan palang nakatanggap na kami ng maraming reklamo dahil iba na daw ang lasa ng mga pagkain. Nawalan kami ng maraming costumers,nalubog kami sa utang at sa loob ng dalawang taon tuluyan na ngang nagsara ang The Mackey's Taste. I feel like I've disappointed daddy so much.

Sky is everything I got, pero he said he wanted to work abroad and he wanted me to go with him but my mom said to stay and ayusin ang pangarap ni Daddy na sinira ko o sundin ang kagustuhan ni mommy na mag abogado nalang ako since wala naman talaga akong talent sa pagluluto like dad kaya nalugi ang restaurant na pinaghirapan nyang palaguin.

Ayaw kong suwayin si mommy kaya nakipaghiwalay ako kay Sky, pero pinagsisihan ko yun kaya sinubukan ko syang sundan nung araw na papunta na sya ng airport at doon ako naaksidente. 

Umuulan kasi at sobrang bilis ng takbo ng sasakyan.

The next day, I woke up miserable. With dozens of broken bones. I looked at mom, and she looks like she's really mad at me and to tell me na sobrang tigas ng ulo ko, di ako nakinig.

Galit na galit ako kay Sky kasi kahit na nalaman nyang yun ang nangyari sakin di parin niya ako binalikan at ipinaglaban. Tuloy parin sya sa abroad na parang walang nangyari.

EOFB

"Hey, what's wrong?." Franki said wiping my tears.

"I-I just remembered something. I miss Daddyyy." I said hugging her sobing.

"I miss my dad too." She said rubbing my back.

Umuwi na kami pagkatapos. Nagluto ako ng pork embutido.

"Pansin ko talaga simula nung nakasama kita, tumataba nako. Tingnan mo oh, lumalaki na tong bilbil ko."

Nilapit ko naman ang tenga ko sa tiyan niya,

"Narinig mo yun baby? Nagrereklamo si mommy Franki." Kausap ko sa tummy niya. Tinulak niya naman ang ulo ko palayo.

"Sira haha. Ano ako? Buntis?."

"Malapit na Franki, malapit na. With my magic fingers--"

"What?."

"Syempre, fairy godmother mo ko. Wala akong wand kaya kamay nalang, ihahanap ka nito ng boyfriend." I said referring to my hand.

"Eh bakit fingers?."

"Pag nag log in ka ba sa tinder to search some interesting guys, bibig gamit mo? Syempre daliri, high-tech na tayo ngayon."

"Gusto ko ng matino tapos ihahanap mo ko sa isang dating app pa?."

"Ano namang mali dun?. Napaka judgmental mo naman."

"Hindi ako judgemental, at unang una sa lahat lang Diana ha hindi ako naghahanap ng boyfriend."

"Anong gusto mo? Girlfriend? Haha. Well, okay lang naman na manligaw ka basta hindi lang sakin. Walang talohan sis."

"Kala mo naman papatulan din kita. Di kita type no, masyado kang feeling."

"Bakit ka defensive? Haha. Siguro crush mo ko no?. Haha."

"Hindi ah, over my dead super duper sexy body--"

"Alam mo, cute yung nanghalik na girl kanina. I should've asked for her number--"

"Don't you dare--"

"See? I knew it. You have a crush on me. Lumabas din ang totoo. Wala talagang makakawala sa kamandag ng isang Diana Mackey. Pero ngayon palang Franki, didiretsohin na kita. Not really into those types of relationships."

"Ano ba?. Hindi nga kita crush. Feeling mo naman. Oo maganda ka pero you're like a sister to me Diana."

"We'll see about that." I smirked.

KINABUKASAN

Excited na akong makilala ang boss ni Franki. Siya muna ang pinapasok sa office. Ano kayang pinag-uusapan nila?.

Naghihintay lang ako sa waiting area nang may lalaking makisig na dumaan at lumapit sakin.

"You must be Diana. Franki's model right?. By the way, I'm Argel. Nice to finally meet you." Sabay tabi sakin. Nag-shake hands lang kami.

"What are you doing here? Diba may trabaho kayo?."

"Oo,pero pinatawag kasi ako ni Boss Q."

"About dyan sa boss nyo, what is he like?."

"Well, he's a good person. Outgoing, generous, funny and really adventurous."

"Bakit Q?."

"Lastname niya kasi yun, kaya--"

Biglang bumukas ang pinto. Sumilip si Franki.

"Diana, pasok ka na daw."

Tumayo nako,

"Sige, mamaya ulit ah. Argel."

"Sige Diana."

The Death of Dreams (Frankiana)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن