Chapter 15

471 20 3
                                    

Diana's POV

Malungkot ako at galit dahil nakita ko ulit si Sky sa araw na'to, hindi naging madali lahat sa akin. Hindi ko masasabing andun parin yung pagmamahal ko sa kanya kasi pakiramdam ko naka move on nako, kaya lang yung sakit andun parin eh. Yun nalang ang dapat kong ayusin, pero dahil kay Franki lahat ng bagay napapadali. Pano nya kaya nagagawa yun?.

Parang nagagawan nya ng paraan ang mga bagay bagay na akala ko dati ay impossible. Tulad ng pagluluto ko ulit.

5pm. Natutulog parin si Franki sa sofa, napagod din siguro to ng sobra. Ang sarap nya lang pagmasdan. She's so peaceful. Hinawi ko ang buhok na nakatakip sa mukha niya. Sobrang ganda ng babaeng to. Paganda sya ng paganda araw araw. Nataranta ako ng bahagya nang bigla syang nagising.

Nagstretch sya and nagulat nang makita ako.

"Ka-kanina ka pa dyan?." She asked.

"Medyo." I smiled.

"Anong oras na ba?."

"5:03pm. Inaantok ka parin ba?. Lumipat ka na sa kwarto, maraming lamok dito."

"Haha kailan ka pa naging concern sakin?."

"Lagi naman. Sige na, gusto mo ba samahan na kita?."

"Okay ka lang?. Ang weird mo D ah."

"Masaya lang ako."

"Dahil?."

"Napapagaan mo ang lahat ng bagay. Thank you for being part of my life Franki."

"Aweee, ang lambing lambing natin ngayon ah. May kailangan ka no?." Bangon niya.

"Wala na. Sapat ka na para sakin."

Hinampas nya naman ako.

"Para kang tanga haha wag mo nga akong dadaanin sa paganyan-ganyan mo, mamaya nyan baka--"

"Baka ano?."

"Wala. Sige na, tabi. Dun muna ako sa kwarto. Magluto ka ng masarap na dinner ah." At nagmadali na syang pumasok sa kwarto. Ano kayang ibig nyang sabihin? Bakit ayaw nyang sabihin sakin?.

..

Franki's POV

Sinara ko na ang pinto at pinagsasampal ang sarili ko. Muntik ka na kanina Franki. Pag sinabi mo sa kanya yang feelings mo, malamang you'll scare her away.

Kaya isipin mong mabuti na dapat makuntento ka nalang sa pwede nyang ialay sayo, at yun ay ang pagkakaibigan.

Diana, bakit sayo pa?. Bakit hindi nalang sa iba?. Hindi na sana ako nahihirapan ngayon.

KINABUKASAN

Nasa labas na kami ng building.

"Sure ka nang napag-isipan mo na to ng mabuti?." Tanong ko sa kanya.

"Sure na sure." She said holding my hand. Napapansin kong napapadalas natong ganito nyang gestures sakin.

Franki, wag kang magpapadala. Wala lang yan sa kanya. Kaya hindi ko nalang masyadong pinansin.

Pumasok na kami. Binati namin ang iba naming katrabaho at dumiretso na sa office ni Boss Q.

"Gagawin ko to dahil kailangan para makapagsimula ako ulit." Paliwanag ni Diana.

"Naiintindihan ko. Salamat talaga Dianaaaa." Sabay yakap pa nito kay Diana na naging awkward naman ang kinalabasan.

"Anyway, yung parating mong laban ay mangyayari sa New Zealand. Franki, ikaw ang inaatasan kong sumama sa kanya dun ah?." Sabi ni Boss Q.

The Death of Dreams (Frankiana)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora