1: Wedding Dress

26 1 0
                                    

"Tita, wake up. You promised that we'll go to the bookstore today. Come on, get up." Narinig ko ang mahinang paghagikgik ng pamangkin ko.

Kahit antok na antok ay pinilit ko pa ring bumangon dahil alam kong hindi ako titigilan ni Klaud. Siya na yata ang pinakamakulit na batang nakilala ko.

"All right, baby. Wait for me outside, okay?" Inunat ko ang mga braso ko at nagpakawala ng isang mahabang hikab.

"You look terrible, Tita Alex. You have dark circles and..." Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya. Dahil doon, tumawa na naman siya.

"But, I still love you," bawi naman niya agad sabay halik sa pisngi ko.

"You really know how to make me smile, ano?" Niyakap ko si Klaud at saka pinanggigilan ang matataba niyang pisngi.

"Aww, it hurts," reklamo pa ng batang ito.

"Sige na. Labas ka na muna."

"Okay," nakasimangot na tugon nito habang hawak pa rin ang mga pisngi niya. Natawa na lang ako sa sobrang cute ni Klaud.

At tulad nga ng promise ko sa pamangkin ko, dinala ko siya sa pinakamalaking bookstore dito sa siyudad. Sigurado akong magniningning na naman ang mga mata niya kapag nakita na niya ang mga naghilerang mga aklat sa bookstore. At dahil naka 70% off ang mga libro, siguradong mamumulubi na naman ako. Kahit walong taong gulang pa lang kasi si Klaud ay mahilig na siyang magbasa.

Madalas ngang sabihin sa'kin ni Ate Cheska na baka daw ako ang ina ni Klaud dahil sa pareho kaming mahilig sa libro. Lagi ko na lang tinatawanan ang biro niya kasi wala talagang hilig si ate sa ganitong hobby. At dahil nga sa hilig kong ito at kay Klaud, nagdesisyon akong tahakin ang journey ng pagiging isang children's book author.

Nakapag-publish na ako ng ilang libro at plano kong dagdagan pa ang mga ito. Kahit wala akong talento sa arts and illustrations, naging successful naman ang mga nauna kong libro. Mabuti na lang at matyaga ang nakuha kong illustrator.

"I really love the smell of books," bulong ko sa sarili ko.

"Let's go there first, Tita," turo ni Klaud sa Children's Book section. Dali-dali kaming pumunta doon at namangha nang makitang may mga bagong released na aklat.

Kanya-kanya kaming basa ni Klaud sa mga pamagat. Hindi ko maiwasang mapangiti habang tinitingnan siyang masayang nag-iisa-isa ng mga libro.

Ang gaganda ng mga book cover nila. Foreign or local books man, mahusay ang pagkakagawa ng mga ito. Bigla tuloy akong na-excite na tapusin 'yong isinusulat kong libro. Tiyak na matutuwa na naman si Klaud at madadagdagan ang koleksyon niya ng mga sinulat ko.

Kumuha ako ng basket at ipinakita ko iyon sa pamangkin ko. "Shall we?" nakangising tanong ko habang tumataas ang parehong mga kilay.

Tumugon siya sa pamamagitan ng isang malapad na ngiti dahilan para lumabas ang kanyang mga ngipin. Inikot namin ang buong bookstore kahit nakakapagod. Sobrang saya na ang dami naming nabili dahil mura na ang mga ito. Pumapalakpak pa si Klaud habang nakapila kami sa counter. Dahil maaga pa naman, hindi masyadong mahaba ang pila.

"Total of 4,788.80 po Ma'am," nakangiting sabi ng kahera.

"You lost, Tita. I guess I'd have some ice cream later," nakangising sambit ni Klaud.

Natalo ako kasi nagpustahan kami kung magkano ang aabutin ng mga binili naming libro. I bet it'd be around 6,000 to 7,000 pesos. Klaud said it'd be around 4,500 to 5,000 pesos. Pero deep inside, nagdidiwang pa din ako dahil mas mura pa ang nabili namin.

"Ah, Miss, pwede ba kaming humingi ng assistance para madala sa parking lot itong mga libro?" tanong ko sa kahera dahil namomroblema ako sa dami ng pinamili namin. Nakapuno kasi kami ng ilang basket. Masyado nang mabigat ang mga ito.

Are We on the Same Page?Where stories live. Discover now