9: No To Commitment

3 0 0
                                    


Maraming gumugulo sa isip ko. Akala ko ngayong binigyan ako ni Val ng vacation leave ay makakapag-relax na 'ko. Hindi ko akalain na ganito na lang ang stress na aabutin ko. Nai-submit ko na naman ang book ko sa Nile Publishing House. Naghihintay na lang ako ng release date mula sa kanila. Within a week lang naman ang aaabutin ng printing dahil priority daw nila ang book ko. Pero sobrang kinakabahan pa rin ako. Paano na lang kung di mabenta ang mga ito? Paano kung magka-problema? Ang dami-daming 'what ifs' sa isip ko ngayon.

Dahil natapos ko na ang libro, hindi na rin pumupunta si Rue sa bahay. May communication pa rin naman kami pero madalang na rin kaming magkausap kasi busy din siya sa school. Gayunpaman, nabanggit niya sa'kin na may bago daw siyang part time job at masaya ako para sa kanya. Kahit papano ay makakatulong pa rin iyon sa gastusin niya sa school. Balak ko namang bigyan siya ng bonus this month kasi maganda talaga ang kinalabasan ng libro ko.

These past weeks naman ay madalas din kaming magkausap ni Theo. Although hindi namin napapag-usapan ang nangyari noong araw na bumisita siya sa'min ay ayokong ipakita na naiilang ako sa kanya. He's a nice person pero di ko alam kung bakit sobra ang pag-aalala ko na baka nga may feelings siya sa'kin. Ayokong mag-assume pero hindi rin naman ako manhid. He's been acting like he truly cares for me though wala naman siyang sinasabi sa'kin. Aaminin ko, masarap sa pakiramdam na may taong nagpapahalaga sa'yo. Pero pilit kong itinatanim sa isip ko na magkaibigan kami kaya siya ganoon.

I won't confront him naman. Baka mapahiya pa 'ko kung mali pala ang iniisip ko.

"Neng, grocery ka muna. Tinatamad ako, please..." sabay abot sa'kin ng wallet niyang asul. Iyon 'yong regalo ko sa kanya last Christmas at talagang nagustuhan ng loka kasi limited edition 'yon na binili ko pa online.

I rolled my eyes pero inabot ko rin naman ang wallet niya. "Yay! Thanks. Basta 'wag mong kalimutan ang ice cream ha? Alam mo naman si little Thompson. Hindi ko lang nalista dyan sa grocery list."

"K dot," I answered.

Nag-shower lang ako nang mabilis saka sinout ang white tank top at navy blue jogger pants na nabili ko last week sa Tiangge Town. Hindi naman ako maarte sa damit. Basta comfy isuot, okay na sa'kin.

After a few sprays of perfume ay lumabas na 'ko ng bahay at diretso nang nagmaneho papunta sa pinakamalapit na supermarket sa bahay namin. Alas tres bente na pala.

I switched on the radio at namili ng magandang station. Masarap sanang matulog ng ganitong oras kaso di ko mahindian si ate. Baka kasi di ako maka-request sa kanya sa sunod.

"There," nasabi ko sarili nang marinig sa radio ang kanta ng Maroon 5 na Memories.

"Everybody hurts sometimes. Everybody hurts someday, ay ay. But everything gon' be alright. Go on and raise a glass and say, ay, ay..." I sing my heart out as the song finishes. Memories. Yes, and it's all coming back to me.

I smiled bitterly. I remember how we used to sing in my car. Kahit wala ako sa tono ay tuwang-tuwa sa'kin si Arthur. Hindi man nabiyayaan ng magandang boses ay naging memorable lahat ng singing moments namin noon ni Arthur. He was my greatest fan. He adored me. He loved me.

Bago pa man ako maiyak muli ay dali-dali na 'kong naghanap ng parking space sa labas ng Shonie Mart. I grabbed my backpack kung saan nandoon lahat ng shopping bags na kakailanganin ko.

Pagkapasok ko pa lang sa glass door ay nakangiting bumati sa'kin si manong guard. I smiled back at saka direstong kumuha ng big cart. "Okay, it's time for my grocery list," sabi ko sa sarili. It's a habbit of mine. I talk to myself every time I go grocery shopping. I don't look like a crazy woman naman kasi I make sure na di mawawala ang poise ko. Lagi nga akong tinatawanan ni ate sa tuwing maarte kong inaabot ang mga items na nasa taas ng rack. Ayaw ko kasing humingi ng tulong sa mga staff nila. They always seem busy kaya ayokong abalahin pa sila.

Are We on the Same Page?Where stories live. Discover now