15: Vacation Day 1

6 0 0
                                    

Four in the morning. Antok na antok pa 'ko pero dumiretso na 'ko sa kusina. Kagulo sila doon. Nandoon na si kuya Davis at nagbabangayan na agad sila ni ate Cheska.

"I know what I'm doing, okay? Just sit there and don't reklamo," pagtataray ni ate.

"I'm not nagrereklamo, Ches. Baka lang mapaso ka," kuya Davis spoke in Tagalog which made me smile. Sigurado naman akong mahal pa rin nila ang isa't isa. Ayaw lang nilang ipahalata. I remember how motivated kuya Davis was to learn our language para mas magkaintindihan sila ni ate. Kahit naman fluent sa English language ang ate ko, mas pinili pa rin ng amerikano na aralin ang mother tongue ni ate. May mas sweet pa ba doon? Pero ang laging katwiran ni ate, "Napilitan lang naman 'yon dahil takot na murahin ko sa Tagalog!"

"Ang bango ng niluluto mo, ate! Ano 'yan?" I butted in.

Tumingin lang sa'kin si ate. Si kuya Davis naman ay lumapit sa'kin na tila humihingi ng saklolo, "Hey, Alexa! Kamusta?"

"It's kumusta not kamusta," singit ni ate.

"Noted, Ches!" Kuya Davis giggled.

Nang matapos si ateng magluto ay tinulungan ko si Kuya Davis mag-set ng table. Ang usapan kasi namin ay dito na lang kami mag-breakfast sa bahay. Maya-maya pa'y may nag-doorbell na. It was my friends—Khalee and Dania.

I don't expect Rue to come. Kaya naupo na kaming lahat para mag-umpisa nang kumain. Kuya Davis lead the prayer. Pagkatapos ay konting kumustahan dahil parang dekada na ang dumaan mula nang huli kaming magkasama-sama ulit.

Si Klaud ang pinakamadaldal sa'ming lahat. Nagkukuwento siya ng mga bagay na gagawin niya raw sa pupuntahan namin dahil marami siyang na-search sa internet na exciting activities sa Batangas.

"I'd love to try scuba diving, Mommy, Daddy!" Tuwang-tuwa ang pamangkin ko habang nagde-demonstrate ng mga tips and tricks para sa scuba diving na gusto niyang gawin. Nang biglang tumunog ang doorbell ay siya namang pagtalon ng puso ko. I was losing hope.

"I volunteer!" taas-kamay na tumayo si Dania. He giggled while looking at me. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain dahil siguradong namumula na 'ko sa kaba.

"Hey, Mr. Everette. Akala namin di ka na makakasama. Pasok ka," rinig kong sabi ni Dania in her playful and funny voice.

"Good morning po. Sorry, na-late ako ng gising, eh," he explained.

"Okay lang 'yan. Upo ka na muna at kumain. Kakasimula lang din naman namin, eh," sabi ni ate.

"Thank you."

"Oh, eto rice. Help yourself," Kuya Davis immediately offered.

Ni hindi man lang ako tumingin kay Rue. Hindi niya rin ako kinakausap. Tanging sina Khalee at Dania lang ang madaldal—idagdag pa si Klaud. Nang matapos kaming kumain ay nagpahinga lang kami saglit saka muling kumilos upang mag-ayos ng mga gamit sa sasakyan at magligpit ng pinagkainan.

Pumasok akong muli sa kwarto at inayos na ang gamit ko. Paglabas ko ng kwarto, anndoon si Rue. Nakatayo lang siya habang nakatingin sa'kin.

"B-bakit?" I asked.

"Let me carry these," he grabbed my duffel bag pero pinigilan ko siya. "Huwag nang makulit. Ako na ang magdadala sa sasakyan."

"Teka lang..." I said.

Binitawan niya naman ang bag ko. "I'd like to say sorry. I was a bit childish. Sorry kung nonsense ang mga pinagsasabi ko."

"Okay na. Don't be sorry. Basta magkatabi tayo sa sasakyan."

What he said makes my heart pounds. Kakaibang kaba ang dulot nito sa'kin. Nang makabawi ay tinaasan ko siya ng kilay at hindi ipinahalata ang kaba ko. "Clingy ka pala. Baka pagsisihan mo 'to," banta ko sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Are We on the Same Page?Where stories live. Discover now