2: Book Illustrator

7 1 0
                                    


Nagising ako kinabukasan na ramdam na ramdam pa rin ang pagod. Napakadami naming nabili ni Klaud kaya siguradong mas pagod siya.

Tiningnan ko kaagad ang oras. Alas otso na pala. Siguro naman ay nakaluto na si ate. Matapos gawin ang aking morning ritual, dali-dali na akong lumabas dahil nagugutom na talaga ako.

"Good morning 'neng," bati sa'kin ni ate Cheska habang nag-aayos siya ng lamesa.

"Morning. What's for breakfast, yaya?" pang-aasar ko sa kanya.

Sumama naman ang tingin sa'kin ni ate. "Yaya mong mukha mo!" simangot na tugon sa'kin ni ate.

"Joke lang naman ate. Ito naman, high blood agad" sabay bawi ko dahil naalala kong nagugutom nga pala 'ko.

"Che! Maupo ka na diyan at kumain."

Natatawa naman akong naupo. "Nasa'n pala ang anak mo? Tulog pa ba?" pag-uusisa ko. Madalas kasi ay maaga namang nagigising si Klaud.

"Sinundo ng impaktong ama niya. Sunday ngayon, remember?"

Napatango na lang ako. Kay kuya Davis nga pala si Klaud every Sunday. Hindi ko alam kung bitter pa rin ba si ate sa failed marriage nila ng ex-husband niya o talagang wala na siyang amor sa amerikanong 'yon.

"Do you think may pag-asa pa kayong maging okay ni Davis, ate?"

"Never! Never! Kumain ka na nga riyan."

Di ko na lang tinuloy ang madami ko pang tanong kasi baka mabadtrip pa lalo si ate Cheska. Kumain na lang kami nang mapayapa bago pa magkagiyera.

"Massage this afternoon?" nakangising tanong ni ate.

"Libre mo?"

"Bwiset. Ikaw dapat manlibre ngayon. Ako na kaya last month."

"Baka lang naman makakalusot," sabay tawa ko nang mahina. Mas nairita naman si ate sa imitation ko ng dalagang Pilipina na pagtawa.

And as we planned, pumunta kami sa favorite massage center namin. At dahil suki na kami roon, agad-agad kaming inasikaso ng staff nila. A good body massage would do no harm lalo pa't 'yong paborito naming masahista ang nandoon.

"Pero ate... Super thankful ako kay kuya Davis kaya 'wag kang masyadong harsh sa kanya. Nakakahiya," sambit ko habang nakapikit.

"Por que, nirekomenda ka sa friend niya as her remote assistant, bias ka na? 'Wag gano'n, 'neng."

Napangiti ako sa sagot niya. Mabait naman kasi si kuya Davis. Ewan ko ba kung bakit lagi silang nag-aaway ni ate Cheska noon. Pero salamat sa kanya kasi nakilala ko si Valerie, ang Canadian client ko. I only call her Valerie dahil na rin sa gusto niya. Ayaw niya ng Ma'am or Miss. Iba kasi talaga ang western culture.

Coaching services ang business niya at ako ang tumulong sa kanya para mapalago pa ang business niya. Kahit na online lang kami nag-uusap, maayos pa rin naman naming nagagawa ang duties namin.

Ang maganda pa kasi, flexible ang schedule ko sa kanya. Basta magawa ko lahat ng tasks ko as her assistant, walang problema sa kanya. Napakabait niyang boss, sa totoo lang. Bukod sa bahay lang ako nagtatrabaho, malaki pa ang kinikita ko.

After massage, kumain naman kami ni ate. Panay picture naman siya sa mga nakikita niya. Kahit nga pagkain, di niya pinalampas. Photographer kasi si ate. At kagaya ko, work-at-home din siya. May business partners din siya na bumibili ng photos niya. Iyon 'yong kadalasang binebenta online or free to use.

Maya-maya'y nakatanggap ako ng e-mail mula kay Valerie. Agad ko iyong binuksan dahil baka may emergency tasks siyang ipapagawa. Minsan kasi kahit off ko ay nagsesend talaga siya ng rush projects kapag super needed talaga.

Are We on the Same Page?Où les histoires vivent. Découvrez maintenant