7: Long Night

9 0 0
                                    

After dinner, diresto ako sa office ko. Kailangan ko pa kasing i-check ang e-mail ko. Baka mamaya, may urgent task sa'kin si Val. Pero wala namang new messages kaya ni-review ko na lang ang progress ng book ko.

Napapangiti ako habang chine-check isa-isa ang pages nito. Ang cute kasi. Bagay na bagay ang style ng art ni Rue sa gusto kong kalabasan nito. Sa totoo lang, pwede ko na 'tong i-submit sa publisher kaso lang kailangan ko pa 'tong i-review nang todo. Kaya naman I decided na next week ko na talaga ipapasa. Book cover na lang naman ang tinatapos namin ni Rue kaya alam kong matatapos kami on time.

Sobrang excitement talaga ang nararamdaman ko. Dati na naman akong nkapag-publish ng mga libro kaso lang, maximum 500 copies lang 'yon. Right now, my goal is to sell at least 10, 000 copies. Hindi naman siguro masamang mangarap. With proper planning and strategy, alam kong maaabot ko ang goal kong 'yon. Mahalaga sa'kin 'to. Pangarap ko 'to at ng mga magulang namin.

Nakatitig lang ako sa kawalan. Iniisip ko ang buhay namin noon. We were happy as a family. But when I was 15, our parents passed away—a contagious disease took their lives. It was when they volunteered in a remote barrio. Ang sabi sa balita, lahat ng residente doon ay binawian ng buhay. It was the most devastating time of my life.

Tanggap ko na naman. Kaya lang, I still miss them. I miss you, Mama and Papa.

Huminga ako nang malalim at nagawi ang atensyon ko sa pagtunog ng phone ko.

Rue Everette likes your photo.

My heart jumps in excitement. Bigla akong kinabahan talaga. Binuksan ko ang notification. Rue liked my profile photo. Napangiti ako. Para akong sira na ngumingiti mag-isa. Dahil doon, nag-send ako ng message sa kanya.

Can't sleep? I typed.

Yeah, how about you? he replied immediately.

Lalong lumawak ang ngiti ko. Nakakainis, bakit ako natutuwa? We're friends lang di ba? Hindi ko alam ang sunod kong isasagot. Inabot yata ako ng 10 minutes bago makapag-type. Pero di ko pa man nasesend 'yon ay nag-ring na ang phone ko.

He's calling! He's calling! He's calling!

Nag-panic ako. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. Nanginginig kong pinindot ang answer button.

"Hello," mahinang bungad niya.

"Hi, Rue. Napatawag ka," enthusiastic kong sagot para di niya mahalata ang kaba ko.

"Ah, sorry. Naabala ba kita?" Kainis! Bakit ang lambing ng boses niya?

"No, hindi! Ano ka ba? Hindi pa rin naman ako makatulog."

"Ah, buti naman," narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Why does it sound so sexy? Nahihibang na yata ako!

"So, kumusta pala ang schoolworks mo? Natapos mo ba?" pag-iiba ko sa usapan.

"Yes, thankfully. Kaya makakapahinga ako bukas."

"Ay oo! Deserve mo ang pahinga 'no. Alam kong mahirap ang maging architecture student. Tapos may part-time job ka pa. Isa kang huwarang estudyante!" masiglang hayag ko. At narinig ko na naman ang pagtawa niya.

"Kailangan kong magsikap para sa pamilya ko," bakas sa tinig niya ang lungkot.

"Panganay ka 'no?" tanong ko.

"Oo. Halata ba?"

"Ang matured mo na mag-isip, eh. Share ka naman."

"Tungkol sa pamilya ko?"

"Oo, kung okay lang," medyo alinlangan kong sabi.

Ilang sandali siyang hindi nagsalita. Baka ayaw niyang pag-usapan. Nakakahiya naman. Napapikit ako sa inis sa sarili ko.

"Never mind na lang kung a—"

"Nasa probinsya ang pamilya ko. Ako ang panganay sa'ming apat na magkakapatid at ako lang ang nandito sa siyudad para mag-aral. Hindi mayaman ang pamilya namin. May maliit lang na business pero sapat naman. Pero dahil ito ang pangarap ko, kailangan kong magsikap. Malaki ang gastusin sa college kaya kailangan ko ng iba't ibang sideline pangtustos sa pag-aaral ko. Ayoko kasing pilitin ang mga magulang ko na magbigay para sa'kin. Gusto ko silang tulungan. Ayokong mamroblema sila sa gastusin."

Pinakinggan ko ang bawat sinasabi niya. Parang kinukurot ang puso ko dahil sa kwento ng buhay niya.

"Nandiyan ka pa ba?" tanong niya.

"Ah, oo. Iniisip ko lang ang mga sinabi mo."

"Huwag kang maawa sa'kin. Hindi kami naghihirap," natatawang sabi niya.

"Hindi sa ganoon. Humahanga lang ako sa'yo. Natitiis mong malayo ka sa family mo para sa pangarap mo sa kanila," malungkot kong tugon.

"Napakaswerte ng pamilya mo sa'yo..." dagdag ko pa.

"Tingin mo?"

"Oo naman. Kaya mag-aral kang mabuti. Huwag ka munang magnonobya!" pangaral ko sa kanya.

Hindi na niya napigilan ang paghalakhak. Kaya naman pati ako ay nadala sa tawa niya.

"Lumalalim na pala ang gabi. Hindi ka pa rin inaantok?" tanong niya.

"Hindi pa naman. Ikaw ba?"

Hinintay ko ang sagot niya habang inaabala ko ang sarili ko sa paglalaro sa ballpen na kanina ko pang hawak.

"Ah, Alex..."

"Yes?" Pinipilit kong itago ang paghikab ko dahil baka marinig niya. Nakakahiya 'yon pag nagkataon.

"Ano ... Gusto ko lang magpasalamat sa'yo... sa lahat-lahat..."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"You're welcome. Pero di ba dapat ako ang magpasalamat sa'yo? Napakahusay mong artist!"

"Kaya Salamat. Salamat sa tiwala mo sa'kin."

"You deserve every trust that you receive. Sigurado akong kahit sinong maging client mo ay matutuwa sa'yo."

Narinig ko lang ang pagtawa niya sa kabilang linya.

"Oh, siya sige na. Kailangan mo nang magpahinga, Ruru."

"Ruru?" nagtatakang tanong niya.

"Oo, Ruru. Ang cute lang," natatawa kong sabi. "Siya, good night na ha? Magpahinga ka na."

"Sige. Good night, Alex. Salamat."

Ako na ang naunang magbaba dahil sobra-sobra na ang kaba ko. Bwiset ka Rue! Bakit mo ako pinapakaba nang ganito?

Ruru.

Seriously, Alex?

Kung kanina nakapikit na ako, ngayon namang nakahiga na 'ko sa kama hindi na 'ko dalawin ng antok.

Nag-browse na lang ako sa FB. Dahil may pagka-stalker ako, I searched for Rue's account.

I found it! Ang cute niya sa profile picture niya. Parang ID lang. Pero joke lang, syempre. Ang seryoso kasi ng mukha niya. Natatawa na 'ko sa sarili ko talaga.

Ingat na ingat ako sa pag-scroll kasi baka mapindot ko ang like. Nakakahiya 'yon lalo na pag sinubukan ko pang i-unlike, di ba?

Wala naman siyang masyadong updates eh. Di siya nagpo-post. Puro tagged photos at posts lang, eh. Inisa-isa ko lahat ng pictures niya. Mga kaklase yata ang kasama niya sa lahat. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize na karamihan ay mga babae ang katabi niya. Iilan ang mga lalaki.

Puro babae pa ang nag-tag sa kanya ng photos.

Suki sa photos iyong Bianca, Margaret at Kira. Magaganda naman sila. Halatang close sila kay Rue.

There's something inside me na gusto rin siyang maging ka-close. Bakit naiinggit ako sa mga kasama niya?

Natulog ako na daig pa ang brokenhearted. Hindi ko na alam kung anong oras 'yon.


Are We on the Same Page?Where stories live. Discover now