8: I Care for You

3 0 0
                                    


Sunday.

Walang maingay sa bahay dahil wala si Klaud. Si ate naman ay busy sa paglilinis ng bahay. Late na akong nagising kaya mataas na ang araw bago ako lumabas sa front porch namin.

I indulge my coffee as I listen to the sound of the vehicles passing by. Medyo masakit ang ulo ko dahil ilang oras lang ang naging tulog ko. Who's to blame? Syempre, sarili ko lang dahil mas pinili kong maging stalker.

Nakatanggap ako ng text message mula kay Theo.

Are you up for lunch? My treat. :)

Kahit nahihiya ay kailangan kong tumanggi dahil di mabuti ang pakiramdam ko. He said okay lang pero alam kong disappointed siya. Bumalik din agad ako sa kwarto ko dahil pakiramdam ko talaga umiikot ang paligid. Pero maya-maya kinatok na 'ko ni ate dahil magtatanghalian na pala.

"Okay ka na?" nag-aalalang tanong ni ate. Tiningnan niya ang kabuuan ko saka hinawakan ang noo ko. "Wala ka namang lagnat."

"Okay na naman ako. Medyo masakit lang talaga ang ulo ko, ate." Hindi rin naman ako pinilit ni ate na uminom ng gamut dahil alam niyang I dislike taking any medications unless needed. At dahil simpleng sakit ng ulo lang 'to, kakayanin ko na naman siguro ang maghapon. Nanghihinayang kasi ako dahil 3 months nga akong may bakasyon tapos di ko naman masulit. Ang dami-dami ko pa namang plano bukod sa pagpu-publish ng libro.

Matapos mananghalian ay babalik na dapat ako sa kwarto kaso biglang tumunog ang doorbell.

"Ate, may delivery ka 'ata," sigaw ko kay ate.

"Gagi, Sunday ngayon," sigaw niya pabalik. Nandoon kasi siya sa office niya. Oo nga pala. May delivery lang ang couriers kapag Sunday if may special sale dahil siguradong matatambakan sila ng parcels galing sa mga online shops.

Kahit tamad na tamad ay nagtungo pa rin ako sa main door para tingnan kung sino 'yon. Laking gulat ko nang makita ang nakangiting mukha ni Theo. "Hi," bati nito. Napakurap pa ako ng ilang ulit saka narealize na I look like a mess right now. Pero huli na ang lahat dahil nakita na niya ang hitsura ko.

"Hello, pasok ka," sagot ko habang medyo nakatungo. Susme! Wrong timing 'tong si Theo.

"Pasensya na kung wala akong pasabi. Nag-alala lang kasi ako sa'yo kaya nagdala ako nito," sabay taas nang bahagya sa bitbit niyang supot. "Smoothie with a bit of herbal tea... Ako mismo ang naghanda nito."

Dalawang bote iyon na may lamang kulay pulang likido. Hindi naman sa nag-iinarte ako pero hindi appetizing ang mga 'yon sa paningin ko. "Salamat," tanging sambit ko na lang saka siya inanyayahang umupo sa sofa.

"Pasensya ka na sa abala. Mukhang hindi talaga maganda ang pakiramdam mo. Di rin naman ako magtatagal, don't worry. Para makapagpahinga ka na," alinlangangang sabi ni Theo.

"No, it's okay. Hindi naman sobrang sama ng pakiramdam ko. Kaya ko pa," medyo guilty kong sabi. Ako na nga ang inalala ng tao, ako pa ang may ganang mag-inarte. "Salamat sa juice. Pwede ko na bang tikman?" Pinilit kong siglahan ng kaunti ang boses ko para di naman siya madismaya sa'kin kahit sa totoo lang ay hindi ako fan ng mga herbal drinks.

"Oo naman. Masarap 'yan at makakatulong pa para maibsan ang sakit ng ulo mo," he assured me. Ginantihan ko siya ng ngiti at saka tumayo upang kumuha ng baso sa kusina. Kahit alanganin ako ay sinalinan ko ang baso ng red colored juice na 'yon. Hindi ako huminga habang nilalagok ang juice. Nang mangalahati na 'yon ay napatingin ako kay Theo na nakangiti sa'kin. Saka ko lang din nalasahan ang juice. Not bad.

"In fairness, it tastes good. Thanks, Theo! Ano'ng ingredients pala nito? Matamis siya ha." Nagbago ang pananaw ko sa herbal drink na 'to. Tama. Napatunayan ko na naman na walang maidudulot na maganda ang pagiging judgemental.

Are We on the Same Page?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon