14: Mini Fight

2 0 0
                                    

The following weeks, I've been busy. I was interviewed by a famous American author in a podcast. Sobrang overwhelming ng pakiramdam. Damang-dama ko ang success ng libro ko dahil sa libu-libong 5-star reviews ng mga online buyers. My target was to sell at least 10, 000 copies, but I managed to sell 80,000 copies globally. Para akong nasa cloud 9 dahil sa sobrang saya.

Nile Publishing has been planning to reprint my book based on demand. I just hope it turns out well. Dahil nga sa success na 'to, gusto kong mag-celebrate. May 10 days pa 'ko bago bumalik sa trabaho kaya susulitin ko na.

Valerie even sent me a package after kong ipadala sa kanya ang hard bound copy ng libro ko. She was so happy for me. In the package, there was a brand new laptop na mas mataas ang specs sa kasalukuyan kong ginagamit. Sobrang tuwa ko dahil sa regalo niya.

We have so much to do when we get back to work. Be ready!

Natawa ako sa note na 'yon kaya agad ko siyang pinadalhan ng email upang magpasalamat.

"Nakapag-book na 'ko ng accommodation. Mamili ka na ng food mamaya," paalala sa'kin ni ate. We decided kasi na pumunta sa isa sa mga sikat na resorts sa Batangas bago man lang ako bumalik sa trabaho. Ito na lang 'yong consolation ko para sa sarili ko. We're planning to stay for three days and two nights there kaya kailangang masulit namin.

I invited Rue kasi alam kong kailangan niya rin naman ng relaxation. For the past weeks, masasabi kong okay na okay kami. Ha has met Khalee and Dania already na madali naman niyang naka-close marahil sanay na sa ugali ko. I'm sure na magiging magulo ang weekend namin dahil sa bestfriends ko.

Si Klaud naman ang pinaka-excited sa'ming lahat dahil makakasama namin ang Daddy niya. Himala nga kasi walang reklamo si ate. Si kuya Davis kasi ang driver namin. Ang sabi lang ni ate, papahirapan niya daw nang bongga ang kawawang Amerikano.

"Rue... Busy ka tonight?" Thursday na kaya alam kong hectic ang schedule ni Rue. Sabi niya naman ay wala siyang pasok ng Friday dahil may Department event sila kaya siguradong makakasama siya sa'min.

"Tapos na ang klase ko ng 7pm. Bakit?" sagot niya sa kabilang linya.

"Grocery tayo mamaya?" sweet kong sabi para pumayag siya. "Sunduin kita sa school mo," pahabol ko pang sabi.

"Sige, text na lang mamaya. Pabalik na 'ko ng classroom, eh."

"Thanks, bye!" paalam ko at pinatay na ang tawag.

Alas singko y media pa lang ay naghanda na 'ko. Maggo-grocery lang naman kami pero todo effort ako sa pag-aayos. I'm planning to treat him with a good meal din.

I grabbed my car key at saka lumabas na. Six-thirty ako umalis ng bahay. Baka kasi abutan ako ng heavy traffic. Nang dumating ako sa parking lot ng school ay saktong nagsisilabasan na ang karamihan sa mga estudyante.

I texted Rue. I'm here na sa parking lot.

Sige, papunta na 'ko. He replied.

I checked my reflection on my pocket mirror. I'm looking great. I'm just so excited to see him. Maya-maya pa'y nasa tapat na siya ng kotse. I smiled and opened the door for him.

"Kanina ka pa?" he asked. Umiling ako at saka tiningnan siyang mabuti. He looks dashing as usual. Pinipigilan ko ang ngumiti pero di ko kaya. Napakunot naman ang noo niya sa nakikita niyang ekspresyon ko.

"Masaya ka 'ata," komento nito saka tuluyang pumasok ng sasakyan.

"Hindi naman masyado. Gusto ko lang talagang mag-relax ng ilang araw at tomorrow is the start of it!" masaya kong sabi.

Are We on the Same Page?Where stories live. Discover now