13: Bestfriends

1 0 0
                                    

Ang balak kong mag-stay ng buong araw sa apartment ni Rue ay hindi natuloy. Bukod sa nawalan na 'ko ng gana dahil na-friend zone yata ako, tumawag sa'kin si ate dahil may emergency daw sa bahay. Inihatid naman ako ni Rue sa amin.

Kahit na masama ang tingin sa'kin ni ate mula sa main door, nagawa ko pa ring ngumiti nang malapad sa kanya. Lalo naman niya akong tinaasan ng kilay.

"Sige na, Ruru. Ingat ka pag-uwi. Salamat sa pagiging hospitable mo. Galit na galit na si ate, eh," bulong ko rito.

He laughs softly. "Lagot ka talaga. Pasaway ka pala, Alex."

"Ate Alex na lang ulit ang itawag mo sa'kin. Tapos na naman ang contract natin, eh," I suggested. Pero syempre, sa isip ko nagbibiro lang ako. I don't want to make it more obvious na sobrang tanda ko na.

"Don't want..." he gave me an evil grin.

"Hoy, gumalang ka sa mas nakakatanda, Ruru!" galit-galitan kong sabi.

"You're not old. Sige na, pumasok ka na." He turned his back and waved his hand without looking back. Napangiti tuloy ako nang wala sa oras. Humakbang na 'ko papasok ng bahay at naabutan si ate na nakapamewang pa.

"Kainitang tapat, humaharot!"

"Che! Inggit ka lang," biro ko naman sa kanya. Napa-aray naman ako dahil kinurot niya 'ko sa tagiliran ko.

"Ano ba 'yang itsura mo? Mukha kang gangster. Naku, Alexa ha... Marami kang ipapaliwanag sa'kin. Detailed. No Exceptions."

Napalunok ako sa mga sinabi niya. Kilalang-kilala ko ang ganitong tono ni ate. Ayaw na ayaw niyang naglilihim ako sa kanya. Ganoon kami kakumportable sa isa't isa na mismong pag-utot niya sa jeep ikinukwento niya sa'kin.

"Fine. So, ano'ng ganap? Bakit pinauwi mo na 'ko?" sabi ko habang inuunat ko ang mga paa ko sa sofa. Grabe, it feels like a long time mula nang huli akong makahiga rito sa sofa.

"In your office. Someone's waiting for you..." seryosong sabi ni ate.

"Sino?" Hindi naman siya sumagot at dumiretso na siya sa kusina.

Kinakabahan ako habang nagmamadaling pumunta sa office ko. Bahagyang nakapinid ang pinto kaya madali akong nakapasok.

"Alex..." sabay na sabi ng dalawang pamilyar na mukha. Agad silang tumayo at akmang lalapit sa'kin. They got teary-eyed as they approach me. Ako naman ay tila naestatwa sa kinatatayuan ko. Matagal ko na silang hindi nakikita. After ng break up namin ni Arthur, siya ring pagkawala ng dalawa kong kaibigan. Arthur is their cousin kaya siguradong mas papanig sila roon, idagdag pa ang fact na ako ang nanakit sa pinsan nila. Elementary pa lang kami ay magkakakilala na kami pero mas naging malapit kami sa isa't isa noong nagkakilala kami ni Arthur.

"Khalee, Dania... It's been a long time. How have you been?" I tried to remain calm kahit na parang bibigay na ang mga tuhod ko. I held back my tears. Dang! I missed these girls.

"Alex... we're sorry..." Khalee said. They started crying. Hinayaan ko na lang din ang mga luha ko habang tinatanggap ang mga yakap nila.

"We missed you so much. Alex. Patawarin mo kami kung hindi namin inintindi ang feelings mo. We were the worst bestfriends. Like ever..." Dania, my precious Dania. She's still the same.

"Gad! I can't believe... you're... here... Sobrang na-miss ko kayo, girls..." todo-todo na ang iyak ko sa reunion na 'to. Sa nakalipas na taon kasi, ako ang lumayo sa kanila. Alam kong nagalit sila sa'kin at hindi na 'ko nakipag-ayos pa sa kanila. I even blocked them in all my SNS. I tried to forget them. I tried to forget everything in the past.

Are We on the Same Page?Où les histoires vivent. Découvrez maintenant