10: The Reason

1 0 0
                                    

Did you get home safely?

Alex...

Are you home yet?

Those three messages make my heart aches. Why does he act like he cares about me? Pagkauwi ko sa bahay saka ko pa lang na-realize na di pala ako nakabili ng ice cream ni Klaud kaya no choice ako kundi pumunta sa convenience store sa kabilang street.

Doon ko na rin naisip na bumili ng ilang cans of beer. I'm not a heavy drinker. I just drink moderately at kung kailangang-kailangan lang talaga. This time, it's an emergency.

"Yay! Thanks, Tita!" Klaud hugged me and showered me with kisses. Napataas naman ang isang kilay ni ate sa laman ng supot na dala ko.

"Ano'ng ganap?" mausisang tanong niya.

"Wala lang. Celebrate lang nang slight. Nafe-feel ko na success story na ang sunod kong ipu-publish," I boasted. Ate Cheska just smirked. Akmang dadamputin niya ang isang lata ng beer pero agad ko siyang sinaway.

"Nah-ah! This one's for me. You don't want your son to see you drinking, do you?" She just shrugged and pat her son's head. Natawa naman ako sa ginawa niya.

"Just don't complain when the morning comes. Hangover sucks!" pananakot niya naman.

I just grinned and brought everything in my room. I decided to drink while watching a comedy film. I just want to laugh. I want to laugh hard. To cover up the pain!

In the middle of the movie, my phone vibrated. I checked it and saw Theo's message.

Are you okay?

Yeah, I'm good. I replied.

Sinasabi ko na nga ba at nagsumbong na naman si ate kay Theo. Last time kasi bigla na namang bumisita sa'min si Theo. 'Yon naman pala ay nabanggit agad kay Theo na stressed ako masyado. Nakakainis din minsan 'tong si ate eh — feeling close masyado kay Theo. Kaya lang naman ako stressed noon dahil kinakabahan nga ako sa pagsu-submit ng output ko. Then noong gabi, dumating si Theo at maraming dalang sweets.

Ibabaling ko na sana ang atensyon muli sa panonood kaso bigla namang tumawag ang loko.

"Hey," bungad ko.

"Hey... You sure you're okay?" nag-aalalang tanong nito.

"Yeah, what makes you think na hindi?" tanong ko na may ngiti sa labi. Kahit di ko na naiintindihan ang usapan sa pinapanood ko ay doon lang ako nakatingin. The alcohol and its effect. Ugh!

"I can feel it?" patanong na sagot niya. Natawa naman kami pareho sa isinagot niya.

"Theo... Would you like to drink with me? I mean... If you're not busy..." saad ko habang nakapikit. Pakiramdam ko kasi umiikot na ang paningin ko.

"Gabi na, Alex... Magpahinga ka na lang," he seriously said.

"It's okay... I can go alone," I laughed softly— enough for him to hear.

"No, Alex. Just stay at home..."

"But... I want to drink... I want to dance... I want to sing. Dang! I think I could do anything..." Lumakas ang tawa ko. Aware ako sa mga pinagsasasabi ko pero wala akong alinlangan sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko. So, this is why people drink 'til dawn!

Narinig ko ang pabuntong-hininga ni Theo— tila nag-iisip. "Fine, but we'll let your sister know. I'll be there in 30 minutes."

I took a quick shower para lang mawala nang kaunti ang hilo. Three cans of beer? Seriously, Alex?

Are We on the Same Page?Where stories live. Discover now