6: Getting Closer

6 0 0
                                    

Saturday.

Naging abala ko nang mga sumunod na araw. Inasikaso namin ni Rue ang lahat ng illustrations na kailangan. Habang busy siya sa pagdo-drawing ay inaayos ko naman lahat ng kailangan para sa pagpupublish ko sa Nile Corp. Iyon ang publisher na kumontak sa'kin dahil nagustuhan nila ang mga nauna kong libro. Sa totoo lang ay maganda ang offer nila lalo't mabebenta ang mga libro internationally. Hindi na tuloy ako nag-atubiling pirmahan ang kontrata.

Napatingin ako sa gawi ni Rue. He looks really tired. Naawa naman ako sa kanya. Nabanggit niya kasi noong nakaraan na marami silang requirements na kailangang matapos ngayong sem. And yes, may improvement na kaming dalawa dahil nakakapag-usap na kami casually. Hindi tulad dati na kailangang ako pa 'yong magtanong nang magtanong sa kanya at taga-sagot lang siya.

Pasimple akong lumabas ng office at nagpunta sa kusina upang magtimpla ng kape. Mahilig din kasi sa kape ang isang 'yon.

"Rue, coffee."

"Thanks." He smiled.

"Magpahinga ka muna. Haggard ka na," pagbibiro ko. Napasimangot naman siya sa sinabi ko. Tumayo siya at pumunta sa mini table na katapat ng working table niya.

Ako naman ang lumipat sa pwesto niya kanina. Nag-browse ako sa ilang mga natapos na niya. Nakakatuwa kasi ang gaganda talaga ng drawings niya. Para akong kinikilig sa tuwa dahil ang galing ng style niya. Siguradong magugustuhan ng mga bata at parents. Hindi kasi masakit sa mata ang kulay.

"Ano palang inspiration mo sa story na 'yan?" Aba, himala at nagtatanong siya ng personal na bagay sa'kin.

I smiled. "Noong mga bata pa kami ni ate Cheska, lagi kaming nagpapakwento kina Mama at Papa before going to bed. Pero hindi sila gumagamit ng mga libro. Nag-iimbento lang sila," natatawa kong sabi.

"Naalala ko pa lahat noon. Naaalala ko pa halos lahat ng mga kwento nila. At ang pinakapaborito ko ay iyong tungkol sa isang mangkukulam." Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Rue.

"Huy, 'wag mo kong tinatawanan. Pero ano'ng masasabi mo?" mausisa kong tanong. Sa totoo lang di ko pa nalalaman ang buong feedback niya talaga sa story ko.

"Hmm... Which Witch. Actually, catchy ang title. Kahit ako nang Mabasa ko ang pamagat nito, gusto kong basahin nang buo. At the end, natutunan ko na hindi lahat ng inaakala nating masama ay masama talaga. At sang-ayon din ako na hindi lahat ng magandang pakikitungo sa'yo ay totoo— na makikilala mo ang totoong nature ng isang tao sa oras ng pagsubok.Kaya, good job sa lesson."

"Wow, thanks! That means a lot! At mas gaganda ang libro ko kasi ang gaganda ng drawings mo. Kinikilig ako, sobra!" Tuwang-tuwa akong bumalik sa table ko habang si Rue ay napapailing na lang sa pagiging hyper ko.

After an hour ay nag-wrap up na kami. Masakit na rin kasi ang batok ko. Napagkasunduan namin na sabay na kaming mag-lunch kahit medyo late na. Pumayag naman siya.

"Sa labas na lang tayo kumain, ah? Disaster kasi kapag ako ang nagluto. Wala 'yong mag-ina kaya wala akong aasahan," medyo nahihiya pa kong magsabi sa kanya.

"Sige, no problem," tipid na sagot niya.

May malapit naman na restaurant dito sa'min kaya naglakad na lang kami. Mga 5-minute walk lang kaya naghanda lang ako ng payong.

"Oh, ikaw ang maghawak. Matangkad ka, eh." Inabot ko sa kanya ang pink at bulaklakin kong payong. Kita ko naman sa mukha niya ang alinlangan. Nahihiya siguro 'to dahil sa design ng payong. Natawa na lang ako sa reaksyon niya. Wala naman siyang nagawa kundi hawakan ang payong.

Napatigil ako sa paglalakad. "Grabe ka naman! Napakalayo mo. Ako lang talaga ang pinapayungan mo? Mangingitim ka niyan," panenermon ko sa kanya. Tumikhim lang siya saka bahagyang lumapit sa'kin.

Are We on the Same Page?Where stories live. Discover now