5: Friends

12 0 0
                                    

"Alex..." I froze after hearing that voice.

Napalingon ako at nakita si Arthur na seryosong nakatingin sa'kin.

"Oh, Arthur. Hi, how have you been?" I said trying to hide that I'm trembling.

"I'm good. Nothing's changed. Ikaw? Mag-isa ka lang ba?"

"No, may kasama ako actually. Oh, there he is! See you."

Dali-dali akong umalis at nilampasan siya. Stupid! What an excuse. Halatang-halata na umiiwas ako. Bigla akong nataranta at damang-dama ko ang panlalamig ng mga kamay ko.

"Wait, Alex..." narinig kong palapit siya sa direksyon ko kaya mas binilisan ko ang paghakbang.

"Rue, kanina pa kitang hinahanap. Saan ka ba nagsusuot? Tara na, male-late na tayo."

Mabuti't natanaw ko sa di kalayuang bench si Rue. Nalimutan kong dito nga pala siya nag-aaral. Halata sa mukha nito ang pagtataka sa mga ikinikilos ko pero di ko naman siya narinig na kumontra.

"Alex, please..." ngayon nasa harapan na namin si Arthur.

"Ano kasi, Arthur... May pupuntahan pa kami," sabi ko na habang kay Rue nakatingin, as if I'm asking to be rescued! Walang kaemo-emosyon 'tong isang 'to! Parang ang sarap kurutin tuloy.

"Huy, Rue. Tara na, di ba?" pasimple kong pinisil ang tagiliran niya para matauhan siya at sumakay na lang siya sa palusot ko.

"Ah, oo. Tara na," Rue said. Halos matumba ako habang naglalakad dahil hinawakan niya ang kamay ko at pasimple akong hinila palayo kay Arthur.

Lumingon ako for the last time and saw Arthur still standing there. He's looking at us with sadness in his eyes. I feel sorry. Naglakad lang ako na parang wala sa sarili. Ni hindi ko na napansin na magkahawak-kamay pa rin kami ni Rue.

"Okay ka lang ba? Nanlalamig ka kasi," he snapped in front of me. Doon pa lang ako natauhan at napagdaop ko ang aking mga kamay dahil sa nangyari.

"Yes, pasensya na sa abala, ah. Wala ka bang klase?" I tried to change the topic.

"Wala kaming prof kaya lumabas muna ako," sagot niya habang nakatitig sa'kin.

"I see." Halata ang panlalambot sa tinig ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaupo ako sa damuhan. Wala akong narinig na kahit ano mula kay Rue pero nagulat ako nang tumabi siya sa'kin.

"Hindi ako sanay na ganyan ka. Alam kong may issue ka sa lalaking 'yon kanina pero hindi ko na tatanungin kung anong dahilan mismo." Narinig ko ang pagbuntung-hininga niya kaya napalingon ako sa kanya.

"For now, take a deep breath and relax. I-enjoy mo lang ang paligid. Maaliwalas dito sa school namin di ba?" nakangiti na niyang sabi habang nakatingin lang sa paligid. Mas bagay sa kanya ang nakangiti sa totoo lang. Ang cute niya.

Pero, tama siya. Malawak at maaliwalas ang school nila. Kahit siyudad ito ay hindi ko man lang maramdaman ang pollution sa hangin dahil sa mga puno.

Pumikit ako at huminga nang malalim. Dinama ko ang hangin na tumatama sa balat ko. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima.

Gumaan ang pakiramdam ko at nakangiti akong nagmulat. Halos tumalon ang puso ko nang makita ang titig na titig na si Rue na nasa harapan ko na ngayon. Bakit ganyan ka tumingin?

Kahit naiilang ay nagawa ko pang ngumiti. "Thanks a lot! Ang cute mo!" sabi ko sabay hawak sa mga pisngi niya na halatang ikinagulat niya dahil namilog ang mga mata niya. Ang kaninang seryosong mukha niya ay napalitan ng pagkalito. Kahit naman ako ay nagulat din sa ginawa ko.

Are We on the Same Page?Where stories live. Discover now