5: Moonlight and Cherries

9.8K 530 212
                                    

IN FAIRNESS, matamis ang cherries ni Duke Grimmwulf.

That sounded like a sexual innuendo but whatever.

Pagod na si Kakie kaya nga heto, nakaupo siya sa edge ng brick fence railing ng rooftop habang kinakain ang "pasalubong" sa kanya ng Duke. Gutom na siya kaya kinain na niya 'yon kahit hindi pa nahuhugasan. Sana lang ay hindi mahina ang sikmura ng original Lady Francesca.

Bukod sa nag-e-enjoy siya sa pagkain, pinaglalaruan din niya ngayon sa bibig niya ang isang mahabang stem. Nakuha niya iyon sa huling cherry na sinubo niya.

"Dinala na ng Knight ko ang Dark Magicians sa mga Royal Guards na pinadala ng emperor dito," pagbabalita sa kanya ni Duke Grimmwulf habang nakatayo ito sa harapan niya. Umalis ito kanina para ipaalam kay Marquess Blessence ang attempted attack sa mga higher nobles. Nagpadala rin ito ng message sa Royal Palace kaya nagpadala naman ang palasyo ng Royal Guards para um-assist sa Duke. Mukhang okay na ang lahat dahil nakabalik na ito sa rooftop. "I'll take you home by the carriage."

Itinaas niya lang ang isa niyang kamay para senyasan ito na hindi siya makakasagot. Nag-concentrate kasi siya sa pagtatali ng cherry knot sa loob ng bibig niya. Nang magtagumpay siya, nilabas niya ang dila niya, saka niya kinuha ang successfully tied cherry knot.

"Tadah," excited na paggawa niya ng sariling sound effects habang ipinapakita sa Duke ang nagawa niya. "Look, I made a cherry knot."

Duke Grimmwulf remained pokerfaced. Then, he took a peek at the cherry knot before he turned to her. He had a blank look on his handsome face but his eyes were filled with judgment. "I'll pretend I didn't see that." Pagkatapos, ngumiti ito ng matamis sa kanya. "And to protect your dignity as a noblewoman, I shall wipe that particular memory off my mind."

"You don't have to go that far for me, Your Grace," sarcastic na sabi niya kahit nag-iinit ang mga pisngi niya sa pagkapahiya. Pagkatapos, tumikhim siya at binago na ang usapan. "What were you saying about the Dark Magicians again?"

"They were brought to the palace for questioning," pag-uulit ng Duke sa mga sinabi nito kanina. "You saw my Knight earlier, didn't you?"

"The redhead?" pagkumpirma niya. Naalala niya na may Knight nga na dumating kanina para kunin ang "cocoon" version ng old Magician. Pero masyado pa kong disoriented no'n kaya hindi ko sure kung tama ang nakita ko.

"Yes," pagkumpirma naman ng Duke. "He's Linden."

Napasinghap siya nang maalala niya kung sino si Linden mula sa original Linden. Sir Linden is the Duke's personal Knight– and one of my most favorite characters in the story!

Well, hindi naman niya masisi ang sarili niya kung hindi niya agad nakilala si Sir Linden. Wala siyang time mag-fangirl habang nililigtas niya ang sarili kanina. At mahirap mag-focus sa ibang tao kapag kasama niya si Duke Grimmwulf.

There was something about the Duke that drawn in people to him effortlessly.

"Oh, I remember," sabi niya mayamaya. Ngayong kalmado na siya, saka niya lang na-organize ng maayos ang thoughts niya. Kaya ngayon lang din niya naalala na may nakita siyang kung sinong may pulang buhok na "umasikaso" sa male at female Magician kaya siya nakaakyat sa rooftop. "Si Sir Linden ba ang nagligtas sa'kin no'ng hinahabol ako ng mga Dark Magicians kanina?"

"Yes," sagot ng Duke. "Linden had been tailing you in the dark from the moment you stepped foot in the Marquess' estate."

"What?" reklamo niya. "Then why didn't he save me right away?"

Tumaas ang kilay nito kaya akala niya ay sesermunan na naman siya nito tungkol sa "manners." Pero himbis na pagalitan siya, nagpaliwanag lang ito. "I had to make sure first that you weren't deceiving me. The moment I got a hold of the child, I sent him an order to protect and save you."

The Duke's Sassy LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon