17: Drunk Sassy Lady

8.8K 469 50
                                    

"ELI?" pagtawag dito ni Kakie habang nasa balcony sila at parehong may hawak na baso ng champagne. Nang lingunin niya ang Duke na nakatayo sa tabi niya, nagulat pa siya nang makitang nakatingin na ito sa kanya. Bakit ang guwapo ni kyaaah?

"Hmm?"

"Be honest with me," seryosong sabi ni Kakie habang nakatingala sa harapan ni Eli. Sa totoo lang, hinihingal pa siya dahil katatapos lang nilang magsayaw. Nagsimula sila sa waltz pero mayamaya lang, naging polka dance na 'yon. Mabuti na lang pala at mahigpit ang teacher niyang si Madam Magnolia dahil kung hinayaan siya nitong mag-slack off, siguradong hindi siya makakasabay sa Duke. "You're a professional dancer, aren't you?"

Eli just gave her a blank look, tilted his head, then changed the topic. "Are you tired? Puwede na tayong umuwi kung gusto mo."

"Is my question that stupid for you to dismiss it easily?"

"Yes," sagot nito nang hindi man lang kumukurap. "For every higher noble here, dancing is as easy as breathing. Like I said before, we've been trained how to act properly as members of the high society as early as three."

Right.

Pasimple siyang tumingin sa loob ng hall. Gaya ng inaasahan niya, may mga mata nga na nakatingin sa kanila ni Eli. Inaya niya ang Duke sa balcony para mawala sa kanila ang atensiyon ng mga noble. Pero mukhang bale-wala ang plano niya.

"Maybe I shouldn't have talked back," medyo nagsisising sabi niya, saka siya tumingin sa starry night sky sa harapan nila. "I should have just sat there and ate my food quietly."

"Why the sudden regret?"

"Bigla lang akong nahiya sa'yo," pag-amin niya. "I mean, you've worked hard to be a proper higher noble since you were a toddler. I'm sure you've worked twice as hard as the others because of the Kredes blood in you. Pagkatapos, heto ako. Hindi man lang ako nag-effort na magpanggap na "proper" future duchess. Maybe they were right. Baka nga hindi bagay sa isang lower noble na gaya ko ang maging Duchess Eli Grimmwulf." Bumuga siya ng hangin para ilabas ang frustration niya. "Sorry, Eli. I'll try harder next time."

"They will never like you whatever you do."

Kunot-noong nilingon niya ang lalaki. "Wow, thanks."

"I'm just stating a fact," sabi nito sa usual nitong walang interes na boses. "You're a lower noble and that won't change even if we get married. Kung ipapakita mo sa kanila ngayon na kaya ka nilang apakan, hindi ka na nila gagalangin kahit maging official duchess ka na. Kaya kung ako ang tatanungin, walang masama sa ginawa mo kanina. Saka kung ikaw ang mali sa sitwasyon na 'yon, pipigilan ka ni Linden. He may look like a rock but he knows how to use his brain, especially when it comes to dealing with annoying higher nobles."

Tumikhim ng malakas si Linden. Nakatayo ito sa tabi ng door frame ng balcony habang nagbabantay sa kanila. "Was that a backhanded compliment, Your Grace?"

"Shut up, Linden."

"Yes, Your Grace."

Napangiti siya sa exchange ng dalawa. Nang tumaas ang kilay ni Eli sa kanya, nagpaliwanag agad siya. "You're right, Eli. Hindi nila ko gusto kaya kahit anong gawin ko, hindi pa rin nila ko magugustuhan."

Tumango ito bilang pagsang-ayon. "Being yourself might turn some people your enemy. But you also gained friends, didn't you?"

Mas lalo siyang napangiti nang maalala niya ang McBride sisters. Gaya niya ay interesado rin sa pagkain ang magkakapatid. Saka nakakatuwa na kahit mas bata ang mga ito sa kanya, nararamdaman niya ang intelligence at grace sa mga ito na wala sa kanya. "That's true."

The Duke's Sassy LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon