77: "Babysitter"

4.7K 348 90
                                    

"WELCOME back, Your Majesty," pormal na bati ni Eli kay Emperor Arko nang salubungin niya ito sa main entrance ng Ardi Mansion.

Nakatayo at nakahilera sa likuran niya ang lahat ng servants ng mansiyon niya.

Habang ang emperor naman, tanging si Levi lang ang kasama.

Kanina, nagpunta sina Emperor Arko at Levi sa palasyo para bumati sa hari ng Oberong Kingdom. The emperor was escorted by Prince Russell and the Lancaster Siblings.

Sasama rin sana siya dahil bilang duke ng empire, tungkulin niya ang tumayo sa tabi ng emperor. Pero ito mismo ang nag-utos sa kanya na manatili sa Ardi Mansion. Iyong pag-apaw daw kasi ng Mana niya, siguradong makakasama sa mga ordinaryong royal servants. Baka raw mapagkamalan pa siyang aatake sa hari ng Oberon Kingdom.

Dahil utos iyon ng emperor, wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lang.

Habang wala pa si Emperor Arko kanina, naging abala naman ang mga servants niya sa paghahanda ng lahat ng kakailanganin ng emperor at knight nito. Mula sa pagkain hanggang sa tutuluyan ng mga ito. Sigurado kasi siyang dito magpapalipas ng gabi ang dalawa.

"We need to talk, Eli," sabi ni Emperor Arko habang naglalakad na sila sa hallway. Pagkatapos, huminto ito sa paglalakad at tumingin kay Levi na nakatayo sa likuran niya. "Iwan mo muna kami ng duke, Levi." Bago pa makasagot ang knight, naunahan na ito ng emperor. "Eli and I are the strongest men in the empire. Hindi mo kami kailangang bantayan."

"Ah, that's right," nakangiti at masiglang sabi ni Levi. Halata na malapit na talaga ito sa emperor para maging gano'n ito kakaswal. "Duke Grimmwulf is dubbed as your strongest sword and shield." Tumingin ito sa kanya at nag-bow. "I'll leave His Majesty in your capable hands, Duke Grimmwulf."

"Sure," sabi na lang niya. "Ah, right. Lady Sunny is here. Nagpapagaling siya ngayon sa isa sa mga guest room. I believe my daughter is tending to her. Kung bibisita ka kay Lady Sunny, ipapaubaya ko na rin sa'yo ang dagdag na proteksyon ng anak ko."

Mas lalong lumalim ang pagyukod ni Levi sa harapan niya. "I will protect the young lady with my life, Your Grace."

"Thank you, Levi."

Pagkatapos magpaalam sa kanila ni Emperor Arko, umalis na si Levi.

Dinala naman niya ang emperor sa parlor room. Himbis na tea, Nanna ang ipinahanda niya dahil alam niyang mas gusto nito ng alak. Nagpahanda rin siya ng bleu cheese.

"Ah," sabi ni Emperor Arko matapos nitong matikman ang bleu cheese. "The sweetness of Nanna went well with the pungent and crumbly bleu cheese, huh? I'm impressed."

"Hindi ko rin alam na merong klase ng keso na babagay sa Nanna," nakangiting sabi niya sa emperor habang magkaharap. Isang mesa lang ang nakapagitan sa kanila. "Si Kakie ang nagturo sa'kin kung ano-anong klase ng keso ang babagay sa iba't ibang alak sa koleksyon ko."

"Quit it," saway nito sa kanya. "You look you're about to cry."

"Of course not," tanggi naman niya. "Anyway, what did you talk about with King Romanov?"

Tumaas ang kilay nito sa kanya. "You must be agitated. It's rare for you to talk to me this informally. Aspen would get a heart attack if he heard the tone you used just now."

"I forget my manners when I'm seriously pissed."

Tinawanan lang nito ang sinabi niya. "Mas gusto ko na ganyan ka makipag-usap sa'kin. I want to vomit everytime you speak so formally to me. Hindi ka naman gano'n kapormal noong prinsipe pa lang ako."

"Well, I happen to be fond of my neck."

"Alam mong hindi kita paparusahan kahit ano pang tono ang gamitin mo sa'kin."

The Duke's Sassy LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon