71: Marriage Certificate

5.5K 393 90
                                    

NAPASINGHAP si Kakie nang bigla siyang may maalala no'ng nakaupo at magkatapat na sila ni Eli sa loob ng carriage. "Nasa Kasteelo Church nga pala ang Marriage Registrar Office na magbibigay sa'tin ng marriage license, 'di ba?"

Tumango si Eli. "Nag-aalala ka ba na baka makita mo ro'n ang crown prince o ang High Priest na kapatid niya?" Nang tumango lang siya, nagpatuloy ito. "Hindi mga pari ang nagpapatakbo sa Marriage Registrar Office kaya hindi mo makakasalubong do'n ang High Priest. Hindi rin naman siguro pupunta do'n si Prince Russell."

Nakahinga siya ng maluwag sa assurance na 'yon. "That's a relief. Ayoko munang makaharap sila pagkatapos bumalik ng mga alaala ko. I don't want to make them feel awkward."

"Puwede rin namang hindi tayo magpakasal sa Kasteelo Church."

"I like the church," naka-pout na giit niya. "I want to be married in the most beautiful church in the whole empire."

"If that's what you want, I have no complaints," sabi nito. "Gusto ko lang namang makasigurong magiging komportable ka sa kasal natin. At sa araw na 'yon, gusto kong nasa'kin lang ang buong atensiyon mo. Hindi kay Prince Russell o sa High Priest."

Naisipan niyang i-tease ito dahil ang cute-cute ng pagiging clingy nito ngayon. "Mukhang mahirap 'yang request mo, Eli."

"Bakit naman?"

"Kasi a-attend sa kasal natin si Emperor Arko, 'di ba?" playful na tanong niya rito. "Emperor Arko is the hottest man in the empire. He literally shines like the sun."

Ngumiti ng matamis ang duke– ang "nakakatakot" na ngiti nito na ngayon niya lang uli nakita. "Eh di 'wag nating i-invite ang emperor."

"Can we do that?" nakataas ang kilay na sita niya rito. "Sino kaya ang nagsabi sa'kin noon na hindi puwedeng hindi i-invite ang emperor sa kasal namin kasi technically, parte pa rin siya ng royal family?"

"Puwede tayong magpakasal ora mismo," deklara nito. "I'll deal with His Majesty."

"I don't want to rush our wedding."

Naging seryoso si Eli na napansin yata na naging seryoso na rin siya. "I take it back. Pasensiya na kung nagtunog na wala akong pakialam sa kasal natin."

Ngumiti siya dahil alam agad nito ang ikinatampo niya ng konti. "Eli, can I ask a huge favor from you?"

"Of course."

"Puwede bang ulitin natin mula sa umpisa ang preparation ng kasal natin?" nahihiyang tanong niya rito. "Alam kong matagal nang may umaasikaso ng wedding preparations natin mula sa mga isusuot natin hanggang sa venue ng reception."

Sa pagkakaalam niya, puro mga royal servants ni Emperor Arko ang umaasikaso no'n dahil noong una, pareho silang walang pakialam ni Eli sa kasal nila.

But everything has changed now.

"Pero ngayon, gusto kong tayo ang mag-asikaso ng kasal natin," pagpapatuloy niya. "Alam kong malaki na ang gastos mo kaya magbibigay ako ng compensation."

"You don't have to, Kakie," marahang saway nito sa kanya. "Hindi ako tatanggap ng pera mo. Kung gusto mong gastusin 'yan, gastusin mo 'yan sa pangangailangan niyo ni Calliope. Papayag ako sa lahat ng gusto mo maliban sa usaping pera."

"Pero Eli..."

"Please let me spoil you and Callie," pakiusap nito sa kanya sa malambing na boses. "Hindi ko papakialamanan ang pera at yaman mo pero ang lahat ng meron ako, ibibigay ko sa inyo ng anak natin. Simula pagkabata, nagtatrabaho na ko bilang duke ng empire nang walang ambisyon. Pero nang dumating kayo ni Callie sa buhay ko, mas sinipag akong magtrabaho. Kasi ngayon, meron na kong gustong paggastusan ng yaman ko."

The Duke's Sassy LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon