19: Family Insignia

8.7K 497 78
                                    

"CALLIE, I made homemade crispy seasoned fries for you," excited na sabi ni Kakie dahil ngayon lang uli siya nakapagluto.

Dinala niya si Calliope sa isa sa mga garden na merong fish pond. Medyo malayo iyon mula sa main residence pero wala namang sinabi ang mga maids at knights na bawal sila do'n. Pagdating sa hardin, nag-set up ng table for two ang mga servants.

Garrett almost had a heart attack when I took the potatoes.

Pang-side dish lang kasi ang tingin ng mga kusinero sa patatas. Sa pagkakaalam din niya, sa mundong ito ay pagkain ng mga "commoner" at mga "peasant" ang patatas kaya nagulat si Garrett nang sabihin niyang iyon ang gagawin niyang main ingredient. Ang akala kasi nito ay magluluto lang siya ng steak at gagawa ng mashed potato.

Russet potatoes are good for mashing but they're also good for French fries.

Hiniwa niya ang patatas kagaya ng normal French fries at habang pinapainit ang oil, gumawa siya ng batter. Sa isang bowl, pinagsama-sama niya ang flour, garlic, salt, at paprika. After dipping the fries into the batter, she put the fries into the skillet one at a time. She fried them until they were golden brown and crispy.

"Mommy, ngayon lang ako nakakita ng ganyang snack," amazed na sabi ni Calliope, saka ito tumikim ng isang piraso ng fries. Pagkatapos, nanlaki ang mga mata nito. "Ang sarap!"

Aww... ang cute talaga ni Calliee.

Mas lalo itong naging cute sa suot na yellow dress na maraming ribbon at ruffles. Nakalugay lang ang buhok nito pero meron itong suot na wide-brim hat with big ribbon.

She giggled at the child's cute reaction. "I know, right? Pero unhealthy 'yan kaya bihira ko lang 'yang lulutuin para sa'yo. Kaya i-enjoy mo na 'yan ngayon."

"Okay, Mommy."

Habang kumakain ng fries si Calliope, nagpaalam siya sa bata. Ibinilin niya muna ito kay Tessa. Pagkatapos, lumapit siya sa pond at nag-squat sa harapan niyon.

The water was clean so her reflectaion was clear as well. As usual, maganda pa rin ang mukha ng original Lady Francesca. Pero hindi iyon ang pinunta niya ro'n. Tinitingnan niya lang kasi kung anong klase ng mga isda ang meron do'n.

I'm kinda craving for fish. Oh, there are carps here. Puwede kaya silang lutuin?

"Sigurado ako na iniisip mong hulihin at lutuin ang mga isda d'yan."

Nakasimangot na nilingon niya si Eli na nakatayo na ngayon sa tabi niya. "Talaga bang iniisip mo na parating pagkain na lang ang nasa isip ko?"

Ngumisi si Eli, saka humalukipkip. "Am I wrong though?"

Tsk.

She clicked her tongue in her head because she didn't want his servants to think that she was being rude to the Duke. Saka hindi naman ito mali. At parte rin pala ng pagpalataktak niya ay ang frustration dahil nakakainis man ang pinagsasasabi nitong si Eli, parang ang dali-dali pa rin nitong patawarin kasi ang guwapo-guwapo nito.

Plus points talaga kasi 'yong mga outfit niya, parang lagi siyang may pupuntahang formal event. Iba talaga kapag Duke. Nakaka-in love– ay, joke.

"I'm kind of craving for fish," pag-amin niya bago pa siya dalhin kung saan ng mga iniisip niya. "Puro beef, pork, at venison kasi ang kinakain niyo rito. Not that I'm complaining. Gusto ko lang talaga ng isda ngayon."

"Spare the fishes in the pond. Let's just ask the servants to buy fish in the market," iiling-iling na sabi nito. "Kung may gusto kang kainin, sabihin mo lang. I can give you all the food in the world, my lovely duchess."

The Duke's Sassy LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon