14: Genuine Smile

8.9K 513 178
                                    

"ELI, where are we?" nagtatakang tanong ni Kakie sa Duke habang nakatingin sa paligid. "This place is so pretty."

Nang bumaba sila ng carriage, sumalubong sa kanila ang mga maids nilang sina Tessa, Giselle, at Melissa. Nando'n din ang head butler na si Gideon at ang personal knight ni Eli na si Linden. May iba pang mga lower ranked knights na nasa paligid para magbantay.

At siyempre, nando'n din si Spike. Nakatayo ang Earl sa tapat ng tatlong malalaking kabayo na iba't iba ang kulay. Puti, brown, at itim ang mga iyon. Sa buhok pa lang, halatang alaga ang mga kabayo at sigurado siya na hindi ginagamit ang mga iyon sa paghila lang ng mga carriage.

Anyway, pagdating nila ro'n ay sinabihan ni Eli si Raven na mamili kung anong kabayo ang gusto nitong gamitin. Sinamahan ni Spike ang bata. Pinasunod naman niya ang mga maids kay Raven para hindi mahirapan ang Earl sa pagbabantay.

Habang siya naman, sumunod siya kay Eli na lumapit sa itim na kabayo. Nasa likuran nila si Linden at ang iba pang knights.

"Is this a national park or something?" amazed na tanong pa niya kay Eli na hinahaplos ang pisngi ng itim na kabayo. "Ang perfect nito for horseback riding."

Obviously, they were in the mountainside. Bukod sa magandang mountain view, nakikita niya rin ang colorful meadows, lush forest, at riverside trail na siguradong madadaanan nila mamaya. Noong nasa Pilipinas pa siya, nakakapag-horseback riding siya sa Tagaytay pero hindi ganito kaganda ang scenery na nakikita niya.

"This isn't a national park," sagot ni Eli sa tanong niya habang nakatingin sa kanya. "We didn't even go out of my estate."

"Huh?"

"Nasa likod lang tayo ng mansiyon," pokerfaced na paliwanag nito. "Medyo malayo nga lang ito mula sa mansiyon kaya kinailangan nating mag-carriage."

Her jaw almost dropped at that revelation. "So, iyong mine mo eh nandito lang din pala sa estate mo."

"Yeah," sagot nito. "Maraming powerful Spiritgems sa Levant Mountain kaya mahigpit ang pagbabantay ko sa mine. Hangga't nandito ang bunok sa mansiyon, walang makakapasok dito para magnakaw."

"If I were His Majesty, I'd be envious of your wealth."

Kahit sa modern world, hindi maitatanggi na 'yong mga pinakamayayamang tao do'n ay may minahan.

Sa mundong ito naman, hindi lang mining company ang asset ni Eli. Duke ito at konektado pa sa emperor. Kahit nilalaktawan niya sa pagbabasa sa original novel noon ang complicated explanation tungkol sa politics ng Elion Empire, naiintindihan niyang powerful ang House Grimmwulf. Lalo na't may outstanding physical strength and magical powers ito bilang may dugo itong Kredes.

"You're actually amazing, you know?" sincere na sabi niya na halatang ikinagulat nito. "Hindi madaling mag-survive sa high society kung halos lahat ng nobles sa paligid mo eh gustong agawin ang lahat ng meron ka." At mas nakaka-amaze iyon dahil ayon sa original novel, hindi pa ito adult nang mawala ang mga magulang nito. Hindi tuloy niya napigilan ang sariling tapik-tapikin ang balikat nito. "Good job, Eli. Ang cool mo."

"Hmm," sabi ni Eli habang nakatingin sa kanya na parang pinag-aaralan siya. "So, do you think I'm cooler than any other noble?"

"Well, I can't deny that. What about it?"

"Then I won."

"Won against what?"

Isang charming yet fake smile lang ang isinagot nito sa kanya.

"Mommy! Daddy!" excited na sigaw ni Raven nang patakbo itong lumapit sa kanila. Pagkatapos, kumapit ito sa binti ni Eli habang nakaturo sa puting kabayo. "Gusto ko 'yong white horse! Puwede bang 'yon na lang ang gamitin ko?"

The Duke's Sassy LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon