80: Reunited

4.2K 321 42
                                    

[Eli Grimmwulf]

"BAKIT?" iritadong tanong ni Tori. "Bakit ang daming nagmamahal at pumoprotekta sa babaeng 'yon?"

"Don't you know?" tanong naman ni Eli dito. "Kakie is my lovely duchess. If she managed to make me fall in love with her, then she can charm anyone."

"She's a horrible person, Duke Grimmwulf," giit nito. "And we're not supposed to fall in love with humans who do not have Kredes blood like we do."

"'Yon din ang paniniwala ko noon," pag-amin niya. "Sa mundong 'to, hindi tanggap ang mga kagaya nating may dugong Kredes. Kinakatakutan tayo ng mga tao kaya bilang kapalit, nakatanim na sa isipan natin ang kamuhian sila. Kung noon mo siguro sinabi sa'kin na 'wag si Kakie ang piliin ko, makikinig ako sa'yo. But she changed my life, Miss Tori. Nang dahil sa fiancée ko, natutunan kong kaya kong magmahal ng purong tao."

"Seryoso ka ba, Duke Grimmwulf?"

"Hindi ako nagbibiro at hinding-hindi ako magbibiro tungkol sa damdamin ko para kay Kakie," sabi niya rito. "Miss Tori, give her a chance. She's different from the Francesca Emmanuelle that you know."

Gumuhit ang sakit sa mukha nito na para bang tinraidor niya ito. "Talaga bang mas pipiliin mo siya kesa sa'ming mga kalahi mo?"

"Pareho kayong mahalaga sa'kin," giit niya. "Kaya hangga't kaya ko, pipigilan kong magkasakitan kayo. I'm a selfish bastard. I don't want to lose anything. Not anymore."

Halatang may sasabihin si Tori pero natigilan ito nang biglang yumanig ang kuwarto.

Base sa reaksyon nito, mukhang hindi iyon parte ng plano nito. Kaya nang may maramdaman siyang kakaibang presensiya sa kuwarto, kumilos agad siya sa mabilis na paraan.

He grabbed Tori by the waist and used his body to shield her. Nang segundo kasi na lumapit siya sa babae, naramdaman na agad niya ang malakas na kapangyarihang papunta sa direksyon nito. At tumama nga iyon sa likod niya pagtalikod pa lang niya.

Fortunately, he was still able to create a barrier out of his Mana so he wasn't hurt.

"Duke Grimmwulf, are you okay?" halatang nag-aalalang tanong ni Tori habang nakatingala sa kanya. Nawala na ang hostility nito kanina. She actually looked worried about him now. "Hindi mo ko kailangang protektahan..."

"Responsibilidad kong protektahan ang lahi natin," sabi niya sa babae, saka siya humarap sa mga kalaban. Siniguro niyang maitatago niya si Tori sa likod niya. Maliit naman ang babae kaya madali niya itong mapoprotektahan. "It seems like we have uninvinted guests here."

Sa harapan niya ay may nakatayong tatlong lalaki na may benda ang mukha. Hindi niya nakikita ang anyo ng mga ito pero base sa simbolong nakaburda sa suot na black cloak ng mga ito, halatang mga Dark Magician ito.

To be precise, the "guests" were wearing the same cloak as the Dark Magicians who abducted Kakie and Calliope in the past.

Aside from the leader, there are other survivors, huh?

"I thought I already wiped out your guild," amused na sabi niya. "Nakaligtas na kayo, bumalik pa rin kayo at nagpakita sa'kin? You must have a death wish."

Nanatiling tahimik ang dalawa pero halatang alerto pa rin ang mga ito. Gayunman, nakakapagtaka pa rin na hindi umaatake ang mga Dark Magician. Saka masama ang pakiramdam niya sa sitwasyong iyon.

"I'm insulted," sabi niya sa dalawang Dark Magician.

If he was the same person as before, he would have killed the two right away, especially now that he was agitated because the love of his life was abducted.

The Duke's Sassy LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon