8: Mommy Role

9.3K 497 132
                                    

PAGLABAS nina Kakie at Sophie ng chamber niya, sumalubong sa kanila ni Linden na nag-aabang sa labas ng kuwarto niya. Hindi niya alam kung bakit parang nagulat pa ito nang makita siya. Pero mabilis ding nawala ang gano'ng facial expression nito kaya inisip niyang imagination lang niya iyon.

Pagkatapos, dumeretso na silang tatlo sa guest room. Sa tapat ng malaking double doors ay nakatayo ang middle-aged head butler na si Roman. Gaya ng lahat ng male servants sa mansiyon, nakasuot ito ng three-piece black suit.

"Greetings, my lady," polite na bati sa kanya ni Roman. Halata sa mukha nito ang magkahalong excitement at pag-aalala. "The Duke is waiting in the guest room."

"Alright," nakangiting sabi niya. "Thank you, Roman."

Isang magalang na tango lang ang sinagot nito, saka nito binuksan ang pinto para sa kanya. Siya lang ang pumasok sa loob at naiwan sa labas sina Sophie at Linden.

"Your Grace," bati niya kay Duke Grimmwulf na nakatayo sa gitna ng guest room habang may hawak na bouquet ng pink carnations. Nakakatuwa na makita itong may dalang bulaklak pero hindi niya iyon binigyan ng malisya. Aware naman siya na may well-mannered ito bilang isang higher noble kaya hindi ito pupunta sa kanya ng empty-handed. Lalo na kung kailangan nilang magpanggap bilang engaged couple. "Welcome to House Emmanuelle."

As expected of the novel's main character, Duke Grimmwulf's beauty was blinding. Saka nakakatuwa na makita itong ibang kulay naman ang suot na damit. He looked perfect in all-black but navy blue suited him as well. Kahit white gloves na ang suot nito ngayon at hindi na black, ang charismatic pa rin nitong tingnan.

The power of a protagonist, perhaps.

"Lady Kakie, what a surprise," nakangiting sabi ni Duke Grimmwulf. You know, his infamous fake but charming smile. "This is the first time I've seen you in a dress. Now I'm certain that you're a proper lady."

I knew that smile meant he'd diss me again. But don't worry, fam. Your homegirl is a strong, independent woman.

"Thank you, Your Grace. This is also the first time I've seen you wear another color aside from black," nakangiting sabi niya rito. "Now I'm certain that you're not a grim reaper."

He smirked, half amused and half annoyed. "How have you been?"

Heh. The one who changes the subject first loses. You are so salty, Your Grace.

"I've been well, Your Grace," nakangiting sagot niya. "Sir Linden has taken good care of me in your stead."

"I'm glad to hear that," sabi nito, unti-unti nang nawawala ang ngiti. Pagkatapos, naglakad ito palapit sa kanya at inabot sa kanya ang dala nitong bulaklak. "Here, for you."

"Thank you, Your Grace," sabi niya, saka niya kinuha mula rito ang mga bulaklak. Sa pagkakataong iyon, totoo na ang ngiti niya. She suddenly took a liking to pink carnations. After all, it's the shade of my hair.

"You can smile like that, huh?"

Nag-angat siya ng tingin sa Duke at napansin niyang tinitingnan siya nito na parang pinag-aaralan siya. "I genuinely smile at things I genuinely like. So if you want to see my real smile, you have to earn it..." Nang tumaas ang kilay nito, naalala niya na may kulang sa paraan niya ng pananalita. "... Your Grace."

"Hmm."

"Hmm?"

"It seems like you have become more brazen the last time I saw you."

"Para one week pa lang tayong hindi nagkikita," paalala niya rito. Pero guilty siya sa mga pasaring nito. Pinipilit naman niyang gayahin ang pananalita at pagkilos ng isang proper lady. Pero hindi niya napipigilan ang paglabas ng pagiging modern girl niya. "Anyway, natanggap mo ba ang letter na pinadala ko sa'yo, Your Grace?"

The Duke's Sassy LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon