79: Prince Charming

4.4K 302 58
                                    

NAPAPIKSI si Kakie nang biglang sumindi ang pulang kandila na nakapatong sa mesa na nasa gilid ng silid.

What's that candle for?

"The plan failed," sabi ni Kaiden habang nakatingin sa kandila, saka ito tumingin sa kanya. "It means I have to kill you now."

Napalunok si Kakie dahil nakikita niya sa mukha ni Kaiden na seryoso ito. Saka nararamdaman din niya ang bloodlust nito. Mamamatay talaga siya kung wala siyang gagawin para i-delay ang masama nitong plano.

She had no doubt in her heart that Eli and his people would save her, but she also knew that she had to buy them some more time.

"Wait," pigil ni Kakie kay Kaiden na naglalakad na palapit sa kanya. "Before you kill me, tell me what you meant by what you said earlier. Tinanong mo ko kung malaki ba ang tiwala ko kay Eli. Bakit mo 'yon tinanong? I want to know before I die."

Charot lang. Wala akong planong mamatay 'no.

Pero aaminin niyang natatakot na siya ngayon. Noon kasi, no'ng iniisip niyang nobela lang 'yon, in-assume din niyang may "plot armor" si Eli bilang protagonist ng The Duke's Adopted Daughter. Pero ngayong alam na niyang totoong mundo iyon, puwede nang mangyari ang lahat.

Kung walang "plot armor," nangangahulugan lang 'yon na kahit si Eli ay puwedeng mamatay anumang oras.

Please be safe, babe.

"I will consider that as your final wish," sabi ni Kaiden, saka ito umupo at nag-lotus position sa harapan niya. "One of our members went and tried to seduce Eli Grimmwulf."

Tumaas ang kilay niya sa narinig. "Excuse me?"

"Tutol kami sa'yo bilang mapapangasawa ni Duke Grimmwulf," pagpapatuloy ng lalaki. "Bukod sa mga kasalanan ng mga magulang mo, hindi rin kami panatag na isang purong tao ang mapapangasawa ng isang Grimmwulf. Mas bagay sa duke ang kauri namin kaya ipinadala namin si Tori– ang pinakamaganda at kaakit-akit na Kamela sa grupo namin. Siya rin 'yong kasama kong dumukot sa'yo sa mansiyon."

"You said the plan failed," nakangiting sabi niya. "Ibig sabihin, hindi niya naakit si Eli."

That's my babe!

"Do not rejoice yet," angil ni Kaiden. "Inasahan na namin na mangyayari 'yon dahil ayon sa mga balita, mahal ka raw ni Duke Grimmwulf."

Sa true lang.

"Kaya nagkasundo kami na kung hindi magtatagumpay si Tori, tatapusin ka namin."

"Hindi kayo mapapatawad ni Eli kapag tinapos niyo ko," giit niya. "Kahit pa mga kalahi niya kayo."

"Makakalimutan ka rin ng duke kapag tuluyan ka nang nawala sa mundong 'to," sabi ni Kaiden, saka ito tumayo. Pagkatapos, hinugot na nito ang espadang nakasabit sa baywang nito. Tinutuok nito sa kanya ang patalim niyon. "Goodbye, Francesca Emmanuelle. Blame your cruel parents for your untimely death."

"Killing me wouldn't equal to accountability," mariing sabi niya, deretso lang ang tingin sa mga mata ni Kaiden. "Hindi ako produkto ng kasalanan ng mga magulang ko."

Dumaan ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Kaiden pero sa huli, inangat pa rin nito ang espada. Pagkatapos, sumigaw ito habang nasa akma nang pagsaksak sa kanya.

Hinanda na niya ang sarili sa mangyayari pero umasa pa rin siya sa isang bagay.

The goddess won't let me die, will she?

As if an answered prayer, the holy protection that saved her in the past was activated.

Tumama ang talim ng espada ni Kaiden sa harang na pumrotekta na rin sa kanya noon. Halatang nabigla ang lalaki, saka ito tumingin sa itaas ng ulo niya. Malamang ay nakikita nito ang white dove na lumabas noong inatake siya dati ni Emperor Arko.

The Duke's Sassy LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon