11: Midnight LQ

8.9K 509 104
                                    

"LOVELY evening to you, Your Grace," nakangiti at polite na sabi ni Kakie habang nagke-curtsy kay Duke Grimmwulf. Mabuti na lang at naalala niyang damputin ang satin robe niya kanina bago siya umalis. Ang lamig kasi sa opisina nito. "Ipinatawag mo raw ako?"

"Yes, I'd like to discuss important things with you," sagot ni Duke Grimmwulf, seryoso at mukhang pagod nang magsuot ng maskara sa gabing iyon. When he wasn't showing his fake smile, his face was completely void of emotions. Even his eyes were cold and empty. "This is about our engagement."

Pagkatapos sabihin iyon, tumayo ito at inaya siya sa lounging area ng opisina nito. Nang magkaharap na silang nakaupo sa kanya-kanya nilang Victorian-style accent chair, tinawag nito ang mga maids para magpagawa ng tea.

"Tulog na ba si Raven?" tanong ng Duke nang umalis na ang mga maids.

"Tulog na siya," pag-confirm niya. Alam naman niyang small talk lang 'yon kaya hindi na niya ito sinita. I mean, hindi naman ako makakalabas ng chamber kung hindi pa tulog si Raven. "Bakit mo nga pala alam na lalabas ako?"

"Nakita ko 'yong mukha mo bago ako umalis kanina," paliwanag nito. "You didn't look pleased by the way I talked to Raven. Kilala na kita kaya alam kong susugurin mo ko rito sa opisina ko kapag tulog na ang bata. Kaya ipinasundo na kita kay Linden."

"At least alam mo na kung bakit ako nandito."

Hindi ito sumagot at nalaman niya ang dahilan nang kumatok ang mga maid, saka may nagsalita at nagsabing handa na ang tea. "Come in."

Pumasok ang dalawang maid na may dala ng tea at tea cakes para sa kanila. Pagkatapos ihain ang mga iyon sa pabilog na table sa pagitan nila ng Duke, magalang na nagpaalam na ang mga ito sa kanila.

"May mali ba sa mga sinabi ko kay Raven?" tanong ni Duke Grimmwulf no'ng silang dalawa na lang uli ang nasa opisina nito. "At gano'n ba 'yon kalala para sumugod ka rito?"

"Hindi kita sinugod," kaila naman niya. "Nagpunta ako rito para kausapin ka. Kung susugurin kita, hindi ako magiging ganito kalmado."

Sumimsim lang ito ng tea, halatang walang planong mag-comment tungkol do'n.

"Anyway, I didn't think you were wrong," pagtatama niya sa maling hinala nito. Halatang nagulat ito sa mga sinabi niya kaya nag-explain agad siya. "Hindi mo naman tinago kay Raven ang intensiyon mo sa pag-ampon sa kanya. Alam ko rin na ginawa mo 'yon para hindi umasa 'yong bata na mabibigyan mo siya ng normal na pamilya. Pero hindi ko gusto 'yong ginamit mong tono sa kanya. Kahit nakangiti ka, ang cold pa rin ng boses mo. Hindi gano'n makipag-usap sa mga bata."

"Hindi ordinaryong bata si Raven," katwiran nito, saka nito nilapag sa mesa ang tasa at tumingin ng deretso sa mga mata niya. "Kung hindi niya kakayanin ang mga salitang sinabi ko sa kanya, hindi siya mabubuhay sa labas ng mansiyon na 'to."

"I understand that "tough love" works for some," giit niya. "But I believe that it won't work on Raven. If you continue treating her like that, she'd lose her confidence even more. You know that she barely sees herself as a human after being mistreated for years, don't you?"

"Lady Kakie, I already told you that in this house, we value authenticity," giit naman ng Duke. "I can't act like a doting father to Raven. Alam naman niya ang dahilan kung bakit ko siya inampon kaya bakit kailangan ko pang umarte ng gano'n? As long as I provide her the protection and comfortable life she needs to survive in this world despite her blood, I believe that's enough to fulfill my role as her father. If she needs affection of a parent, then I'm giving you that job. You're her mother, aren't you?"

Jerk.

Bumuga siya ng hangin dahilan para umangat ang bangs niya. Pero mabilis din 'yong bumalik sa ibabaw ng mga kilay niya kung nasa'n talaga ang mga 'yon. Let's change the topic for now. "Okay, I'll do it not because you asked me. I like Raven anyway."

The Duke's Sassy LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon