7: Loyalty

9.2K 472 106
                                    

MUKHANG hindi na nila pinalaki ang nangyari dahil wala namang nasaktan.

Nang gabing sabihin ni Kakie sa mga kasambahay ang nangyari kay Lord Emmanuelle, nag-alala ang mga ito para sa kinabukasan ng household. At kinabukasan, may dumating pang mga royal guard sa mansiyon. Kahit hindi ito nagpakilala, nakilala agad niya ang Commander ng Sunrise Knighthood dahil nabasa niya ang original novel.

The Knight with the white blonde hair was Sir Levi– the emperor's most loyal royal guard.

May dala itong scroll na may tatak ng Royal Family kaya nang makita niya iyon, lumuhod agad siya at ang lahat ng servants ng House Emmanuelle.

"Lady Francesca Emmanuelle, kinikilala ng ating mahal na Emperor Arko de Elio ang ipinakita mong katapangan, lalo na ang katapatang ipinamalas mo para sa Elion Empire," sabi ni Sir Levi. "His Royal Highness would like to express his gratitude by sparing your life and the members of House Emmanuelle."

"Thank you, Sir Levi," magalang na sabi ni Kakie habang nakayuko. "Please extend my gratitude to His Majesty."

Bilang magaang na parusa, kinuha ng empire ang lahat ng yamang ipinamana sa original Lady Francescam, maliban sa mansiyon. Sinabi rin sa kanya ni Sir Felix na kung gusto niya, pinapaalam daw sa kanya ni Emperor Arko na puwede raw kunin ng Royal Palace ang mga servants ng House Emmanuelle.

Kaya pagkaalis ng royal guards sa mansiyon, ipinatawag niya ang lahat ng servants nila.

"Narinig niyo naman ang sinabi ni Sir Levi, hindi ba?" nakangiti pero malungkot na sabi niya sa mga servants nila. Naging mabuti sa kanya ang lahat kaya nalulungkot siya na kailangan na niyang pakawalan ang mga ito. "Puwede kayong mamasukan sa isa sa mga palasyo ng Royal Palace sa oras na umalis na kayo sa House Emmanuelle."

Kaunti lang naman ang servants ng House Emmanuelle. Bukod kina Sophie at Andrew, meron na silang tatlo pang maids at dalawang butlers.

"Kinuha ng empire ang mana ko kasi kahit pa'no, naging parte pa rin ako ng masamang plano ni Lord Emmanuelle," pagpapatuloy niya. "Ibig sabihin, wala na kong kakayahang bayaran ang serbisyo niyo."

"Mananatili ako, Lady Kakie," emosyonal pero halatang desididong deklara ni Sophie. "Kahit hindi mo ko bayaran, walang kaso sa'kin 'yon."

"'Wag mong sabihin 'yan, Sophie," marahang sabi niya rito. "May mga kapatid ka, 'di ba?"

"Pero pa'no ka na kung mawawala kami?" tanong nito sa pagitan ng mga hikbi. "My lady, biktima ka lang din. Ayokong mahirapan ka dahil sa kasalanan ni Lord Emmanuelle."

"Tama si Sophie, Lady Kakie," emosyonal din na sabi ni Andrew. "Hindi namin alam na nasa mahirap na sitwasyon ka pala. Patawarin mo kami kung hindi ka namin naprotektahan. Sana ay hayaan mo kaming magsilbi sa'yo bilang pagbawi sa naging pagkukulang namin. 'Wag mong alalahanin ang ipapasuweldo sa'min. Magagawan iyon ng paraan."

"Puwede tayong magtulungan," gentle na sabi naman ni Linda, ang head cook na naging malapit na sa puso niya. "Lady Kakie, hindi ka namin pababayaan."

At gano'n din ang naging desisyon ng iba pang servants.

Aminin man niya o hindi, na-touch talaga siya. Pero hindi agad siya nakasagot sa mga ito kaya sinabihan niya muna ang lahat na magpahinga. Maghahanda pa kasi sila para sa pagdarasal sa namayapang si Lord Emmanuelle.

Pag-aari daw ng empire ang mga kriminal kaya hindi ibibigay sa kanila ang katawan ng Baron. Naisip niya na kung nandito ang original Lady Francesca, maglalaan ito ng oras para ipagdasal ang namayapang ama. Lalo na't relihiyosa ang babae.

She wanted to do it in the original Lady Francesca's place so she did.

Kinagabihan, nagpalipad ng sky lanters ang mga servants dahil isa raw iyong paraan para ipagdasal ang kaluluwa ng isang namayapa. Kaya heto siya, nakatayo sa balkonahe habang nakatingala sa madilim nang kalangitan na pinapaliwanag ng mga sky lantern.

The Duke's Sassy LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon