IMAHINASYON

2.3K 52 3
                                    

IMAHINASYON Ni- Alex Asc

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

IMAHINASYON
Ni- Alex Asc

Nasa isang foodcourt ang magkasintahan na si Natalie at Jordan, dahil sa imbita ni Jordan kay Natalie. Masaya namang nakipagkita si Natalie, dahil saktong ikalimang annibersaryo na nila nitong araw at malakas ang kutob ng dalaga na aalokin na siya nito ng kasal.

Ang pinakahihintay niya, nais niyang si Jordan ang kusang mag-propose kaysa kusa siyang magbukas ng topic para doon. Nasa tamang edad na rin sila na pawang 25 anyos.

Kung si Natalie lamang ang naging lalaki ay matagal na niyang inalok ng kasal si Jordan, dahil mahal na mahal niya ito.

"Natalie... mayroon sana akong nais ipaalam sa iyo..." mahinang tinig ng binata na hindi mo kakapansinan ng saya o excitement.

"Ano 'yun?" tipid na tanong ni Natalie. Kahit sobra siyang excited kanina ay napalitan iyon, dahil mailalarawan kay Jordan ang kalungkutan ng tinig nito.

"Natalie..." masuyong bigkas ni Jordan sabay hawak sa palad ng dalaga.

Napakunot-noo naman si Natalie dahil sa hindi niya mawaring sasabihin nito.

"Ano ba 'yan babe... bakit hindi mo pa sabihin?" wari pagrereklamo niya.

"Mahal na mahal kita..." bulalas ni Jordan.

"O? Mahal din kita..." sagot naman ni Natalie.

"Nakabuntis ako ng iba... i'm sorry..." Napayuko ang ulo ng lalaki dahil ayaw niyang mamasdan ang reaksyon ng mahal niya.

Nagulat naman si Natalie at napaurong ang upuan at biglang napatayo.

"Nagbibiro ka ba?" kabado niyang tanong habang umiiling naman si Jordan habang ang mga mata'y nagbabadya ng pagluha.

"Hindi ko sinasadya... " malungkot nitong tinig. Dudugtungan pa sana ni Jordan ang nais sabihin pero tumalikod na at umalis si Natalie.

Malungkot na malungkot siya at umiyak ng umiyak. Hindi na rin niya sinasagot ang tawag ni Jordan. Hindi siya umuwi sa appartment o pumaroon sa mga kaibigan upang hindi siya mapuntahan ni Jordan.

Wala sa sarili siyang naglalakad sa kalsada dahil sa sama ng loob. Hindi niya lubos akalain na magagawa sa kaniya iyon ng lalaking labis niyang pinagkatiwalaan, nang lalaking ibinigay niya ang lahat ng sa kaniya.
Ngunit sa huli nagawa rin siyang lukohin.

Napatapat siya sa bridge at naisipang tumalon roon. Humarap siya sa may ilog. Hindi pa naman siya umaakyat sa bakod nang ipikit niya ang kaniyang mga mata.

Wari sinasariwa niya ang lalaking minahal niya na sa huli ay nanakit lang sa damdamin niya.

May malakas na dampi ng hangin na bumangga sa kaniya, kasunod nito'y ang madilim na paligid habang unti-unting lumalapit ang pigura ng isang liwanag. Nakakabinging katahimikan habang tanaw ni Natalie ang lumalapit.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 2حيث تعيش القصص. اكتشف الآن