TYPEWRITER

698 23 0
                                    

TYPEWRITERNi Alex Asc

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

TYPEWRITER
Ni Alex Asc

Nakabili si Brayan ng murang Typewriter na inalok ng kanyang kakilala. Hindi naman niya ito kailangan ngunit dahil sa pangungulit binili na niya. Nalaman niyang namatay umano ang buong pamilya na nagmamay-ari nito, pero walang kaso sa kaniya iyon, sapagkat kung sa kuwentuhang horror lamang ay sanay na siya.

Isa siyang Writter ng isang Publishing. Horror ang kadalasan niyang sinusulat, kaya nga siya pinagbentahan ng Typewriter dahil kilala siya bilang manunulat.

Sa una, idinisplay niya lang ang bagay na iyon bilang decoration, ngunit naisipan din niyang minsan rin ay gamitin dahil sayang naman ang perang ginasto niya roon.

Magaan sa kamay ang pindutan o tawagin nating keyboard niya. Hindi katulad ng kadalasang ginagamet sa mga presento ng Police o baranggay hall na kailangan malakas ang bawat diin ng mga daliri para gumalaw ito ng malakas.

Isinusulat mo na ni Brayan ang ilang pamagat ng naiisip niyang kuwento sa Typewriter saka niya etitipa sa Loptop.

Isang gabi, kakauwi lang niya mula trabaho nang dumiritso siya sa Typewriter upang isulat ang panibagong Nobela na pinamagatan niyang 'Aswang sa Hacienda'.

Kasalukuyan siyang nagtitipa ng mayroon siyang maramdamang kakaiba, wari may umaali-aligid sa kaniya, ngunit 'pag susulyap naman siya sa likuran ay wala naman. Itinigil niya ang ginagawa at tinungo ang kuwarto kung saan tulog na ang asawa niyang si Tanya at anak niyang si Clinton na nasa pitong taong gulang. Hinagkan niya ang dalawa at nagising naman ang kaniyang Misis.

"Pasensya ka na, nakatulog ako ng maaga..." At lumabas sila ng silid upang ipaghanda ng makakain ang Mr.

"Love you mahal... sorry din kasi nagising ka pa..." pagpapaumanhin ni Brayan. Mahal na mahal ng dalawa ang isa't isa.

Kinabukasan ng umaga, mas naunang gumising si Brayan. Wala rin siyang pasok sa araw na ito. Lumabas siya upang ipaghain ng agahan ang asawa't anak, ngunit nagtaka siya sa mga nakakalat na papel sa table ng Typewriter maging sa ibaba nito.

"Sino kaya ang gumamit nito?" aniya sa sarili. Hindi niya iniisip ang asawa niya dahil ni kailanman, hindi niya nakitang nagtipa iyon, dahil walang hilig sa pagsusulat iyon.

Cheneck niya ang pinto at mga bintana pero nakasarado naman lahat. Ayaw rin niyang gisingin ang asawa dahil ayaw niyang madistorbo ang mahimbing nitong tulog.

Pinulot niya ang madaming papel. May nakasulat na malalaking Letra sa bawat itaas ng papel, ito ay ang 'CHAPTER 1.. 2.. 3.. ... ... ... hanggang sa wakas. Ito'y buong story na mukang tinipa ng buong gabi. Hinanap niya ang tittle nito, at ganoon na lamang ang gulat niya, 'Aswang sa Hacienda' wari may nagtuloy sa kaniyang idea.

Tinitigan niya ng malalim ang Typewriter, sinuri, ngunit kahit mag-isip siya ng ano pa man, hinding-hindi siya maniniwalang may kababalaghan iyon, dahil para sa kaniya hindi totoo ang multo o magic.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 2Where stories live. Discover now