ALAKDAN

849 36 0
                                    

ALAKDAN Ni - Alex Asc

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALAKDAN
Ni - Alex Asc

Bising-bisi sa paglilinis at pag-aayos si Agnes. Kakalipat lang nila ng bahay, at masasabig masuwerti sila dahil napakamura ng halagang 2500 upa kada buwan, bukod roon ay malaki pa ang bahay masyado para sa kanilang lima.

Natyempuhan daw nilang kaka-alis lang ng huling nangupahan kung kaya't sila ang naka-upa. Tamang-tama dahil kailangan nilang lumipat malapit sa opisina ng kaniyang asawa, dahil mataba ito't napapagod sa pagda-drive ng malayo.

Isang palapag lamang ang bahay, pero malawak ito. May Isang master bedroom, tatlong iba pang silid, malawak na sala, malaking kitchen, Cr sa bawat silid at isang basement room na 'di pa natutukoy ni Agnes kung ano ang naroroon.

Mahigpit silang pinagbawalan ng matandang lalaki na si Mang Kanor na 'wag na 'wag paparoon, dahil doon nakalagay ang mga mahahalagang gamit ng may-ari ng bahay.

"Dannica, pasuotin mo nga ng damit si Macmac, baka sumakit ang tiyan niya," utos ni Agnes habang nagluluto sa kusina. Samantalang ang dalagang si Danica ay busy sa kakatelebabad kausap ang nobyo. Hindi na sumagot si Danica kahit alam niyang inuutusan siya. Matigas ang ulo ng mga anak ng kaniyang Asawa at walang karespeto-respeto sa kaniya. Pambihira, hindi sila sang-ayon sa pag-aasawa muli ng kanilang Papa.

Apat na taon nang mag-asawa si Agnes at si Ramil na isang biyudo noon. May dalawang anak na pawang dalaga't binatiyo na si Jimboy at Danica. Samantalang si Agnes at Ramil ay mayroong isang anak na mag-aapat na taong gulang na. si Macmac na may kapansanan, hindi nakakapagsalita  at nakakadinig.

Napapa-iling na lang si Agnes at tinungo ang maliit na bata't pinasuot ng damit.

"Macmac, 'wag mong hubarin ang mga damit mo, baka sumakit ang tiyan mo..." wika niya habang pinapasuot ang anak ng damit. Kahit alam niyang hindi ito nakakadinig ay kinakausap pa din niya ito. Dahil para sa kaniya, nais niyang tratuhing parang normal ang kanyang anak.

Nakaugalian naman ni Macmac ang makiramdam sa paligid, baka sakaling tawagin siya.

Napalingon pa si Agnes sa silid ng binatang si Jimboy, busy ito sa kakalaro ng PUBG sa kaniyang computer. Ni hindi nito inayos ang kaniyang silid, hindi idinisplay ang dapat, ni hindi niya binuksan ang mga bag at maleta niya. Alam na alam na ni Agnes na siya na naman ang aasahan nitong mag-ayos. Samantalang ang asawa niyang mataba ay tulog na tulog.

Kasalukyang nagsasaing pa din si Agnes, at paminsan-minsan ay tinatanaw niya ang maliit na bata, dahil ayaw niyang magawi ito sa hagdan ng basement. Ayaw niyang magalit ang caretaker dahil sa pagsuway sa ipinagbawal nila. Minsan naiisip niya, kung bakit ni paglapit ay mahigpit na ipinagbawal samantalang nakakandedo naman iyon. Gaano ba kahalaga ang laman no'n? Bakit nagtiwala sila sa kanila kung sakaling kayamanan man ang laman ng basement room?

Unang gabi ay tulog na tulog ang bawat isa sa kanila, nang tumayo ang batang si Macmac, binuksan ang pintuan ng silid kung saan mahimbing ang tulog ng mag-asawa.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 2Where stories live. Discover now