MANNIQUIN

570 22 0
                                    

MANNIQUENIsinulat nii - Alex Ac

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MANNIQUEN
Isinulat nii - Alex Ac

Kakabili lang ni Paula ng isang Manniquen na sadyang napakaganda ang anyo nito. Kakaiba sa lahat ng Mannquen na nakita niya't nabili. Kung magkakaroon lamang iyon ng buhay ay maihahalintulad sa Diwata.

Isang online seller si Paula at madami na siyang suking dene-deliver-an. At palagay niya'y maghahated sa kaniya ng suwerte ang Manniquen upang buminta ang mga damit na benebenta niya through live Online.

"Napakaganda naman ng Manniquen mo, Paula. Nakaka-akit siya," wika ng namamanghang si Julius.

Bagong kasal pa lang ang dalawa. Hindi pa umaabot ng linggo mula ng ikinasal sila. Isang Jeepney Driver si Julius at Fulltime online seller naman si Paula. Lahat ng puweding pagkakitaan through online ay pinasok na niya.

"Hoy! Julius... mangamera ka na lang diyan. 'Wag mo akong binibiro ng ganiyan... baka magselos ako..." kunwaring pagtataray ni Paula. Nilapitan naman siya ng asawa't hinalikan.

"Ipagpapalit ba kita sa 'di hamak na Manniquen lamang? Simpre ikaw ang mahal ko..." wika naman ni Julius.

"Hmm... bolahin mo pa ako. Alam ko namang ganyang itsura ang pantasya ng mga kalalakihan," kunwari nagtatampo nitong wika. Sunod-sunod lang na halik ang iginawad ni Julius sa asawa upang hindi tuluyang magtampo. Pero habang ginagawa ni Julius iyon, ay hindi niya naiwasang mapalingon sa Manniquen.

"Kung ganyan sana kagandang babae ang nahahalikan ko, siguradong jackpot!" anang malikot niyang isipan. Nang magulat siya dahil kumindat ang Manniquen sa kaniya. Napakunoot noo siya. Illusion lamang ba iyon o totoo? Tinitigan niya ang Manniquen pero hindi naman ito kumndat ulit. Napapangiti siya sa naiisip. Dahil sa kalikutan ng kaniyang imahinasyon, akala niya tulo'y kumindat ang Manniquen.

Oras ng kainan nang puntahan niya ang asawa niya na Busy sa kakaayos ng mga bagong sample na mga damit sa storck room.

"Kainan na mahal..." sambit niya. Habang nakayukong inilalabas ni Paula ang mga stock sa cartoon. Sumulyap ulit si Julius sa Manniquen at muli kumindat iyon. Muntikan bumangga pa ang ulo ni Julius sa pintuan sa labis na pagkagulat.

Nagtataka na talaga siya, nakadalawang ulit na ang pagkindat ng Manniquen sa kaniya.

"Wala ka bang napapansin sa Manniquen mo?" tanong ni Julius habang nasa hapag kainan na silang dalawa.

"Anong mapapansin?" takang tanong ni Paula.

"Hindi ba siya kumikindat o gumagalaw man lang?" tanong ni Julius.

"Hay naku! 'yan na nga ba ang sinasabi ko e! Sa kakatitig mo lagi sa Manniquen na iyon. Ini-imagine mong gumagalaw na." Napapa-iling si Paula, hindi na nagtanong ulit si Julius.

Isang Araw, wala sa bahay si Paula dahil sa pag-delever niya ng stock sa kaniyang suki. Mag-isa lang si Julius. Nang madinig niyang may namumuong ingay sa loob ng stock room. Kinutuban siya at tinungo ang stock room.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon