MY MORTAL ENEMY

857 29 2
                                    

"MY MORTAL ENEMY"by Alex Asc

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"MY MORTAL ENEMY"
by Alex Asc

"Sige, habol pa. Tingnan natin kung mahuhuli mo ako..." sambit ng tumatakbong si Divina habang nakangiti na lumilingon sa katunggali sa kabilang dako.

"Kayang-kaya kitang dakipin, katulad kung paano ko hinuli ang puso mo!" sigaw naman ng tumatawang si Zack.

Matulin ang takbo ni Divina at malakas naman ang bawat lundag ni Zack. Sa malawak na damuhan, sa gitna ng kabundukan, wari'y nagkakarera ang dalawang nilalang sa dilim na pinagtagpo at minahal ang isa't isa.

Prinsesa ng mga bampira si Divina, samantalang prinsipe ng mga taong lobo naman si Zack.

Taglay ng mga bampira ang bilis sa pagtakbo, ngunit dahil babae si Divina ay 'di hamak na kayang pantayan ni Zack ang kaniyang bilis.

Niluksuhan siya ni Zack mula sa kabilang dako, habang anyong lobo ito at mabilis na nag-anyong tao. Natamaan niya ito at bumangga ang katawan niya sa katawan ng dalaga. Niyakap siya ni Zack at gumanti rin si Divina. Nagpagulong-gulong sila at nang huminto, si Divina ay nasa ilalim habang nasa ibabaw naman si Zack.

"Sabi ko naman sa 'yo, hindi ka makakatakas sa akin," masuyong wika ng binata habang nakakulong ang dalaga sa mga bisig nito.

"Oo na, hinding-hindi na ako makakatakas sa 'yo dahil ako'y iyong-iyo lamang." At parehong ngumiti ng walang kasing tamis ang dalawa.

Siniil ng halik ni Zack ang mga labi ni Divina. Pareho silang nag-aalab habang pinagsasaluhan ang walang kasing-sarap na pagmamahalan.

Lingguhan ang kanilang routine na tumungo sa gubat upang gamutin ang nauuhaw nilang damdamin. Ang pananabik sa dugo, ngunit hindi dugo ng mga tao, kundi ng mga hayop. Iniiwasan nilang makasakit ng mga tao kahit mahirap sa kanila at hinahanap nila ang preskong dugo ng tao ay tinitiis nila. Kaya't sa mga hayop na lang sila tumitira.

Namumuhay sila ng normal sa piling ng mga tao. Naninirahan sa siyudad, nagtatrabaho. Pilit nilang iniiwasan ang madilim na kinagisnan. Pangarap rin nilang mamuhay ng normal, malayo sa gulo at higit sa lahat, malayo sa dilim kung saan ang pagpatay ng mga tao ang unang gawain ng kanilang mga pangkat.

"Good morning," bati ni Divina sa mga ka-workmate ng umagang ito.

Inilagay niya sa luggage ang dalang bag at tumungo sa counter. Isa siyang kahera ng isang Super Market. Samantalang si Zack naman ay service crew sa isang sikat na fast food chain.

Sa simpleng trabaho, masaya na sila. Hindi sila naghahangad ng labis. Ang nais lang nila'y mamuhay ng simple't normal.

"Basketball tayo mamayang out?" aya ng katropa ni Zack na kasama niya sa trabaho.

"Sige ba..." nakangiti niyang sagot habang hinahanda nila ang mga broasted chicken sa mga costumer.

"'Insan! Inutusan kami ng iyong ama. Binibigyan ka lamang niya ng tatlong araw upang iharap sa kaniya si Divina! Kapag hindi mo nagawa, kami ang uutusan niyang dakpin siya't dalhin sa kaniya." Ito ang masamang pahayag na dumating kay Zack nang mga gabing ito.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 2Where stories live. Discover now