KAMATAYAN

619 19 0
                                    

KAMATAYANIsinulat ni Alex Asc

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

KAMATAYAN
Isinulat ni Alex Asc.

Nagsisigawan ang mga tao, nag-iiyakan. Humihingi ng tulong habang nakakalat sa paligid.

Makikita sa kapaligiran ang makapal na usok ng malakas na pagsabog. Mga katawan ng mga nakahandusay dahil sa karahasang ito. Putol-putol at duguan. Marami pang bahagi ng ilang katawang sumambulat sa kapaligiran.

Agad rumesponde ang mga pulis, mga ambulansya, mga bumbero at iba't ibang kawani ng gobyerno na maaaring tumulong sa mga biktimang nagkalat.

Napabalikwas si Monique habang pawisan at malakas ang bawat paghinga.

Napalunok siya sa alaalang iyon na patuloy na bumabagabag sa kaniyang damdamin.

Ang malakas na pagsabog sa labas lamang ng malaking mall, kung saan aabot sa mahigit dalawampu ang patay.

Nakasandal sa kaniyang pagkakaupo si Monique sa loob ng bus at sakto naman ang pagbungad sa kaniya tungkol sa balitang iyon na naganap labing-siyam na taon na.

"Ngayong araw po ang 19th death anniversary ng mga biktima mula sa malakas na pagsabog sa labas ng Xhino Mall noong November. 20, 2000. Ang kaanak ng bawat nasawi ay patuloy pa ring humihingi ng makatarungang hustisya. Parusang kamatayan para sa may kagagawan ng lahat ng iyon," wika ng reporter sa kaniyang balita.

Mapapanood ang mga nagra-rally na kamag-anak ng mga biktima sa pinangyarihan ng krimen. Hinihiling nila na maaprubahan ang bitay upang iparusa sa mga kriminal.

Papunta nang mga sandaling ito si Monique sa trabaho, kasama nito ang kaniyang bestfriend na si Marie.

Nag-aabang sila ng tren na darating nang may maramdamang kakaibang presensya si Monique.

Hindi niya maintindihan kung ano. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Wala namang kakaiba, bukod sa lalaking magulo ang buhok, namumula ang mga mata at nakatulala habang nakasandal sa gilid na nasa likuran lang nila.

Paparating na ang tren nang sumigaw bigla ang lalaki.

"Magpapakamatay ako!" at mabilis na gumalaw upang tumalon. Ngunit agad nahablot ng isang lalaki ang taong iyon, kaya't napigil niya ito sa masamang balak. Sa kasamaang palad, tumama ang katawan ng lalaki kay Monique dahilan upang mahulog si Monique sa kalapit na riles.

Sumubsob si Monique sa riles at agad napatanaw sa paparating na tren.

"Monique!" malakas na sigaw ni Marie. Agad namang tumungo si Monique sa kaniya at inabot ni Marie ang kamay ni Monique habang mabilis ang pagtakbo ng tren.

Nagtulong-tulong ang ilang naroroon upang sagipin si Monique at nakapanhik naman ito. Ngunit dahil sa pagkukumpulan at pagkabigla ng ilan ay bahagyang nabangga ng ibang tao si Marie kung kaya't natapilok ang kaniyang paa at nahulog sa kalapit na riles.

Sakto namang pagdating ng tren na siyang sumagasa sa katawan ni Marie.

"Marrie!!!" malakas na sigaw ni Monique.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora